Chapter 11 (edited)

2.8K 31 3
                                    

Chapter 11

Tim’s POV

Napa ngiti nalang ako ng dahil sa mga nangyayari. Sino ba naman ang nag-akala na kambal ang babaeng gusto naming ng kakambal ko? Ang galing talagang umikot ng tadhana, noong nakaraan lang sabay kaming nabroken hearted ng dahil sa iisang babae, ngayon eto kambal ang babaeng gusto namin.

Hindi na ko umasa na makikita ko si Maylene ngayon dahil sobrang gabi na din naman kaya naman napagdesisyunan ko ng umuwi sa mansion ng mga Pucker, naabutan ko namang nag-iinom ang kakambal kong si Tom na para bang hinihintay niya talaga ko.

“yow” bati ko ng maka-upo sa tabi niya

“I’ve met Maylene” napatingin ako sakanya sa sinabi niya, lumagok muna ko ng beer bago sumagot

“nice, saan? Ako din nakita ko si May”

“seryoso? Ano tinarayan ka ba?”

“oo akala niya ako ikaw”

“nice, ako din akala ni Maylene ako ikaw” natahimik kami sandaling dalawa, at maya-maya lang ay tumawa na parang mga baliw

“kambal nga tayo” hindi na naming kailangan pang magsalita, kambal kami, kahit hindi na kami mag-usap may mga bagay na kuha na namin sa pamamagitan lang ng mga kilos namin.

Konting kwentuhan lang tungkol sa nangyari sa maghapon naming habang nag-iinuman ng mapagdesisyunan naming magsipunta na kanya-kanyang kwarto namin.

Hanggang sa paghiga ay di parin mawala sa isip ko ang mga nangyari ngayong araw na to. nakilala ko ang kakambal ni Maylene na si May na nagkataong siya pala ang babaeng ikinikwento ng kakambal ko. Tapos nakilala din ni Tom ang babaeng gusto ko na si Maylene na kakambal ng babaeng gusto niya.

Minsan talaga ay matatawa ka nalang sa nangyayari sa paligid mo, matatawa ka nalang dahil ang ikot ng tadhana ay hindi lagging ayon sa naiisip mo. Hindi to ang inaasahan kong paraan ng pagkikita at pagkakakilala ko sa May na iyon, pero wala dahil nakatadhana na talaga ata na magkakilala kami ng babaeng gusto ng kakambal ko sa nakakalokong pagkakataon.

Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko hanggang sa pagtulog ko. Tomorrow is another day, at umaasa ako na makikita kong muli si Maylene.

Umaga kinabukasan ng mapagpasyahan kong pumunta ng mall para bumili ng regalo para kay Maylene, desidido ko sa panliligaw sakanya, eto ang unang pagkakataon na manliligaw ako ng babae kaya sisiguraduhin kong mapapasagot ko siya sa lahat ng paraang alam ko.

Habang naglalakad ako sa loob ng mall ay napadaan ako sa toy store, I do collect action figures nung college days, kaso nakaligtaan ko na to simula nung makilala ko si Princess. Ngayon ko lang narealize na buong atensyon kop ala noon ay nasakanya, pati ang hobby ko nakalimutan ko na ng dahil sa pagkahumaling sakanya. Siguro panahon na para magsimula ulit ako, sinimulan ko sa panliligaw kay Maylene, itutuloy tuloy ko na to.

Habang namimili ako ng action figure na bibilhin ko ay napansin ko ang isang tomboy na kahawig na kahawig ni Maylene. Yung katawan niya, kagayang kagaya ng katawan ni Maylene, yung kulot niyang buhok na kagaya ng kay Maylene ay brown din. Ang pinagkaiba nila ay ang pananamit, ni minsan ay hindi ko nakitang magsuot ng malaking shirt si Maylene, ball cup, pants at rubber shoes, lagging naka Sunday dress si Maylene. Imposible din namang si May ito dahil kikay si May, napaka imposibleng magsuot siya ng ganung klase ng damit.

