Chapter 8 (edited)

4.1K 50 14
                                    

Chapter 8

Tom’s POV

Settle down? Masyadong mabigat ang salitang settle down para samin ng kakambal ko, lalo na’t hindi kami yung tipo ng tao na magseseryoso sa mga bagay bagay lalo na sa pag-ibig. Kaya nga nakakatawa lang isipin na kung kailan kami na inlove na dalawa ay saka pa nagkaroon ng problema, parehas kami ng babaeng mahal at masaklapa ang babaeng yun ay nagpakasal sa kuya namin. Ngayon namang may nakilala kaming babae na sa tingin naming ay iba sa mga babaeng dumaan samin, pero masyado pang maaga para sabihing sila na nga lalo na’t iba ang tama namin ni kambal kay Princess.

Hindi naman namin dapat madaliin ang ma inlove sa iba o ang kumalimot, darating at darating din kami doon. Pero hindi na kami teenager ni Tim para makipaglaro kung kani kaninong babae. Matanda na si papa at naghahanap na ng apo mula samin ng kakambal ko. Gusto niya daw makilala ang babaeng mapapangasawa naming para daw kapag namatay na siya may ikekwento daw siya kay mama pag nakita sila. Napailing nalang ako ng maalala ko ang pag-uusap usap naming mag-aama tungkol sa bagay na iyon.

Kahit naman ako gusto kong makita ni papa ang babaeng ihaharap ko sa altar, gusto ko masaksihan ni papa ang unang hakbang ko sa pagsesettle down. Gusto kong makita niya na hindi lang kagaguhan ang alam naming gawin ni Tim, na kaya din namin maging seryoso at kaya din naming gumawa ng tama.

Naglakad lakad ako sa loob ng mall at nagbakasakali na makikitang andon din si May. Habang naglalakad ako ay malapit sa isang toy store ay may napansin akong babae. Kakatawan na kakatawan niya si May, ang buhok nila ay mag sing haba, kulot na may pagka brown ang kulay ng buhok niya. Ang pinagkaiba lang nila ni May ay ang pananamit, kikay manumit si May etong babaeng umagaw sa pansin ko ay tila tomboy kung manamigt. Malaking tshirt na puti, naka sombrero at naka jeans, gusto ko siyang lapitan dahil iba ang nararamdaman ko para sa babaeng pinagmamasdan ko, yung pakiramdam ko sat wing nakikita ko si May ay nararamdaman ko sakanya.

Umiling ako, impossible, hindi magsusuot ng pang tomboy na damit si May, at hindi rin siya isip bata para magpunta sa toy store at bumil ng laruan. Dahil kilala ko si May, kahit sabihin nating isang buwan ko siyang hindi nakita, alam kong hindi ganyan si May.

Binaling ko nalang sa iba ang atensyon ko at nagsimula ulit maglakad.andito kaya siya ngayon sa mall na to? Nakakatawang isipin na kahapon nalang ulit ng makita ko siya makalipas ang isang buwan pero ang nararamdaman ko para sakanya ay ganto, sobra sobra ang kagustuhan kong makita at makausap siya. Kaya nga kahit alam kong tatarayan at susungitan niya lang naman ako pagnakita niya ko ay minabuti ko parin na magpunta dito at nagbabakasakali na makita ko ulit siya.

Pero kapag minamalas ka nga naman, sa ilang oras na pag-iikot ko sa mall ni anino ni May ay hindi ko nakita, pero yung babaeng tomboy na napansin ko kanina ay tatlong beses ko pang nakita kanina. Ang weird lang talaga pero iba talaga ang nararamdaman ko sakanya kahit na hindi ko pa nakikita ang mukha niya o ni ang alamin kung sino siya. Teka nga, bakit ko ba pinag-iisip ng ganto ang utak ko? Ano bang pake ko sa tomboy nay un? E si May ang kailangan ko at hindi siya.

Naghintay pa ko ng isa pang oras sa pagbabakasakali na andon siya, pumunta na din ako sa fast food chain at ice cream parlour kung saan siya madalas kumaen, pero walang May akong nakita sa dalawang lugar na iyon. Wala si May, hindi siya nagpunta sa mall ngayon.

Alam kong hindi dapat akong umasa na araw-araw siyang pupunta sa mall na ito lalong lalo na sa pag-uugaling meron siya, pero nagbabakasakali parin ako. Ganto ba ang epekto sakin ni May? Kahit ang ratinal thinking ko ay kinokontra ko?

Huminga akong malalim bago napagpasyahan na lumabas na ng mall. Sa paglalakad ko ay nakita ko na naman ang tomboy na babae na may kasamang lalaki at parang nagtatalo pa sila. Umiling muli ako at nagsimula na namang maglakad, pero bago ko tuluyang makalayo don sa tomboy at lalaki ay narinig kong magsalita yung tomboy na dahilan para mas bumilis ang tibok ng puso ko.

Napahawak ako sa kaliwang bahagi ng dibdib ko, pinapakalma ang sarili ko. Ano bang nangyayari sakin? Kanina ay si May lang ang pinoproblema ko, ang hindi niya pagpunta sa mall na iton, pero ngayon pati yung tomboy na yon ay binabagabag ang isipan ko. Ano bang meron sa tomboy na yun at nagkakaganito ko?

Nabalik ako sa katiuan ng marinig ko ang isang malakas na busina sa likod ko.

“hoy ano ba magpapakamay ka ba? Wag ditto pwede!” galit na sigaw ng driver sakin, hindi ko na siya sinagot pa at nagsimula nalang akong maglakad.

Takte muntik pa kong mamatay sa kaiisip sa tomboy na yun. Bigo akong umuwi sa mansion ng mga Pucker, sobrang bigat ng pakiramdam ko dahil hindi ko man lang nasilayan ang mataray na si May sa mall na iyon. Bukas, andon kaya siya?

Ganto nalang ba ko? Magbabakasakali na makikita ko siya sa mall na iyon? Bakit kaya hindi ko gamitin ang utak ko at itanong sakanya ang numero niya o kaya ang address niya ng hindi ako nahihirapan ng ganto hindi ba?

Pucker Series #2: My TWIN and I -FIN- (EDITED)Where stories live. Discover now