Chapter 9 (edited)

3.3K 44 3
                                    

Chapter 9

Tim’s POV

Nakangiti akong pumasok sa loob ng Stop Mart kung saan araw-araw kaming nagkikita ni Maylene, wala akong pake kung cheap ang lugar kung saan kami ngakikita na dalawa, wala akong pake kung sabihin man ng tao na nakakasawa dahil sa iisang lugar lang kami nagkikita. Ano naman ngayon kung dito kami paulit ulit na nagkikita ni Maylene? Hindi naman kasi sa lugar yan e, nasa taong kasama mo yan, nasa sa inyo yan kung paano niyo gagawing memorable ang pagkikita niyo, wala yan sa lugar.

Pagkapasok ko ay napansin ko ang babaeng naka-upo sa pwestong madalas naming pwestuhan ni Maylene, babaeng sing katawan niya, babaeng kagaya niya ay kulot at kulay brown ang buhok. Ang pinagkaiba lang nila ng babaeng ito ay ang pananamit, isang babaeng kikay ang nakikita ko sa pwestong iyon, hindi kagaya ni Maylene na sweet kung manumit. Iba ang bilis ng tibok ng puso ko habang papalapit ako sa babaeng nasa pwestong yun. Hindi ko alam pero feeling ko may kakaibang mangyayari ngayon sa oras na lumapit ako sa babaeng yun.

Habang papalapit ako ay humarap siya sa dereksyon ko, si Maylene. Pero bakit ganun? Bakit iba ang dating niya? Ang pananamit niya? At kailan pa siya natutong gumamit ng make-up?

“Maylene” mahinang banggit ko sa pangalan niya ng makarating na ko sa tapat niya, tinaasan niya ko ng kilay at umirap.

“hanggang dito ba naman sinusundan mo ko?” mataray na sabi niya sakin dahilan para lalo akong magulat sa pangyayari.

Hindi lang sa itsura niya siya nagbago, pati ang pananalita niya at pang-asal niya. Hindi siya ang sweet at masiyahing Maylene na kilala ko. Hindi siya si Maylene. 

“ha?” tanging nasambit ko nalang dahil hindi ko talaga alam kung anong nangyayari. Sino ba tong babaeng nasa harap ko? Hindi ba talaga siya si Maylene?

“are you my stalker?” inis na sabi niya sakin at talagang literal na napanganga ko sa inaasal niya, ganto ba talaga siya? Ganto ba talaga ang Maylene na kinikita ko gabi-gabi sa convenient store na to? Eto ba yung ugali niyang hindi ko pa nakikita? Eto bay un?

“nakadrugs ka ba?” yan nalang ang nasabi ko, at tumawa siya ng malakas, tawang nang-iinsulto

“hahahahaha!!! Ako nakadrugs baka ikaw? Sino bang matino ang susunod sakin mula sa mall hanggang dito sa convenient store na to? Ikaw lang yun” walang salitang lumalabas sa bibig ko, hindi ako makapaniwala sa inaasal niya, parang kahapon lang okay kami, sabi pa niya “she likes me” tas ngayon ganyan ang inaasal niya?

“got to go” at umalis na siya ng walang pasabi sabi, ako eto naiwang nakatanga parin, at pilit iniisip ang nangyari. Kahapon okay kami, kahapon hinalikan niya pa ko e, kahapon umamin na ko sakanya, ngayon back to square one na naman ba?

Ilang minute pa kong nakatanga don ng marealize kong may mali at agad ko siyang sinundan. Oo mali itong nangyayari, hindi siya si Maylene.

“Maylene!!!” hinabol ko siya ngunit hindi siya humarap sakin kaya binilasan ko pa hanggang sa maabutan ko siya

“Maylene kausapin mo ko, may nagawa ba kong mali sayo?” kahit na anong isip ko at kahit anong sagot na ang nasa utak ko ay ayaw kong isipin na tama ako. Pilit kong pinaniniwala ang sarili kong siya si Maylene at hindi ang iniisip ko.

Humarap siya sakin bago magsalita, “it’s May” matigas na sabi niya at umalis na sa harap ko

May? So totoo nga ang naiisip ko?

Pota!! Wag mong sabihing may kambal din si Maylene? Ano to gaguhan?

Saka anong pangalan niya? May? Teka diba May din yung pangalan nung babae ni kakambal? Teka ha teka lang talaga, May at Maylene magkatunong ang pangalan nila at ayun din sa kwento ni kakambal mataray at masungit si May. Tapos yung sa mall, yung akala niya sinusundan ko siya hanggang dito.

Tangna kambal nga sila, nalala ko ang sinabi niyang sinundan ko siya mula sa mall. Tama lang na tarayan niya ko ng ganun dahil akala niya ako si Tom at akala ko ay siya si Maylene. Nakakagagong tadhana, sino bang makakapag-isip ng ganto? Kambal in love sa kambal.

Pucker Series #2: My TWIN and I -FIN- (EDITED)Where stories live. Discover now