CHAPTER 83: PURSUING OUR REPRIEVE

39 6 0
                                    

CHAPTER 83: PURSUING OUR REPRIEVE

THIRD PERSON'S POV

“Marseillie Academy, Senior High School Principal has been stabbed in the middle of their Halloween Party” the Inspector who just came in the crime scene remarked and review every detailed that was written down. “This would taint the name of the school. What a mess to clean up”

Matapos kinausap ang halos lahat ng estudyante ay pinaalis na sila pero may possibilidad na pupuntahin sila station kung gusto pa nila may makausap tungkol sa kaso. Tiningnan ni Jade ang natitira nalang sa crime scene ngayon ng kinuha ng forensics 'yung katawan matapos kinuhaan nila ng pictures at ini-obserbahan ng ilang sandali. Maraming bahid ng dugo na nagiging maitim na rin. Binalik niya ang tingin doon sa Inspector na kausap.

Sa pagkakaalala niya ay relative siya ni Bryce. He's Arnold Valeron Farnsworth, the inspector who handle the Pierrot Killer case. Busy siya nakikipagusap sa mga police na kanina umasikaso bago siya dumating. Sa tingin ni Jade ay hindi maganda ang mangyayari dahil nandito siya at halatang hindi din siya gusto ni Bryce.

“Hindi rin ba gumana 'yung CCTV camera dito sa hall?” tanong ng Inspector na tumingala sa mga kisame at inilibot din ang tingin sa paligid.

“Nagkaroon po ng error sa sandaling iyon. Walang nakuhang footage ang security team dahil doon pero ginagawan din nila ng paraan kung may ibang way na makakuha upang malakap ng matibay na ebidensya sa kasong ito” paliwanag ng police officer sabay napatango lamang ang Inspector.

“Tinanong mo na ba kung may galit sa principal? May hindi pagkaunawan o malalim na kinikim na galit?” taas na kilay na nagtanong 'yung Inspector na iniling lamang ng police officer sabay kuha ng kanyang notepad.

“Kanina po ay kinausap namin ang mga estudyante at guro. Wala po silang nabanggit tungkol doon, hindi ko rin narinig na nagusap din sila na may galit ang mga taong dumalo sa principal” kwento ng police officer na tinitngnan ang sinulat kanina bago nagpatuloy. “Karaniwan sinasabi nila ay mabait ang kanilang principal. Pwede naman po tayong magbigay ng karagdagang tanong tungkol doon”

Napahawak sa sariling baba ang Inspector na nakakunot ang noong tumitig sa sahig na may bahid ng dugo. “Wala bang nakakaalala kung sino ang mga taong mas malapit sa principal ng mga oras na 'yun?”

“Meron naman po pero kanina kumuha kami ng fingerprint mula sa murder weapon. Nalaman namin na walang finger print doon sa ginamit na patalim. May iilan naman na may suot na gloves pero walang bahid na dugo. Tiningnan din naman isa-isa ang lahat ng tao pero wala kaming nakita. Pinuntahan din namin ang trash cans at toilet kung doon tinago pero wala. Magaling po ang gumawa ng krimen na 'to”

“Paano niya nagawa iyon?” nagtatakang tanong ng Inspector. “Kahit isa sa kanila ay walang nakapansin talaga? Impossible naman unless kilala nila at hindi sila gustong magsalita”

The inspector sighed heavily. “Bukas, i-contact mo lahat ng taong malapit sa biktima. Kakausapin din natin ang mga school officials para malaman ang punot dulo” utos niya at tumango ang police officer.

“Mag-search din kayo sa area kung may makuha kayong clues o ano man. Humingi din kayo ng statement mula sa security officers ng hotel. Higit sa lahat huwag mo nang i-contaminate ang crime scene” dagdag pa ng Inspector.

“Yes sir!” sagot ng mga police.

Umalis na ang mga police officers. Nanatili naman doon sa posisyon ang Inspector. Sandaling kinuha ang cellphone sa loob ng bulsa ng marandaman na nag-vibrate ito.

“Mukhang mapupunta sa'yo ang kaso na pinuntahan ko ngayon di 'ba?” sabi ng Inspector ng inilapit ang cellphone sa tenga. “Pero mahihirapan ka dito. Parang katulad lang noon na hinahanap ang taong wala naman dito”

HIDDEN FILES 3Where stories live. Discover now