Chapter 10 (edited)

2.8K 29 4
                                    

Chapter 10

Tom’s POV 

 Kahit na wala kong napala kahapon sa pagpunta sa mall na ‘to, kahit na hindi ko alam kung makikita ko nga si May sa mall na to. Eto ko parang tangang naglalakad mag-isa sa mall na to at nagbabaka sakali na ngayon ay makita ko na ulit si May.

Pero kagaya kahapon, napagod at nagutom nalang ako’t lahat di ko parin siya nakikita. Kung kailan tanggap ko na sa sarili ko na kikilalanin ko si May ng lubos ay siyang namang paglalaro sakin ng tadhana. Siguro hindi kagaya ng kakambal kong si Tim, hindi pa to ang panahon para makalimutan ko ang tungkol sa pagmamahal k okay Princess. Siguro hindi kagaya ng kakambal kong si Tim, hindi pa ito ang panahon para makilala ko ang babaeng tinadhan sakin.

Dahil sa gutom at pagod, kahit na hindi na ko umaasang makikita ko si May ay pumasok ako sa fast food chain kung saan madalas siyang kumakaen. Sa paghahanap ko ng mauupuan ay nakita ko ang babaeng hinahanap ko. Si May, pero parang may kakaiba sakanya, ang way ng pananamit niya, ang mataray na awra niya ay napalitan ng kalmadong awra at punong puno ng positibong awra ang nakikita ko sakanya. Isang napaka gandang ngiti ang binigay niya sakin pagkakita niya sakin. Isang ngiting hindi minsan naibigay sakin ng May na kilala, isang ngiting mas nagpabilis ng tibok ng puso ko.

“namiss kita” bungad niya sakin pagkalapit ko sakanya na kinagulat ko talaga

“ha?” imbis na sagutin niya ang tanong ko ay hinatak niya na ko paupo sa tapat niya

“may sakit ka ba?” tanging nasabi ko nalang, akala ko tatarayan niya ko at maaalis na ang matatamis na ngiti sakanyang labi

“grabe ka naman, wala akong sakit nu” nakangiting sabi niya, kahit na naguguluhan ako sa inaasal niya ay isang ngiti ang rumhistro sa mga labi ko

Kakaiba ang ikinikilos niya, pero kahit an ganun ay nagugustuhan ko ang ipinapakita niya saking kabaitan, lalong lalo na ang pagngiti niya sakin.

Sa sobrang saya ko sa nangyayari ay nagprisinta na akong umorder para samin, alam kong tatanggi siya at tatarayan ko pero laking pasasalamat ko ng nakangiting tumango siya sakin ng sabihin kong ako ang oorder.

Kakaibang kakaiba ang May na kasama ko ngayon, hindi lang awra niya ang kakaiba, pati na rin ang pananamit niya. Si May na kilala ko ay kikay na mataray at hindi ang soft spoken na May na nasa harap ko ngayon na nakasuot n isang simpleng Sunday dress.

Hanggang pagbalik ko sa kinauupuan naming ay nakangiti ako, hidni mawala ang ngiti sa mga labi ko ng dahil sa inaasal ni May. Alam kong may kakaiba sakanya, pero ieenjoy ko nalang kung ano mang nangyayari ngayon.

“bakit pala hindi ka pumunta ditto sa mall kahapon?” tanong ko sakanya ng makaupo na ko sa tapat niya, nakita ko naman ang naguguluhang itsura niya ng dahil sa tanong ko. Pero imbes na magtaray ay nakangiti siyang sumagot sakin.

“ikaw naman isang araw lang tayong hindi nagkita namiss mo na ko kagad” hindi na ko nakapagsalita pang ulit dahil dumating na yung order namin at nagsimula na kaming kumain.

Pucker Series #2: My TWIN and I -FIN- (EDITED)Where stories live. Discover now