CHAPTER 73: PAINFUL TRAGEDY

37 6 0
                                    

CHAPTER 73: PAINFUL TRAGEDY

SIMON

Inilagay ko sa cabinet ang trophy na nakasabit 'yung gold medal pagkatapos sinabit ko naman sa aming pader ang certificate na nilagyan ko ng frame.

Ngumiti kung tiningnan ang achievements ng nakababata kung kapatid nasi Katie.

Karamihan sa kanyang nakuhang achievements ay mula sa piano competition. Bawat taon ay sinasalihan niya at halos lahat ay nanalo siya. Mayroon din mula sa kanyang academics like sa honor rolls na nasa pangalawa siya pero masaya parin ako sa kanya.

She achieved many things when she's just fifteen years old and I know she'll achieve more. And as her brother I'm so proud of her of what she've reached so far.

“Kuya Si, matutulog na ako” rinig kung sabi ng kapatid ko nasi Katie at lumingon ako sa kanya na papasok na sa kanyang kwarto.

“Sige, good night and sweet dreams Kat” wika ko.

“Good night din sa'yo Kuya” sinirado niya na ang pintuan ng kwarto tapos pansin ko na binuksan ang ilaw sa loob.

Tumingin ako sa oras ngayon. Alas dies na pala rin ng gabi kaya't parang mabigat na din ang pakiramdam ko. Inilibot ko muna ang aking sarili sa paligid para tingnan na naka-double lock 'yung pintuan namin gaanon rin ang bintana. Nilagyan na din namin ang gate sa harapan. Tiningnan ko din sandali ang CCTV footage namin bago pumasok na sa kwarto ko.

Binuksan ko lamang ang lampshade na nakalagay sa ibabaw ng study table ko. Humiga na ako sa kama ko at pinikit ang aking mga mata.

Sobrang tahimik ng paligid. Wala gaanong ingay maliban mula sa ingay ng hayop sa paligid. Malamig rin na mula sa aircon at natural na hangin. Inimulat ko sandali ang aking mga mata 'tsaka binaling ang tingin doon sa picture frame ng pamilya ko.

“Its so different without you two” I murmered.

Parang bumigat ang mga mata ko kaya't pinikit ko nalang ulit. Dilim nalang ang nakikita ko hanggang wala akong narinig tapos ay parang nilamun ako ng antok at nakatulog rin.

“Khalil, gising na anak”

Dahan-dahan kung inimulat ang aking mga mata ng marinig ang pamilyar na boses iyon. Paunti rin na luminaw ang paningin ko hanggang nakita ko kung sino ang tumawag sa akin.

Ngumiti siya sa akin ng magtama ang aming mata. Parang may kung ano na sumisikip sa dibdib ko ng makita siya.

“We're home” my mother spoke to me with her usual sweet and warm smile beside her was my father who smiled too.

Bumuka ang bibig ko ngunit walang salitang lumalabas. Hindi ko nalang napansin na may namuong luha sa mata ko hanggang tumulo na ito. Niyakap ko si Mama ng mahigpit tapos umiyak sa kanyang bisig.

“Khalil? May problema ba anak?” nag-alala na tanong ni Mama pero umiling lamang ako at niyakap siya ng mahigpit.

Naamoy ko ang paborito niyang perfume at ginamit rin na detergent. Ramdam ko rin ang init na mula sa kanyang katawan gaanon din ang tibok ng puso at bawat hinga niya. Parang buhay na buhay siya ngayon.

“Anong nangyayari sa'yo Khalil?” tanong rin ni Papa. Lumipat ako sa pagyakap at nabigla din siya sa ginawa ko kasi para akong batang nalulungkot. “Nandito lang kami sa'yo anak. Sabihan mo lang kung ano ang problema. Mahal ka namin ng Mama mo”

Bakit nakikita ko silang dalawa ulit?

Bakit parang walang nangyari sa kanila?

Bakit parang buhay lang sila?

HIDDEN FILES 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon