CHAPTER 75: DECEIVE AND DECEPTION

38 6 0
                                    

CHAPTEE 75: DECEIVE AND DECEPTION

JADE

Pumasok ako sa loob ng apartment ko 'tsaka sinirado ang pintuan bago binuksan ang ilaw sa loob. Muntikan akong napasigaw ng lumingon ako pero agad kung tinakpan ang aking bibig. Akala aatakihin ako ng puso sa gulat.

Kinukusot ko ang aking mga mata. Ilang beses rin akong kumurap ng makitang nakaupo sa sala ang nakakatanda kung kapatid na uminom ng tsaa. Kumunot ang noo ko na napatingin sa pintuan pabalik sa kanya.

“Bakit nandito ka sa Marelibane Kuya Verdelle? Hindi ba bumalik kana sa France?” nagtataka kung tanong sa kanya.

Lumingon siya sa aking kinatayuan. Ibinaba niya na ang hawak niyang ininom na tsaa. Ngumiti siya ng bahagya pero alam ko na may ibang ibig sabihan na iyon. Bahagya akong napalunok. Ano na naman kaya ang iniisip niya? Sinandal niya ang likuran sa sofa ko at naglabas ng malalim na hininga.

“Binibisita lang kita Aria” sagot ni Kuya Verdelle. He tilted his head while quietly observing me. “Bakit parang takot kaya yata na makita mo ako ngayon? May nangyari ba sa'yo?”

“Wala naman Kuya. Nagulat lang ako kasi pumunta ka dito ng walang pasabi lamang sa akin” pagamin ko. Pumunta nalang ako sa kusina para kumuha ng maiinom na tubig para hindi ko muna mapatingin sandali si Kuya kasi kinakabahan rin ako.

Tinaasan niya ako ng kilay. “Gaanon ba?”

“May sinabi na naman ang headquarters tungkol sa misyon mo” dagdag niya dahilan ako'y tumigil sa pagkilos at lumingon na agad din nagtama ang aming paningin. “Gusto mo ba malaman?”

He slowly stood up from his seat and placed both of his hands inside his pockets. “They think your connected to the Stygian. Not as a member nor part of the organization but as by blood”

My eyes grew bigger and jaw dropped.

“What!?” I exclaimed.

Napahawak ako sa aking ulo ng marinig iyon. Paano nila maisip iyon? Kung gaanon din ang kanilang iniisip ay hindi rin nila ako pinagkatiwalaan. Tiningnan ko si Kuya na parang nanlambot ang ekspresyon na nakatitig sa akin.

“Paano nila masabi iyon?” singhal ko sa kapatid ko kasi hindi ako makapaniwala na maisip nila iyon. “Di ba ginagawa ko lang naman ang trabaho ko nahanapin sila? Bakit umabot sa ganitong sitwasyon na may suspetsa sila sa akin!?”

“May ipapakita ako sa'yo Aria” wika niya.

Inilabas ni Kuya ang kanyang cellphone. Lumapit siya sa akin tapos nilapag sa dining table ko. Tinuro niya ang screen ng phone ko at sinunod ko naman na tumingin doon. Nagsalubong 'yung kilay ko sa aking nakita na pdf file na may pangalan sa code name ko ang title. Pinindot ko iyon 'tsaka mas nagulat sa sunod-sunod kung nakita kasi isa iyong written report. Tiningan ko si Kuya Verdelle na nanatili lamang kalmado.

Bago ako makapagsalita ay inunahan niya ba ako sa pagsalita. “Basahin mo muna iyan tapos ay magusap tayong dalawa”

Naramdaman ko nalang na nanlamig ang aking buong katawan 'lalo na ang aking kamay na humawak sa cellphone ni Kuya. Sobrang lakas din ng kalabog ng aking puso na nagwawala dahil sa kaba na nadarama at tumataas din ang takot.

INFO [ AGENT 047 ]

Nakalagay doon ang lahat ng impormasyon tungkol sa aking pagkatao. Mula sa totoo na buong pangalan, edad, address, pangalan ng magulang o pamilya at kahit mga kaibigan ko noon ay nandoon. Pero ang mas kinagulat ko ay halos buong detalye ng lahat na nangyari sa buhay ko.

May mala-table of contents tungkol sa parang stages ng buhay ko. Karamihan doon ay maraming detalye na sobrang haba din ngunit ang pinagtataka ay iyong nasa pinakaunang bahagi dahil sobrang maliit lang iyon. Sinulyapan ko si Kuya na nakatingin lang din doon sa cellphone niya.

HIDDEN FILES 3Where stories live. Discover now