Chapter 18 (additional chapter)

1.2K 17 1
                                    

Chapter 18

Tom’s POV

Sinundan ko lang si May nung nag walk out siya, huminto siya sa tapat ng kotse ko

“you slowpoke, open the car” iritang sabi niya sakin, syempre sinunod ko naman siya

“where do you want to go?” tanong ko ng makaayos na kami ng upo sa loob

“mall, I want to change, this stupid Sunday dress, geez!!!” inis na inis na sabi niya

“okay” nakangiting sabi ko at nagsimula ng magmaneho, habang nasa byahe ay nakikipagkwentuhan ako sakanya, ayaw kong makatulog siya. baka mamaya pagka nakatulog siya maging siya si Maylene, baka mag freek out siya kagaya ng nangyari kanina ng magising siya as May

Wala pang 30 minutes ay nakarating kami sa isang mall, pumasok kagad siya sa pinaka malapit na boutique at bumili ng short shorts at isang loose shirt, then nagpunta kami sa grocery at bumili siya doon ng chocolates. Nagulat nga ko kasi sabi niya hindi siya kumakain ng chocolates.

“I thought you hate chocolates?”

“duh!!!! I love chocolates” sabi niya sabay kain nung chocolate na binili niya

Teka nga, ganun ba talaga kapag may DID? Pati yung favourites affected?

“what flowers do you like then?” tanong ko sakanya, tumingin naman siya sakin ng nakataas ang kilay

“like duh!! Flowers? I hate flowers okay” lalong sumakit ang ulo ko sa babaeng to e. Gusto ni Maylene ng flowers siya naman ayaw niya, gusto niya ng chocolates si Maylene naman ayaw. Pati sa fashion magkaiba sila ng trip. Si Maylene madalas naka Sunday dress yun, etong si May naman kikay na fierce.

Saka isa pang pala isipan sakin yung pagpunta punta niya sa mall while si Maylene naman ay sa convenient store where she meet Tim. 

Tama nga ang kuya niya, kailangan namin siyang intindihin kung mahal talaga namin siya. Ako handa akong tanggapin kung ano siya, kahit siya pa si May o siya si Maylene. Ang mahalaga mahal ko siya.

As usual na nangyayari kapag nagkikita kami ni May sa mall, ganun lang rin ang ginawa namin. Shopping ditto shopping doon siya habang pinapahawakan sakin lahat ng pinamili niya. Pero kahit gantong inaalila niya ko hindi ko mapigilan makaramdam ng saya. Masaya ko dahil kasama ko siya, masaya ko dahil masaya siya

Matapos niyang mamili ay pumunta kami sa paborito niyang kainan

“May” napatingin naman siya sakin ng nakataas ang isang kilay, tinignan ko siya ng maigi sa mga mata niya, wala ng urungan to

“I wanted to court you, I’m not asking for permission but I’ll court you May. I like you, no scratch that. I love you May” nagulat ako ng biglang siyang nawalan ng malay.

Buti nalang at nasambot ko siya bago siya tumumba, inalalayan ko siya para maka-upo siya ng maayos

“May okay ka lang?” tanong ko sakanya

“sino ka?” tanong niya pagkaharap niya sakin

“ako to si Tom”

“sorry hindi kita kilala, I need to go” akmang tatayo na siya ng hinawakan ko siya sa kamay niya

“May wag ka namang ganto o” badtrip naman, ayun na e, magtatapat na ko tapos magbabalik siya sa pagiging Maylene niya? Pero teka, kung siya si Maylene, bakit di niya ko kilala?

“sorry pero wala kong kilalang Tom, and I’m not May I think napagkamalan mo lang ako. I’m Ailene by the way” at umalis na siya sa harap ko.

Ailene? Diba siya yung original na personality niya? Bakit siya lumitaw bigla? Ano bang nangyayari? Bakit ganun? Okay naman kanina a.

Pucker Series #2: My TWIN and I -FIN- (EDITED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora