CHAPTER 81: MIND MAZE LABYRINTH

29 7 0
                                    

CHAPTER 81: MIND MAZE LABYRINTH

JADE

Hindi parin ako makapaniwala na nasa harapan ko ngayon si Blue. Sobrang saya ko na di pala siya nawala at nandito lang siya sa buong sandaling inakala ko na nawala na siya habang buhay. Lihim akong napangiting yumakap sa likuran niya habang nakaangkas sa motorsiklo niya na papunta ngayon sa bahay ni Professor.

Naamoy ko yung paborito niyang pabango at nararamdaman ang init mula sa kanyang katawan. Hindi talaga ako nanaginip na nandito rin siya. Sa matagal na panahon ay muli kaming nagkita.

"Malapit na tayo sa bahay" saad niya at tumango ako bilang tugon bago inimulat ang aking mga mata sabay tingin sa dinaanan namin na signage.

Huminto na kami sa tapat nang bahay ni Professor. Nakabukas ang mga ilaw sa loob 'lalo na ang first floor, mukhang nandito talaga ngayon silang dalawa ni Lucas. Tinulangan akong bumaba ni Blue bago parehong pumunta sa gate pero natigilan kami ng makitang may nakatayo pala sa malayo.

Nawala ang kulay sa mukha ni Lucas na nabitawan ang dalang trash bag. Pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa. Malaki parin ang mga mata niyang bumalik sa loob ng bahay bago ilang sandali ay lumabas rin na may kasama.

Agad na umiyak si Professor na tumakbo papalapit sa amin. Nagmadaling bumukas ng gate tapos ay mabilis na niyakap si Blue. Paulit-ulit niyang binagit ang pangalan habang malakas na humagulgol na parang bata. Gaanon siya hanggang makapasok kami sa bahay.

Tahimik naman nagluluto sa kusina si Lucas. Sandaling masinsinan naman naguusap sina Professor at Blue na masayang makita siya muli. Marami itong kinuwento gaanon rin si Blue na nakangiti din katulad ni Professor. Pumunta muna ako sa kusina at umupo sa bar stool habang nanood na nagluluto si Lucas.

"Masaya kaba na nakita mo siya muli?" rinig kung tanong niya. "Ang tagal din niyo hindi nagkita tapos nagkita muli kayo"

"Syempre, masaya na nagkita kami kasi akala ko patay na siya hindi pa pala" tugon ko, inisandal ko ang dalawang siko ko sa ibabaw ng island counter ng kanilang kusina at ngumiti ng lumingon siya. "Sa totoo lang hindi ko akalain na darating ang ganitong araw. Alala ko hindi na kami muling nagkita dahil sa lahat na nangyari"

Unti-unting ngumiti rin pabalik si Lucas bago binalik ang tingin sa niluluto. "I'm happy for you, Aria. You deserve that happiness. Parang nakahinga din ako ng maluwag na totoo palang buhay ang isang Blue Arima" saad pa niya.

"Hello" bati ni Blue na tumabi sa akin.

Lumingon sa kanyang direksyon si Lucas ng marinig ang boses niya. Nakangiting may sinabi siya sa kanya. "Muli din tayong nagkita Hide Alcott Twain. Maraming salamat sa tulong mo noong muntikan ako mamatay. Kung wala ka doon baka wala na ako rito"

"Wala 'yun Arima" sagot ni Lucas.

"Paano ka pala nakaligtas?" nagtataka kung tanong sabay tingin sa kanya. May hindi ako naintindihan kung paano siya na buhay matapos ang lahat na nangyari at nandito siya na parang wala lamang ang nangyari noon. Hindi ko alam kung maayos lang din siya. Napalunok ako bago nagpatuloy sa pagtanong ng inalala ang nangyari sa amin ng gabing iyon. "Nakita kita na binaril din nila. Malinaw 'yung narinig ko ang putukan sa pwesto mo. Paano na buhay ka mula doon?"

Sandaling natahimik roon si Blue. Pinatay na ni Lucas ang kanyang niluluto. Lumapit rin sa amin si Professor na namumula parin ang pisngi. Hinintay namin ang kanyang sagot o paliwanag man lamang. Mapait siyang ngumiti at huminga ng malalim.

"I coincidentally wear a full bullet proof vest. Buong suot ko ay may parang gaanon kasi alam ko delikado ang mangyayari. Hindi naman gaanong maraming bala ang tumama sa aking katawan. Naubusan din ako ng mga bala, sobrang dami nila kaya't imposibleng labanan silang lahat. Umarte akong natamaan at parang namatay sa harapan nila. Sandaling pinatigil ko ang aking paghinga ng tiningnan nila ang vitals ko. Tinapon din nila ako doon sa bangin tapos nahulog rin sa dagat" kwento ni Blue.

HIDDEN FILES 3Where stories live. Discover now