CHAPTER 67: MYTH ON THE UNDYING LOVE (DAMSEL IN DISTRESS)

35 6 0
                                    

CHAPTER 67: MYTH ON THE UNDYING LOVE (DAMSEL IN DISTRESS)

THIRD PERSON'S POV

Ang kwento nito ay isang mitolohiya na mula sa malayong kaharian may isang striktong hari kung saan ay walang awang namumuno. Wala na itong asawa at tanging nagiisang babaeng anak niya ang natira sa kanyang buhay

Umangat ang pulang kurtina kung saan doon nakita si Bryce na seryoso ang mukha habang nakaupo sa trono. Suot niya ang isang magarang suotin ng isang hari at korona.

Ilang sandali nagpakita si Jade bilang si Guita. Hindi tinali ang mahabang itim na buhok nito at wala din siyang suot na eyeglasses na mas nagpaganda sa kanya. Nakasuot siya ng isang magandang puting dress na simple lamang ang disenyo nito. May korona na gawa sa bulaklak ang nakalagay sa ulo niya.

“Magandang umapa po Ama” pagbati ni Jade saka yumuko at diretsong tumingin kay Bryce. “Bakit ninyo po ako pinatawag nang maaga aking pinakamamahal na ama?”

“Tandaan mo aking mahal na anak. Mataas ang ekspektasyon ko para sa'yo hindi lang dahil ikaw ang aking tanging anak kundi ikaw ang susunod na mamumuno sa ating kaharian. Kaya huwag na huwag mo akong biguin, Guita. Kaya pinatawag kita dito dahil nagsimula ako sa paghahanap ng prinsipe para sa'yo”

“Ama! Ayaw ko po!” aniya n'ya.

“Tumutol ka sa akin, Guita? At kailan ka pa natutunan na taasan ng boses ang iyong ama?” singhal ng ama niya kung saan ay galit na galit sa inasal ng kanyang anak. “Isa kang maharlika kaya katangi-tangi lamang na ikaw ay magmahal ng isang katulad mo”

“Pero-”

“Desiyun ko ito Guita. Ito ang nakakabuti sa'yo kaya makinig ka ng mabuti sa akin at susundin mo ang utos ko bilang hari. Maliwanag ba?”

Napagbuntong-hininga siya sabay yumuko at malungkot ang mukha.

“Opo ama, masusunod ang iyong kahilingan” mahinang sagot niya.

“Pwede ka nang makakalis baka matagalan ka pa sa iyong pagpunta sa iyong paaralan. Mag-aral ka ng mabuti Guita, ang mahal kung prinsesa” payo ng hari sa isang awtorisadong boses tapos ay bahagyang tumango ang prinsesa.

“Paalam na po, ama”

Tumango ang hari bagong tuluyang tinalikuran siya ng prinsesa saka lumayo at tinitingnan niya ito hanggang nawala na siya sa kanyang paningin.

Ang kasunod na eksena ay may gurong nagtuturo sa kanya at nakikinig ng mabuti ang prinsesa na seryoso habang nakapalibot ang maraming mga libro. Nagkalat din ang mga papel na maraming nakasulat.

“Ang prinsesa ay hindi lamang maganda kundi siya ay nag-aral sa isa sa pinakamahusay na eksklusibong mga paaralan sa ibang bansa na dinisenyo para sa maharlika”

Tumayo na ang guro. “Iyon lamang ang ating leksyon para sa ngayong araw mahal na prinsesa” anunsyo niya at tumango naman sabay tumayo din si Guita saka naglakad.

Malalim ang iniisip ni Guita (Jade) habang naglalakad papalabas sa ekswelahan at walang pakealam sa kanyang paligid. Dahil nun ay may nakabanga siya at nadapa sa sahig na agad naman tinulungan ng bumanga sa kanya.

“Maayos ka lang ba mahal na prinsesa?” tanong ng lalaki at inilahad ang palad upang tulungan siyang tumayo saka nagtama ang kanilang mga mata.

Isang lalaking may katangkaran na bahagyang magulo ang kanyang itim na bagsak na buhok. Si Lucas bilang Sampa na ibang iba sa kanyang pagkatao. Simple lamang ang suot na ito ay katulad sa mga mahihirap at may dumi din sa ibang parte ng kanyang suotin. Ngumiti siya ng malawak dahilan magtilian ang mga tumitingin.

HIDDEN FILES 3Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum