Chapter 2 (edited)

9.6K 58 2
                                    

Chapter 2

 

Tom’s POV

Nagising ako sa sakit ng ulo ko, napasobra ata ang inom ko kagabi. Umupo ako sa kama at sinandal ang likod ko sa head rest ng kama, habang minamasahe ang sintido ko. Eto ang ayaw ko matapos uminom, hang over.

“hot choco for my handsome brother-in-law” napatingin ako kay Princess na may dalang hot choco

“kasi naman iinom inom di naman kaya” hindi ko alam kung pano ko siya kakalimutan kung gayong nasa iisang bahay lang kaming apat. Ako, siya, si kuya na asawa niya at ang kakambal kong isa pang mahal siya.

Hindi ko siya sinagot imbes ay kinuha ko ang hot choco at ininom iyon. Napatigil ako sa pag-inom ng mapagtanto ko ang isang bagay. Kasal nila kahapon, bakit anditong si Princess?

“hindi ba masarap? Tanong niya sakin ng mapansin ang pagtigil ko sa pag-inom

“masarap naman, teka nga, hindi ba kayo mag hahoney moon ni kuya? Bakuit andito ka?”

“a yun ba? Kasi napost pone, mamayang gabi nalang kami aalis, may emergency meeting kasi ang kuya mo, alam mo naman business” bakas ang lungkot sa pagsasalita niya. Yeah business, buti nalang at hindi ako ang panganay, hindi ko kailngan problemahin ang mga business ng mga Pucker. Though alam ko na one of this days, mamomroblema na din ako doon.

“labas na ko, ubusin mo nay an, maligo ka na at nang mawala yang hang over mo” paano kita kakalimutan Princess kung ganyang napaka maalaga mo sakin?

Ano bang gamut sa hang over sa pag-ibig? Kagaya ba ng hang over sa alak may gamut ba ditto sa nararamdamng sakit ng puso ko? Bakit ba naman kasi iibig na nga lanag ako sa babaeng hindi pa pwdeng maging akin?

Nag-ayos na ko ng sarili ko at matapos noon ay napagdesisyunan kong magpunta nalang ng mall. Hindi ako yung tipo ng tao na mahilig magpunta ng mall, pero ano naming gagawin ko sa bahay? Makikita ko lang don si Princess ngayon pang hindi natuloy ang honey moon nila, malamang ay buong maghapon lang yun sa bahay habang hinihintay umuwi si kuya. Tapos ano? Kapag umuwi kuya makikita ko lang silang maglampungan? Aba tama naman na yung nasaksihan ko nung kasal, hindi ako naging gwapo para lang Makita ang walang humpay na lambingan nilang dalawa.

Pumasok ako sa isang panglalaking boutique pagdating na pagdating ko ng mall. As always pinagtitinginan ako ng babaeng nakakakita sakin. Habang tumitingin ng maganda design ng damit na pwede kong bilhin ay napansin ko ang isang babaeng kanina pa hindi mapakali sa pagpili ng kung ano ba ang dapat bilhin. Hindi ko ugali ang makelam pero eto ako lumapit sa babae

“need help?” tumingin naman siya sakin at literal na huminto ang paligid ko pagkaharap niya sakin. Ngayon ko lang naramdaman ang ganto, kahit kay Princess na matagal ko ng mahal ay hindi ko naramdaman ang ganito

Humarap siya sakin at inirapan ako sabay derederechong lumabas ng boutique. Natulala ko sandal dahil sa ginawa niyang pagtataray sakin, kundi ko pa narining ang tawanan nung mga sales lady ay hindi pa ko babalik sa katinuan.

Pucker Series #2: My TWIN and I -FIN- (EDITED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant