CHAPTER 65: ANOTHER SIDE

70 6 0
                                    

CHAPTER 65: ANOTHER SIDE

SIMON

“So your here for Ayla Salazar”

Ako'y tumango nang maintindihan niya ang lahat na rason at natapos din ako sa pagpapaliwanag sa kanya.

Ngayon ay nasa loob kami ng kanilang cafeteria. Dalawang palapag na puno ng mga estudyante. Karamihan sa kanila ay tumitingin sa akin habang naglalakad at mukhang pinaguusapan din ako kaya medyo hindi ako komportable. Halos yatang mga mata ay nasa akin habang parang wala lang iyon kay Corrine na kalmado lamang.

Nakilala ko si Corrine nung case of Maestro accused on being a murderer. Apo siya nung matanda na kilala si Aria Hiraidie. Ito ang pangalawang beses na nakita ko siya at ngayon pansin ko na may malaking nagbago sa kanyang hitsura.

“Don't mind them” Corrine calmly spoke as she took a sip of her lemonade and smiled. “Are you gonna question me if I see her yesterday?”

“Yeah”

“Nakita ko nga si Ayla kahapon. Siya iyong transfer student sa kabilang sekyson na agad maraming naging close. Mukhang mahilig siya makipag interact with people at magaling din ah. Masiyahin,mabait at matulungin din”  paliwanag ni Corrine tsaka binaba ang lemonade. “Pero walang nagsabi na mula siya sa Marseillie. Ang bagong eskwelahan mo Simon”

“Mukhang hindi niya gustong pagusapan iyon” komento ko.

“Hindi na ako magtatanong sa topic na iyan kasi mag cross the line na ako. At mukhang sensitive din kaya hindi ko gustong malaman. Huwag mo na din pilitin ang sarili mo kasi tutulungan naman kita kasi alam ko na ginagawa mo ito para sa kabutihan. Tinulungan mo ako noon kaya tutulongan din kita ngayon” nakangiting tugon niya sa akin.

“Maraming Salamat, Corrine”

“Walang anuman iyon, Simon” sagot ni Corrine. “Pero bago kita ipunta kay Ayla ay kumain ka muna. Mukhang hindi ka pa nakapagtanghalian at mainit din baka mahimapatay kapa. Kailangan mung kumain baka mabaliw ka”

Napatawa ako sa sinabi niya tsaka tipid na ngumiti si Corrine na nagsimula na ding kumain. Bumili siya ng dalawang orange crispy chicken at dalawang lemonade. Nagpasalamat ako sa kanya bago nagsimulang kumain. Pagkain ko ay nasarapan ako matamis na lasa ng ulam at lamig ng lemonade. Tahimik lang kaming kumakain kaya ako mismo ang bumasag sa katahimikan.

“Matagal ka na ba nag-aaral dito sa MIST?” tanong ko.

Corrine nodded as she took a spoonful bite of her lunch and gulped. “Parang buong buhay ko ay dito na ako nag-aaral kasi maganda naman ang educational system na katulad sa ibang bansa. Na-enhance rin ang mga fields na kaya ko at nag improve sa mga aspects na nahirapan ako. Pinili ko din na dito nalang mag-aral kasi mas malapit sa bahay at maganda ang uniform”

“Ah ganoon ba” wika ko.

“Dito din kasi nag-aral ang halos buong pamilya ko kasali na dun ang mga magulang ko. Iyon yata ang malaking factor kung bakit ako nandito kasi kilala sila” sabi ni Corrine sabay sumubo ng malaki sa kanyang pagkain.

Uminom muna siya bago ulit nagsalita.

“Pwede mag tanong?”

“Sure,go ahead”

“Bakit hindi ka dito nag-aral kahit alumni ang mga magulang mo dito?”

Hindi ako makagalaw sa kinaupuan ko at napatigil din sa pagkain. Biglang malakas ang kalabog ng dibdib ko habang dahan-dahang inangat ang tingin at nagtama ang aming mga mata. Mabilis ako nagisip ng dahilan kasi hindi ko gustong pagusapan ang ganitong topic.

HIDDEN FILES 3Where stories live. Discover now