CHAPTER 82: BEGINNING OF THE END

32 6 0
                                    

CHAPTER 82: BEGINNING OF THE END

JADE

Today is the 26th of October, the day of the Halloween Party of our school. Ang event na hinihintay ng Marseillians dahil hudyat na rin sa semestral break. Karamihan na mga estudyante ay may planong pumunta doon sa Castleton Hills kasali na ako roon pero para hindi magparty kundi para manatili doon hanggang 27th dahil sa misyon ko.

Makikisama parin ako hanggang sa huli para magkaroon dinKahapon ay bumili na din ako ng costume kasama sina Simon, Bryce at Lucas. Iba ang naging ideya ni Simon tungkol sa aming susuotin na himalang sinang-ayunan nila Bryce at Lucas. Plano niyang magsuot kami bilang Sherlock Holmes characters. Hindi naman masamang ideya.

Bryce was given the character of the none other Sherlock Holmes while Simon was the John Watson, who he admitted to be one of his favorite character in the book. Meanwhile, I got Irene Adler because she's the known woman in the book. Lastly, the mastermind Moriarty was given to Lucas who didn't disagree. Parang go with the flow nalang siya pero kinatuwa naman ni Simon dahil pumayag kaming lahat sa gusto niyang mangyari.

Ngayon ay nakaupo ako katabi ni Lucas sa backseat ng kotse ni Bryce. Lahat kami ay nasa aming costume na binili kahapon at nag-improvise din para in character kami.

I simply dress in a dark green victorian-style dress with a blue shawl over top, black boots and hand gloves. In the meantime, Bryce presents a stylish appearance while wearing a frock coat over a brown tweed suit and hat on his head. Simon, however is dressed neatly in a dark blue three piece suit, coat and hat. Last but not least, Lucas is dressed in a black coat over a dark grey suit, some silver accessories and shoes.

“Mamaya magpapicture tayong apat” paalala ni Simon habang nanalamin sa side view mirror na panay ng ngiti habang walang naging reaksyon si Bryce na seryosong nagmamaneho. “Ang ganda talaga natin tingnan. Mabuti ay nag-agree kayong gawin natin 'to. Matagal ko na itong plano para sa atin”

Marami pang sinabi si Simon sa amin. Nakangiti akong nakikinig at sumasagot rin pero natigilan din ako ng may sinabi si Lucas sakin. Mahina ang boses niya na parang tanging ako lamang ang makarinig.

“Hindi parin nila alam?” tanong niya.

“Mamaya” sagot ko at sandaling tumingin sa kanyang direksyon bago binalik ang tingin sa harapan. “Sasabihin ko din sa kanila. Maghintay ka lang”

“Sigurado ka ba?” malamig niyang boses na sinabi at diretsahang sumagot. “Oo”

“Kausapin mo ng mabuti si Bryce..” dagdag ni Lucas sabay sinandal ang likuran sa upuan bago tumingin sa aming dinadaanan. “...sa huling sandali”

Sa buong byahe ay hindi muli kami nagusap ni Lucas. Kami lamang ni Simon ang gumagawa ng ingay dahil panay sa kwento at tawa habang tipid na ngiti ang binibigay ng dalawa.

Nagpatugtog din kami ng musika sa radyo para mawala rin ang papataas na awkard atmosphere na bumabalot sa loob ng kotse. Sumasabay sa kanta si Simon na minsan ay kumakanta o bumibirit din. Ngayon ay parang sumasayaw habang dinadama rin 'yung naririnig na kanta. Gaanon lamang ang aming sitwasyon hanggang dumating na kami sa Castleton Hills.

Agad akong namangha sa view. Nakalagay sa tuktok ng burol 'yung walong hotel na pinalibutan ng matataas na kahoy at iba pang mamahaling establishments katulad lamang ng mga reasturants, café at local shops. Maraming tao sa paligid kasama rin ang mga nagkalat na mga iba't ibang klase ng sasakyan. Ito talaga ang Castleton Hills na sobrang popular dito sa Marelibane.

Tinagal ng ilang sandali ang pag-akyat namin papunta doon sa hotel dahil sa dami ng kotse rin na parehas ang direksyon at ilan naman ay pababa na. Huminto na kami sa tapat ng hotel, unang bumaba sina Bryce at Simon babang sumunod kami ni Lucas. Napatingala ako sa mataas na hotel.

HIDDEN FILES 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon