EPILOGUE

98 7 0
                                    

EPILOGUE

THIRD PERSON'S POV

Malapit na sumikat ang araw ngunit nakanood parin ang isang tao ng mabuti sa nakabukas na telebisyon. Seryoso ang mukha niyang nanood dito tungkol sa balitang na matagal ng nangyari.

"Kaninang hating gabi ay may aksidenteng nangyari sa Marelibane Transit. Nagkaroon ng technical errors kaya nawalan ng kontrol ang conductor. Biglaang bumilis umano ang takbo ng tren dahilan na isa sa mga car ay natanggal at muntikan na mahulog sa bangin..." wika ng news reporter sabay pinakita doon sa screen ang naka-cordon sa paligid ng nalumping na na bahagi ng car.

Sunod na pinakitang pinapatay ng mga bumbero dahil nasusunog rin ito. "Malaki pa din palaisipan ng pulisya kung paano ito nangyari" dagdag ng news reporter, nakatagilid naman ang kalahati ng katawan ng train na sumadsad sa malapit na tunnel.

"Base sa initial report ay may mga tao na nasawi sa pangyayari sina Leonardo Salazar Morelli at Jade Cesaire dahil tumilapon sabay nahulog sa bangin. Ang iba naman ay nasawi dahil sa impact ng kalahati ng katawan train doon sa tunnel" pinakita sa balita na may dinalang katawan sa forensic doon sa stretcher at iba naman ay inalalabas sa train. "Dead on the spot ang nangyari. Nasugatan naman ang pahinante at conductor na nasa kabilang car"

May pinindot ang nanood ng balita. Pumunta na naman sa ibang balita na tungkol parin doon. Maraming videos ang pinapakita tapos nagpahayag rin ang news reporters.

"Suspended muna ang byahe sa Marelibane Transit 3 dahil sa nangyari. Nagkaroon ng double check sa bawat train para hindi ulit na mangyari ang trahedya"

Ulit niyang iniba ang video. "May hinala na hindi daw aksidente ang nangyari. Mula sa imbestigasyon ni Inspector Erwin Chavez umano ay may nagkontrol sa train na sinasakyan sa oras na iyon. Hinahanap ng pulisya ang mastermind sa pangyayari na 'to" sabi ng lalaking reporter.

Sa sunod na naglabas na video ay may lalaking pinusasan ng pulisya. Nagkagulo ang media habang maraming beses kumukuha ng video at litrato gamit ang kanilang camera. Wala namang emosyon ang bahid sa mukha ng lalaki.

"Isang binatang lalaki ang umamin na siya raw ang gumawa sa krimen. Kinalala nasi Hide Alcott Twain. Nalaman rin ng pulisya na may mga krimen na din itong ginawa. Patung-patung na ang kaso laban sa kanya" sinakay na siya sa loob ng isang kotse kasama ang pulisya.

"Hindi ako makapaniwala na isang binata ang nakagagawa nito"

"Totoo ba? Hindi lang ba siya na frame up?"

"Kawawa naman din-"

Sa sandaling iyon ay iba't iba ang opinyon ng mga tao pero mas marami ang taong ayaw sa kanya. Maraming masasakit na salita ang binibitaw sa kanya mula sa mga pamilyang nawalan. Parating walang buhay at walang imik din kapag nakikita ng media.

"Pinatay niya ang anak ko! Walang puso siya! Hayop siya!" iyak ng isa sa mga ina sa media at humagulgol ng makita si Hide papunta sa korte.

"Inamin niya ang ginawang krimen"

"Hide Alcott Twain was proven guilty"

"Masaya na ang pamilya na nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mahal nila sa buhay"

May kuhang video mula sa loob ng korte na pinalabas ng media. Nasa witness stand nakaupo si Hide na malungkot ang ekspresyon at walang gana na tumingin sa judge. Bagsak ang itim niyang buhok, malinaw rin nakikita ang kulay pula na mata niya at malinis ang hitsura kahit ilang araw na siyang nasa kulungan.

"Hindi ba kayo curious?" tanong niya sa kanila. "Alam niyo ba na may malaking criminal organization dito sa Marelibane? Mas masahol pa sila sa akin kasi maraming tao na silang napatay. Ang kanilang pangalan ay Stygian"

HIDDEN FILES 3Where stories live. Discover now