Chapter 16 (edited)

2.1K 25 2
                                    

Chapter 16

Tom’s POV

Aaminin ko, oo nainis ako, naiinis ako dahil umasa ko na si May ang makikita ko at hindi si Maylene. Pero sa kabila nun ay nagpapasalamat ako, dahil si Maylene ang nagpakita, paano kung si May ang lumabas? Paano namin siya haharapin ni Tim? Nakakatakot pa man din yung si May

Pero nakakatawa lang isipin, na iisang babae ang ngayo’y kaunaunahang pinopormahan namin ni kambal. Ang weird sobra, bukod sa fact na iisang babae ang nililigawan namin, weird dahil magkaibang babae naman ang hinaharap at hinahanap namin.

Hindi kami nakakasigurado kung sino ang matitira, si May ba o si Maylene kung sakaling magpagamot siya. pero may isa pa kong kinatatakot, pwedeng wala sa isa ang manatili. Pwedeng yung totoong Maylene na yung maiwan, yung kung sino talaga siya bago yung aksidenteng naging dahilan ng sakit niya.

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko mapagdesisyunang maggala nalang muna.

Nagpunta ko sa mall para mmili, pero wala sa pamimili ang aatensyon ko, binalak ko din manood ng sine. Kaso sa gwapo kong to manonood ako mag-isa ng pelikula? Tsk! Lakad lang ako ng lakad sa loob ng mall, nag-iisip ako ng gagawin ko, pumunta na din ako sa isang arcade, nag basketball shooting na din ako. Magaling ako magshoot pero ngayon ewan ko ba kung bakit sablay lahat ng tira ko.

Naglaro na din ang ko ng baril barilan at doon binuhos ang frustration ko kaso wala paring talab. Mga bata na nga lang yung nakinabang sa mga tickets na napapanalunan ko e. Nang maubos ko na yung token ko pumunta ko sa isang fastfood at kumain, hindi kagay dati na nakakadalawang meal ako, ngayon yung isang meal parang ang dame para sakin.Sa huli di ko naubos yung inorder ko.

Bumalik na ko sa kotse ko at nagsimula ng magmaneho. Drive lang ako ng drive hanggang sa makarating aako sa isang park kung saan tanaw ko ang kakambal kong masayang nakikipagtawanan kay Maylene. May hawak na ice cream si Tim, samantalang mais naman ang kay Maylene. Masya silang naglalakad habang magkahawak ang kanilang mga kamay.

Hindi ko alam sakin kung bakit pinanonood ko pa sila sa date nila, at hindi ko din alam kung anong pumasok sa kokote ko’t bumaba ako ng sasakyan upang sundan sila.

Naupo silang dalawa sa ilalim ng isang malaking puno, magkahawak parin yung kamay nila. Ako tong si tanga sinundan ko sila, pumwesto sa isang malapit na bench. pinagmasdan ko sila, binaling ni Maylene ang ulo niya sa balikat ni Tim at ipinikat ang kanyang mga mata.

Patayo na ko ng marinig kong sampalin niya ng malakas si Tim

Pucker Series #2: My TWIN and I -FIN- (EDITED)Where stories live. Discover now