Hindi ko nakita ang kabuuan ng pagmumukha ng tomboy na iyon, pero bakit ganun? Bakit ganto ang nararamdaman ko? Yung pakiramdam ko sat wing nakikita ko si Maylene yun ngayon ang nararamdaman ko matapos kong pagmasdan ang tomboy na yon. Hindi maaaring siya si Maylene, pero bakit ganun? Bakit kahawig niya ang babaeng gusto ko? Wag mong sabihing triplets sila? Ano to lokohan?

Matapos kong bayaran ang action figure na binili ko ay lumabas na ko ng toy store at pilit hinanap ang tomboy na iyon. Hindi ako mapakali, imposible namang tatlo sila, possible pero ayaw kong paniwalaan. Masyado naman na ata to, kung bukod sakanilang dalawa ni May ay may isa pang aakalain kong siya. Kung kay May palang ay hirap na kong idistiguish siya pano pa kung tatlo nga sila?

So ganto pala ang pakiramdam ng mga taong hirap sa pagkilala samin ng kakambal ko? Ganto din ba sila kafrustrate kapag hindi nila nakikilala kung sino ang sino samin ng kakambal ko?

Pero bago yun, kailngan ko munang siguraduhin ang hinala ko, kailangan kong malaman kung ano ang totoo sa likod ng pagkatao ng tatlong babaeng ito. Kung triplets nga sila o namalikmata lang ako na kambal lang talaga sila na hindi nila kapatid ang tomboy na iyon.

“Tim?” napatingin ako kung saan nagmula ang boses na tumawag sakin, at pagkaharap ko ay isang nakangiting Maylene ang nakita ko

“Maylene” lumapit ako sakanya ng nakangiti, napansin ko ang malaking bag na bit bit niya, saan naman kaya nanggaling tong si Maylene? O saan siya pupunta? Bakit ang laki ng dala niyang bag?

“tara kaen tayo” nakangiting aya niya sakin, syempre sino ko para tumanggi sa alok niya? Pumunta kami sa isang fast food chain at bumili ng makakain.

Tahimik lang kaming dalawang habang kumakaen, kahit gusto kong magtanong tungkol sakanila ni May, tungkol sa malaking bag na bitbit niya, kung bakit wala siya kagabi sa Stop Mart, at kung anu-ano pang tanong sa utak ko ay di ko siya magawang tanungin. Hindi ko magawang sirain ang magandang awrang bumabalot ngayon saming dalawa. I don’t wnt to spoil the moment right now. Eto ang kauna-unahang pagkakataon na nagkasama kami ni Maylene sa mall kaya susulitin ko na to. I’ll date her here.

Matapos naming kumaen ay inaya ko siyang manood ng sine, susulitin ko na ang araw na to, minsan lang naman to kaya lulubusin ko na.

Pagdating namin sa may ticket booth ay siya na ang pinapili ko ng movie, hindi ko inaasahan na isang pambatang palabas ang pipiliin niya, akala ko ay yung rom-com or yung tragic romance ang pipiliin niya, pero isang cartoon ang napili niyang panoodin.

Kahit na hindi ko gusto ang pinanunuod naming ay hindi ko ipinahalata sakanya ang pagkabagot ko, kita ko namang tuwang tuwa siya sa panonood kaya imbes na sa screen ako tumingin ay siya nalang ang pinanood ko. Kaya naman all in all sulit din ang panonood ng sine. Yun nga lang hindi yung pelikula yung piannood ko kundi siya.

Pagkalabas naming ng sinehan ay nagpaalam na siya na kailangan niya na daw umalis dahil hinahanap na siya ng kuya niya. Ayaw ko pa sanang umuwi siya pero bago pa ko makapagsalita ay umalis na siya. Strict ba talaga ang parents niya? Bakit kailangan pang sinusundo siya ng kuya niya? Hindi ba pwedeng ihatid ko nalang siya para hindi niya naiistorbo ang kuya niya?

Pucker Series #2: My TWIN and I -FIN- (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon