Chapter 1 (edited)

11.6K 73 3
                                    

Chapter 1

 

Tim’s POV

“hi Tim” malanding bati ng isang babae sa kakambal kong si Tom. Napa ngisi nalang ako ng tawagin niya si Tom sa pangalan ko at bumulong sa isipan ko ng “goodluck”.

“the hell, layuan mo nga kong babae ka” sabay tulak ni kambal sa babaeng uupo n asana sa kandungan niya “kung hindi mo kayang kilalanin kung sino ang sino wag mo kong lapitan” napa iyak nalang yung babae at tumakbo sa kahihiyan.

Sa lahat ng ayaw naming dalawa ay ang magpagbaliktad ang isa sa isa. Oo, identical twins kami ng kakambal ko, pero meron at meron naming magka iba saming dalawa. Ayaw naming sa mga taong lumalapit samin na hindi kami kayang kilalanin kung sino ang sino. Siguro ay isa na sa dahilan kung bakit naming nagustuhan si Princess ay dahil kaya niya kaming idistiguish ni kambal kahit anong mangyari. Isa siya sa iilang taong kayang sabihin ng tama ang sino sa sino sa pagitan naming ng kakambal ko.

Binaling ko ang tingin ko sa loob ng bar, maingay, magulo, at nagkakasiyahan ang bawat taong naririto. Buti pa sila walang inindang sakit sa puso, kami ng kakambal ko, eto nagpapakalunod sa alak dahil broken hearted.

Tumayo na ako para lumabas ng bar, nakakasawa din paminsan minsan ang uminom ng alak. Time for something niyo. Palabas na ako ng bar ng may makabunggo akong babae.

“sorry” susuray suray na ito kaya naman agad ko siyang inalalayan

“ayos ka lang miss?” tanong ko dito, tumingin naman siya sakin at laking gulat ko ng halikan niya ko sa labi

“thanks Tom” nakangitin sabi sakin nito, agad ko siyang binitawan dahilan para mapaupo siya sa sahig

“sa susunod kilalanin mong maigi kung sinong kahalikan mo” inis na sabi ko at tuluyan ng lumabas ng bar.

Bakit ba hindi nila kayang idistiguish kung sino ang sino samin ng kakambal ko? Nakakainis na lagi akong napagkakamalng siya, hindi naman sa ayaw ko. Syempre magkamukha kami, gwapo kami pareho pero nakakairita lang dahil hindi nila kayang sabihin kung sino ang sino ng hindi nagkakamali.

Naglakad ako papunta sa pinaka malapit na convenient store, ang “Stop Mart”. Habang papasok ako sa loob ng convenient store ay may nakita akong babaeng umiiyak sa isang sulok ng convenient store. Hindi ko alam pero naawa ako sa babae, ayaw kong nakaakkita ng babaeng umiiyak, nakikita ko sakanila si Princess. At dahil ayaw na ayaw ko sa babaeng umiiyak ay nilapitan ko siya matapos kong bumili ng ice cream.

Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap niya, rining ko ang hagulgul niya, kitang kita ko kung paano umangat baba ang balikat niya ng dahil sa kaiiyak. Hindi ko na napigilan pa at inabutan ko siya ng panyo, agad niya naman tong tinanggap at ipinunas sa mata niya at siningahan pa.

“salamat” abot niya sakin sa panyo kong siningahan niya

“keep it” nakangiting sabi ko, alangan naming sabihin ko yung totoo sakanya na ayaw ko na nung panyo ko dahil siningahan niya

Isang mahabang katahimikan ang bumalot samin bago siya magsalita “death anniversary ng EX ko ngayon”, ayokong maoffend siya kaya naman hinayaan ko nalang siya na magkwento. “may binigay siyang anklet, kaso habang papunta ko ditto nalaglag ko ata” at nagsimula na naming bumuhos ang kanyang mga luha. Bakit ba ang babaw ng luha ng mga babae?

“ice cream” hindi ko alam kung paano siya patatahanin kaya naman inabot ko nalang sakanya yung ice cream na binili ko “sabi nila ang matatamis daw na pagkain ang sulusyon sa mga ganyang bagay”

“for girls I think, pero sa inyong mga lalaki ay alak” napatingin ako sakanya na parang batang nilantakan ang ice cream na inabot ko sakanya. Medyo walang manners din tong babaeng to ano? Hindi ba siya nahihiya sa asal niya?

Napaisp ako sa sinabi niya, para lang ba sa babae ang kasabihang iyon yungkol sa matatamis na pagkaen?

“a miss, una na ko” ayokong maging bastos at iwan nalang siya don, kaso naalala kong iniwan ko nga pala si Tom sa bar, baka mamaya mapa-away na naman yun don mahirap na

“sige, salamat” nakangiting sabi niya

Agad kong tinahak ang daan pabalik sa bar, at habang naglalakad ako ay may nasipa akong malamig na bagay agad ko naming pinulot iyon. “Maylene” nakaukit sa bracelet na napulot ko. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit masyado naman atang maluwag yung bracelet. Mataba kaya ang may ari nun?

Inilagay ko nalang yung napulot ko sa bulsa ng pantaloon ko at nagsimula na ulit maglakad pabalik sa bar. Sakto naming pagdatin ko ay nakasalubong ko si Tom at mukhang malakas na ang tama.

“let’s go” inalalayan ko siya palabas hanggang pagpasok ng sasakyan

Hindi ko alam kung hanggang kalian kami magiging ganto ng kakambal ko, simula kasi nung malaman naming ikakasal na si Princess at kuya ay naging tambayan na naming ang bar at naging gawain na naming ang magpakalunod sa alak.

Ang hirap maging gwapo, pero mas mahirap ang masaktan ng dahil sa pag-ibig. Hindi mo alam kung kailan ba maghihilom ang sugat na dulot nito sayo.higit sa lahat, hindi mo alam kung kailan ka totally makaka move on.

Hindi naman natin masasabi na totally move on na tayo kung may mahanap na tayong kapalit. Dahil nga gwapo kami ng kakambal ko marame kaming babae, pero hindi nun maalis ang sakit na dulot ng pag-iibigan ng kuya ko at ni Princess.

Pagkarating sa bahay ay agad kong dinala sa kwarto niya si Tom at ako naman ay pumunta muna sa balcony. Tinignan ko ang alahas na napulot ko kanina “Matlene”, nakakatawang isipin, halosnkaparehas pa ng pangalan ni Princess ang may ari ng bracelet na ito.

Pucker Series #2: My TWIN and I -FIN- (EDITED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum