Chapter 12 (edited)

2.5K 30 4
                                    

Chapter 12

Tom’s POV

Papasok ako ng mall ng makita ko na naman ang tomboy na nakita ko nung nakaraang araw. May bitbit siyang malaking bag at papalabas siya ngayon ng mall, hindi ko alam pero naiintriga ko sa tomboy nay un. Gusto ko siyang sundan, hindi ako mapakali sat wing nakikita ko siya, yung presence niya sa paligid ay kakaiba, parang may pinahihiwatig ang existence niya na hindi ko maintindihan.

Mabilis ang pintig ng puso ko habang pinagmamasdan ko ang bawat paghakbang niya, lalo pang bumilos ang tibok ng puso ko ng humarap siya at mukha ng babaeng gusto ko ang nakita ko.

“May?” imposible, hindi ganun manamit si May, imposible din namang siya si Maylene dahil malayo sa kilos ng kambal na May at Maylene ang kilos at pananamit niya. Imposibleng isa siya sa kambal na May at Maylene, kung ganun sino ang tomboy na ito na kamukhang kamukha ng kambal na May at Maylene?

Lalapit n asana ako ng matanaw ko ang kakambal ko na palabas ng mall na para bang may hinahanap siya. Andito si Tim, nakita niya kaya ang tomboy na kamukha ng kambal na May at Maylene? Siya kaya ang hinahanap ng kakambal ko? May alam ba siyang hindi ko alam?

Naguguluhan akong lumapit sa kakambal ko

“pre” gulat na gulat naman tong humarap sakin

“Tom?” bakit parang balisang balisa ang isang to?

“anong nangyari pre?”

“nakita mo ba si Maylene?” si Maylene? E yung tomboy lang na yun ang nakita ko, hindi kaya yung tomboy na yun ay si Maylene?

“hindi”

“shit pre, nakakagago, may nakita kong tomboy na kamukhang kamukha nila” nakita niya na din ang tomboy na yun, at ano ang sabi niya? Hindi yun si Maylene, kung ganun sino yun? Triplets? Possible kayang triplets sila?

“teka nga, ano namang connect ng tomboy na yun sa paghahanap mo kay Maylene?” nalilito ko sa inaasal ng isang to, ano bang nangyari?

“nung umalis si Maylene, sakto nakita ko siya, yung bag nila parehas na parehas. Pre hindi ko alam kung napapraning ako o ano, pero iba yung pakiramdam ko pre e. kailangan nating makausap si Maylene o si May o yung tomboy na yun. Triplets? Pwede bang triplets sila?” tama si Tim, kailangan naming makausap ang isa sakanilang tatlo, kailangan naming malaman ang totoo sa likod ng katauhan ng tatlong babaeng may iisang mukha.

“anong plano mo?”

“dala mo kotse mo? tara sundan natin”

Agad agad kaming nagtungo sa parking lot para sa sasakyan ko, hindi ko alam kung maabutan pa naming yung tomboy nay un. Pero malakas ata talaga kami manalangin dahil sa hindi kalayuang gasoline station ay natanaw naming si May na sumakay sa kotseng sinakyan ng tomboy kanina. At lalong dumagdag ang katanungan sa utak namin ng kakambal ko ng makita namin ang bitbit nitong malaking bag na kanina ay bitbit ng tomboy na yun.

“tangna pre, wag mong sabihing pare parehas sila ng bag” kahit kambal kami ni Tim, ayaw naming na magkapareho ang gamit naming. Tama ng magkamukha kami, tama na yun, hindi na dapat umabot pa na pati gamit namin ay pareho.

Sinundan namin ang sasakyang sinakyan ni May at nung tomboy kanina. May kakaiba talaga sa nangyayaring ito ngayon. Ang malaking bag, ang tatlong tao na may iisang mukha, ang kuya nila, at ang pagkakataong hindi sila magkakasama sa iisang lugar sa iisang oras. May, Maylene at tomboy, anong meron sa inyong tatlo bukod sa iisang mukha?

Maya-maya pa ay nasa tapat na kami ng Pucker Ville, isang subdivision na pag mamay-ari ng pamilyang Pucker. Nakita naming pumasok doon ang sasakyang sinasakyan ni May at nung tomboy, dahil Pucker kami ay nakapasok kami sa loob ng private subdivision na iyon matapos naminipakita ang mga ID namin sa guard.

Nakita naming tumigil sa isang malaking bahay ang sasakyan at mula doon ay lumaba ssi May at ang kuya niya. Hinintay naming bumaba ang tomboy, pero walang tomboy na bumaba doon, ang nakakagago pa ay isang bag na malaki lang nakita naming bitbit ni May pagkababa.

“fuck” sabay na saad namin ni Tim, anong kagaguhan naman to? Ginagago ba kami ni May? Siya ba si Maylene at yung tomboy na yun? Iisang tao lang ba talaga silang tatlo? Wala ba talagang kakambal si May?

“tara pre, wala tayong mapapala kung ditto lang tayo sa kotse” naunang lumabas ng kotse ko si Tim at sumundo naman ako sakanya. Dali-dali siyang nagdoorbell at maya-maya lang din ay isang katulong ang nagbukas samin, konting pakilala lang ay pinapasok na kami ng katulong. Buti nalang Pucker kami, marame din talagang advantage ang apilyidong to ng tatay namin.

Kabadong kabado ko habang papasok sa loob ng bahay, ayokong isipin  na pinaglalaruan lang kami ni May, ayokong isipin na iisa lang ababaeng muling nagpatibok sa puso namin ng kakambal ko.

Pucker Series #2: My TWIN and I -FIN- (EDITED)Where stories live. Discover now