Chapter 7 (edited)

4.4K 38 9
                                    

Chapter 7

Tim’s POV

One whole month, isang buong buwan na kaming nagkikitab ni Maylene sa Stop Mart. Sa totoo lang, sa loob ng isang buwan na nagkikita kami ay di ko maiwasang mahulog sakanya, ayokong kinukumpara ko sa kakambal ko kaya ayaw kong ikumpara siya kay Princess. Pero hindi pala talaga maiiwasan yun, maikukumpara at maikukupara mo ang isang tao sa isa. Pero ayaw ko ng isipin yun sa ngayon, iba si Maylene at iba si Princess, maaaring may pagkakahawig ang pag-uusali at ibang kilos nila ay ayaw kong ma inlove lang ako kay Maylene dahil nakikita ko si Princess sakanya.

Napabuntong hininga nalang ako at tinignan ang relos ko, ang tagal ni Maylene, alas otso na pero wala parin siya. Sa isang buong buwan na nagkikita kami ni Maylene ditto ngayon lang ako nagdala ng flowers at bear. Sabi kasi ng best friend ng bayan, dapat kapag nanliligaw may flowers, chocolate at teddy bear, kaya naman ito ko may dalang isang bouquet ng red roses at isang maliit na bear na nasa loob ng lata.

Tatayo na sana ko para umalis ng dumating si Maylene, hindi kagaya ng mga nakaraang araw na naka Sunday dress siya, ngayon ay naka blue sleeve less siya at short short.

“sorry I’m late” nakangiting sabi niya, ngumiti nalang din ako sabay abot ng flowers at bear sakanya

“wow ang cute naman nito Tim, salamat ha” tuwang tuwang sabi niya sabay halik niya sa pisngi ko,sa sobrang gulat ko ay di ko na nagawang magsalita pa

“hahahaha grabe ka Tim ang cute mo magblush” biro niya sakin dahilan para mapabalik ako sa ulirat, ang cute niya talaga kapag tumatawa siya. Napnsin ko naman na hindi parin gumagaling ang boses niya, paso parin siya. Ang hilig kasi sa ice cream, yan tuloy namaos.

“ikaw ha pinagtitripan mo ko” sabi ko nalang at umiwas ako ng tingin sakanya, medyo nahihiya pa kasi ko sakanya 

“ang cute mo kasi, hehe” tas nilaro laro niya yung bear na bigay ko sakanya, tuwang tuwa siya habang nilalaro niya iyon 

“Maylene, I like you”nakatingin ako sa mga mata niya ng sabihin iyon, seryoso ko, I like her. Hindi naman porket in like na ko sakanya ay yun na yun. Like palang, pero alam ko darating din sa love tong like na to. At pagdumating yun, totally moved on na ko kay Princess. 

“I like you too Tim” mabilis pa sa kidlat nilapat niya ang labi niya sa labi ko

“ang cute cute mo talaga” sabi niya at pinisil ang pisngi ko 

Napangiti nalang ako sa inaasal niya, Maylene gusto ko ng ma in love sayo, gustong gusto ko na. 

Kagay ng nakagawian namin ay nagkwentuhan kami hanggang ten tas hinatid ko na siya sa sakayan, bago siya umalis ay humalik siyang muli sa labi ko

Tong babaeng to nahumaling na masyado sa lips ko, napangiti nalang ako habang naglalakd patungo sa kotse ko

Alam kong masyadong mabilis, pero ganun nnaman talaga diba? Kapag ang babae down, yung unang lalaking magcocomfort sakanila don sila ma iinlove. Hidni ako nag-aassume at ayoko, pero alam ko sa sarili ko na don din kami pupunta ni Maylene, alam ko na etong like na to ay mapupunta din to sa love. And I’m hoping na mangyari na yun, para makalimutan na naming ang mga past love namin.

Naabutan ko si Tom na nag-iinom sa bar counter kaya naman bilang kakambal ay nilapitan ko siya at sinaluhan.

“I think I’m in love” sabay na sabi naming dalawa

“tangna kambal talaga tayo hindi maikakaila” sabay kaming natawa sa ideyang iyon. Parang nung nakaraan lang parehas kaming broken hearted kay Princess tapos sabay kaming nakakilala ng babae, ngayon naman eto we’re in love.

“congrats bro” sabay muling sabi namin, nagtoast muna kami bago bumalik sa pag-inom. Kagaya noon ay nagkwentuhan kaming dalawa tungkol sa mga babaeng kinahuhumalingan namin ngayon.

Ngayon ko nalamn na yung inis at galit niya noon kay May dahil sa ginawa nito sakanya ay dahil sa gusto niya na ito. I really wan to know kung sino ba tong May na ito at ang lakas ng loob na sungitan ang isang Pucker na kagaya ng kakambal ko.

“so how’s this Maylene? Kayo na ba?” tanong niya sakin saboy lagok ng beer, umiling ako bilang sagot sakanya

“hindi ko alam, pero ang lambot ng lips niya” naalala ko na naman ang napaka among mukha ni Maylene ng halikan niya ko ng makailang ulit kanina

“naghalikan na kayo pero hindi pa kayo?” alam kong hindi maniniwala ang isang to, pero totoo naman kasing hindi pa kami ni Maylene

“we’re having s*x to different girls before bro, pero hindi naman natin sila girlfriend” totoo naman yun, dati bago kami ma in love kay Princess ay adik kami sa s*x at minsan pa hati kami, hanggang sa na inlove kami kay Princess, tumigil kami bumalik nalang kami nung na heart broken kami. Pero ng makilala naming tong mga babaeng to ngayon, nagbagong buhay na kami.

“e kayo ni May?” baling ko sakanya

“anong kami? E ngayon nalang kami nagkita nun, at ngayon niya lang ako hindi tinarayan” hindi ko alam, pero natatawa ko sa ideya na tinatarayan siya ng babaeng gusto niya. Nacucurious tuloy lalo ko sa May na to.

“ngayon nalang ulit, so kung hindi ano? Kasal naba agad?” biro ko sakanya, nakatanggap naman ako ng mahinang suntok mula sakanya

“gago, syempre hindi nu, ibang usapan ang kasal Tim” seryosong saad niya, tama siya ibang usapan pagka kasal na.

“pero Tom sa tingin ko eto na talaga e”

“bro bata ka pa, wag ka munang magsettle sakanya, malay mo dumating lang siya sa buhay mo para maghilom yang sugat sa puso mo, malay mo hindi pa pala siya” seryosong sabi niya

“malay lang naman yan diba? Malay din naman natin kung magkatotoo yan o hindi” sagot ko naman sakanya

“basta goodluck sa panliligaw mo”

“goodluck naman sa inyo ng May mo” ngumisi lang siya sakin bilang sagot at pinagpatuloy na ulit naman ang pag-inom

Mabilis, masyadong mabilis, like to love to settle down. Ganun na ba talaga ang tamang nararamdaman ko kay Maylene? Siya na nga kaya talaga? O tama si Tom na isa lang siyang instrument para maghilom tong sawing puso ko?

Pucker Series #2: My TWIN and I -FIN- (EDITED)Where stories live. Discover now