Chapter 5 (edited)

5.5K 40 8
                                    

Chapter 5

Tim’s POV

Hindi ko alam kung anong topak ng kakambal kong to at nag0aya ng inuman sa gitna ng katirikan ng haring araw. Kanina pa nakabusangot si Tom pagdating ko palang ng Steel Bar ay napansin ko na ang masamang awrang bumabalot sa kakambal kong si Tommy. Ano na naman kayang problema ng isang to? Siguro naman ay sobrang bigat ng pinagdaraanan ng isang to hindi ba? Sino ba naman kasing matinong tao ang mag-iinom sa katanghaliang tapat?

 

“bro” batik o ditto pero hindi man lang ako tinignan at patuloy lang sa paglagok ng alak. Kundi lang samin tong bar na to malamang hindi siya bibigyan ng alak ng mga tao dito. Napa-iling nalang ako at umupo sa tapat niya

“problema mo?”hindi ko na natiis at sumabay na din ako ng ino sakanya

“tsk” sagot niya, sabay lagok na naman ng alak, wala ng pag-asa tong isang to

“busted ako” literal na naibuga ko ang iniinom ko ng margining ko ang sinabi niya, tangna, seryoso? Etong kakambal kong tong si Tommy Pucker busted? Walang halong biro?

“tangna pre, ang baboy mo, manners” sabay punas niya sa mga tumalsik na alak sakanya

“seryoso busted ka?” hindi niya ko sinagot at muling nagbukas ng beer na ikinatawa ko

“HAHAHAHAHAHA!!! Shit seryoso? No joke? Pfft” tawa ko ng tawa hanggang sa narining ko nalang ang pagkabasag ng isang bagay. Putcha may balak pa tong basagin mukha ko, tama bang mambato ng bote ng alak?

“pikon” asar ko sakanya sabay baton g isang pirasong mani

“gago ikaw kaya mapahiya at mabusted nu? Matutuwa ka ba?”

“ano ba kasing ginawa mo?” at ikinwento na nga niya sakin ang masklap na pangayayri saknaya, at talagang hindi ko mapigilan ang hindi matawa sa kwento niya. Putcha ikaw na magsisisigaw sa mall ng ganun  tapos hindi ka pa papansinin ang masklap pa si junjun ay nadali ni ateng masungit na May pala ang pangalan. Buti pa ang Maylene ko mabait, hinding hindi ako sisipain nung sa junjun ko.

Wala akong nagawa kundi ang samahan siya mag-inom kahit na tirik na tirik ang haring araw, tsk! Magkikita pa man din kami mamay ni Maylene don sa convenient store, maamoy ako nun panigurado.

Alas sais ng gabi ng naisipan kong iwan sa bar ang lasing na lasing na si Tom, bahala siya dyan, may date pa ko kaya niya na sarili niya.

Pagkarating ko sa Stop Mart ay nakita ko kagad si Maylene na kumakaen ng siopao sa pwesto lagi naming.

“hi” batik o sakanya, ngumiti naman siya sakin at inubos ang laman ng bibig niya bago magsalita

“ba’t ngayon ka lang?”

“sorry nagka-ayaan kasi kami ng kakambal ko” pagsasabi ko ng totoo sakanya habang nagkakamot sa batok ko

“kaya pala amoy alak ka” may pagtatampong sabi niya

“sorry” napayuko nalang ako dahil nahihiya ako sakanya

“eto naman okay lang nu, saka may kakambal ka pala” tumango naman ako bilang sagot, kagaya ng ginawa naming kagabi ay nagkwentuhan lang kami habang kumakaen ng ice cream. Hindi ko alam hindi ata nagsasawa sa ice cream ang babaeng ito, hindi ko nga alam kung saan niya nilalagay ang lahay ng iyon, siguro sa pisngi niya? Yun lang kasi ang nataba sakanya, ang pisngi niya.

“Maylene” tawag ko sakanya, tinignan niya naman ako at natawa talaga ko sa itsura niya, para siyang bata kung kumaen, ang kalat.

“hmm?” umiling nalang ako at pinunsan ang nagkalat na ice cream sa labi niya, nakita kong namula na naman siya kagaya kagabi

Alam kong mabilis pa para sabihin, pero konti pa Maylene, baka sayo ko na maibaling ang lahat ng pagmamahal ko para kay Princess.

Pucker Series #2: My TWIN and I -FIN- (EDITED)Onde histórias criam vida. Descubra agora