CHAPTER 84: CRUSHED SOULS

39 6 0
                                    

CHAPTER 84: CRUSHED SOULS

JADE

Tinali ko ang aking mataas na buhok para maging bun bago sinuot ang brown na wig tapos ay tinali ito na ponytail. Naglagay ako ng hairpin para hindi matangal tapos ay inayos ang bangs ko na nakatakip sa noo at kilay. Inayos ko rin kaunti 'yung white polo long sleeve shirt na pinaresan itim na skirt at neck tie. Tiningnan ko ang sariling reflection sa harapan ng salamin.

“You look so diffferent” Blue commented.

Lumingon ako ng makita siyang gaanon rin ang sinuot pero ang pinagkaiba lamang ay nakasuot siya na itim na slacks. Tipid siyang ngumiti gaanon rin ako na parang nawawala ng kaunti 'yung kaba ko.

“Thanks” I replied.

“Its a good thing they didn't cancel the party” Blue commented.

“May plano ba sila?” tanong ko.

“The hotel suggested the thought but they disagreed. May rason sila na sayang naman ang gastos nila and etc that's why in the end the party is still happening” he explained.

Kinuha ko ang dadalhin kung gamit. Naglagay rin ako ng isang baril sa likuran ng aking damit. May maliit din na camera sa isa sa mga butones sa sinuot kung puti na polo. Tiningnan ko muna ang oras sa bagong relo na sinuot ko.

“Are you ready?” Blue asked.

I nodded. “I should be. Let's get this over”

“Good luck to us” he said and smiled.

“Take care”

“You too, be safe always Aria”

“Same goes to you too Blue”

Normal lamang kaming umarte na lumabas sa unit. Pumunta kaming dalawa sa magkabilang direksyon at gumamit ng ibang elevator papunta sa ibaba. Tahimik lamang akong dumiretso sa Hall kung saan gaganapin ang event.

Malakas ang kalabog ng aking dibdib ngunit mas malakas ang determinasyon ko na matapos na rin sa huli ang misyon na ito. Huminto na ako malapit sa malaking pintuan na nasa ibabaw nakalagay ang sign na Hall 2.

May apat na matatangkad na lalaking halatang security guard ang nakabantay ngunit sa paligid ay marami na hindi masyadong nahahalata. Sa kisame naman ay may mga CCTV na nakalagay. Gamit ang cellphone ay may ini-scan ang guard sa bawat cellphone ng mga guest para ma identify ang kanilang identity. Mahigpit talaga ang security nila.

Pumila nalang ako kasama ang ibang guest pero parang natakot ako ng marating ako sa harapan. Mahina akong napalunok at tinatagan nalang ang sarili.

“Sino ka?” malalim na boses na nagtanong 'yung guard sakin.

“Isa ako sa additional staffs mula sa catering services. Masyado kasing maraming guest kaya't sobrang kailangan ng tulong ko” paliwanag ko sa malambing at inosenteng tono ng boses para makumbinsi 'yung guard.

Tiningnan muna niya ako mula ulo hanggang paa. Napatingin din siya sa kanyang kasamahan na marahang tumango. Binalik niya ang tingin sa akin.

“Ano ang pangalan mo?” tanong niya.

“Marianne Diaz po” sagot ko.

Pinapasok muna ang ibang guest. Pinatabi nila ako upang hanapin ang identity na sinabi ko. Ilang sandaling lumipas ay may lumapit rin sa amin na lalaki na may hawak na tablet. Nagulat ako ng makita ito ng mas malapitan.

It was Nile Riveriz, he was wearing a formal attire and glasses. Sa aura din niya ay halatang pormal at malamig. Walang bahid ng ngiti sa kanyang labi. Halos wala namang buhay ang mga mata niya. Nakakagulat na sobrang iba niya sa nakita ko palagi sa school. Ano ang nangyari sa kanya at bakit siya nandito?

HIDDEN FILES 3Where stories live. Discover now