CHAPTER 80: WHERE HEART BREAKS AND FIXED

32 6 0
                                    

CHAPTER 80: WHERE HEART BREAKS AND FIXED

JADE

I never knew how fast things changes.

Parang ngayon nakita ko ang lahat na nangyari sa aking buhay. Mula noong pagkabata ng kasama ko pa ang mga magulang ko hanggang kinupkop na ako ni Dad Asano. Nakita ko rin ang mga araw na unti-unting lumaki hanggang nasa edad na ako ngayon.

Narinig ko na noon na makikita mo raw ang lahat na nangyari sa buhay mo kapag malapit ka pa mamatay. May ilang minuto raw bago tuluyan na mawalan ng buhay. Ngayon parang nanood ako ng sine na tungkol sa buhay ko na parang ang sakit na maalala.

Akala ko doon na magtatapos pero mali pala ang aking naiisip. May nakakasakit na tinig ang nagpagising pabalik sa kasalukuyan. Inimulat ko ang aking mga mata kaya't agad ko nakita kahit sobrang bilis ng pangyayari.

Sa kabilang banda ay may lumabas na kulay puti na kotse na sa isang iglap ay mabilis na dumiretso sa direkyon ng malapit na bumanga sa akin. Malakas na sinalpok iyon dahilan na tumama ang kotse sa malapit na poste. Dahil sa impact nasira ang parte ng kotse, nabasag ang salamin.

Mula dito sa labas ay nakita ko na walang tao roon sa driver seat. Kumunot ang noo ko. Paano iyon nangyari na may nagmaneho na parang nawalan ng kontrol. Mukhang alam ko na kung sino ang pakana nito pero obvious naman ang ginagawa nila para mawala ako. Tumingin din ako sa direksyon ng sumalpok pero kumunot rin ang noo ko ng makitang wala rin tao sa driver seat.

Bumukas ang pintuan ng convenience store. Lumingon ako na makitang kumakain ng ice cream si Simon na may dala rin para sa akin. Ang bilis nalaglag ang matamis sana niyang ngiti ng makita 'yung eksena. Nagkagulo din ang mga tao sa paligid.

“Ano ang nangyari dito?” tanong niya.

Inalalayan niya akong tumayo. “Anong nangyari sa'yo? Hindi ka ba nasaktan? Bakit nangyari iyan at may tao ba diyan?” tumingin siya sa mga sasakyan tapos ay kumunot rin ang noo. “Tama ba ang nakikita ko? Paano walang tao sa loob?”

“Hindi ko rin alam” pagamin ko. “Akala ko patungo sa akin ang kotse na muntik masagsaan. Halatang walang kontrol pero dumating ang puting kotse kaya't tumigil. Nakakapagtaka kung paano ito nangyari”

Nagkatinginan kami sa kalsada ng dumating sunod-sunod ang mga pulisya. Lumabas mula sa police car sila kasama roon si Inspector Chavez na ngayon muli nakita.

Agad nilang pinalayo ang mga tao kasama rin kami sa paligid. Inutusan ni Inspector Chavez na maglagay ng cordon ang buong pangyayari. May dumating pa ibang pulisya na sandaling nagusap bago nagsimula na tingnan ang kotse. Parehas na reaksyon namin na nagtakang walang tao.

Sumunod naman dumating ang ambulansya na handa ng tumulong rin. Nilabas na nila 'yung streachers kasama ang medical team pero naguluhan sa sunod nilang nakita sa loob.

“Nasaan ang driver?” tanong ng isa sa medical team na nilibot ang tingin sa paligid. “Akala namin may tao dito”

“Huh? Walang tao? Paano nangyari iyon?”

“Nakita daw ng mga tao na umalis”

“Wala talagang nagmaneho diyan”

“Hanapin ninyo kung sino ang may-ari ng mga kotseng ito. I-review mo rin ang CCTV camera para malamin natin ang buong pangyayari. Magtanong ka rin sa mga tao sa paligid. Tingnan niyo lang din kung may nasaktan ba o wala” utos ni Inspector Chavez sa kanila na agad naman nilang sinunod.

Sobrang nasira ang parehong kotse na halatang mahahalin. Sa gilid ng itim na kotse 'yung mas napuruhan habang harapan naman sa puti. Nagsimula sila ng kumuha ng statements sa mga tao kabilang na kami doon ni Simon.

HIDDEN FILES 3Where stories live. Discover now