CHAPTER 72: DANGEROUS RHYTHM II

33 6 0
                                    

CHAPTER 72: DANGEROUS RHYTHM II

JADE

So far, nothing bad happen occurs after Katie smoothly presented earlier.

Patuloy lamang sa pag-present ang ibang contestant ng parehong piano pieces. May ilan maganda ang ginawa at mayroon naman ay nawala sa tono o may mga mali. Ngunit sa kabuhuan ay wala naman masyadong problema pero inoobserbahan ko parin ang paligid.

“Bakit ka nandito Riley?” tanong ni Bryce.

Tinginan ko 'yung tabi ko. Ilang beses akong kumurap ng biglaan lamang lumitaw sa harapan namin si Riley. Suot niya ay white hoodie at black pants. Nakangisi siyang umupo sa tabi ni Simon tapos diretso ang tingin doon sa stage.

“Hindi mo ba alam? Mag-perform rin si Jean” saad ni Riley habang pinakita ang kani pang hawak na pamphlet na binigay niya. “Ngayon lang ako dumating kasi matagal ako nagising tapos nakita ko kayo. Wala namang nakaupo rito diba?”

“Wala naman” tugon ni Bryce.

“Pianist si Jean?” tanong ko.

She nodded. “Yup, he can play any instruments to be exact. But its a suprise he competes on a piano competition” nagsalubong ang kanyang kilay sabay pinagkrus ang braso sa harapan ng dibdib at bumuntong-hininga. “Hindi ko alam kung bakit siya sumali kahit parang baon lang sa kanya ang cash prize dito”

“Oo nga, di'ba hindi mahilig sa ganitong bagay si Jean” sambit naman ni Simon. “Bakit siya nandito?”

“Nagbago siguro ang isipan ng lalaking iyon” kunot-noong komento ni Riley.
“Ano ang habol niya kung hindi pera?”

“Palagi mo talaga iniisip ay pera” saad ni Bryce.

“Ano ang saysay natin sa mundo kung wala tayong pera hindi ba?” biro nito.

Sinulyapan niya ako sabay kinaway ang kanyang kamay at ngumiti. “Hi Jade!”

“Hi” tipid kung sagot.

“Pwede ba kayong tumahimik. May nakikinig rin dito. Hindi lang kayo ang tao na nandito” komento ng tao na nasa likod.

“Pasensya na po” pagumanhin ni Riley.

Pinagpatuloy nalang namin ang panood hanggang umabot na sa punto na si Jean ang nagperform. Umuwang ang labi ko ng makita sobrang iba ang hitsura niya ngayon. Gaanon rin ang kanilang reaksyon ng makita siyang naglakad patungo sa piano.

He was wearing a white tuxedo and black shoes. His long hair were tied up into a half ponytail and slick back. Parang sobrang linis niyang tingnan sa kanyang hitsura at halata rin na yayamin siya.

Umupo na siya sa harapan ng piano. Huminga ng malalim bago unti-unting pinikita ang mga mata 'tsaka maingat na hinawakan 'yung keys. Swabeng nagsimula siya sa pagtugtog na parang dinama ang bawat note na ini-play niya sa piano. Kahit ilang beses lamang siyang tumingin sa harapan ay kabisado niya na pagpindot ng tama sa bawat keys.

“Ang ganda ng kanyang pagtugtog”

“Musician ba siya? Sobrang gwapo”

“Diba anak siya ng mga Allard?”

“Napaka-talented naman niya”

“Baka siya ang mananalo”

May mga mahihinang bulong mula audience ang aking narinig karamihan ay pagpupuri sa kanya. Pinagpatuloy ko lamang sa panonood. Habang patagal ako sa pagtingin ay parang may nalala ako sa kanyang performance.

“Familiar isn't Jade?” Lucas whispered.

Sandali ko siyang tiningnan na nakatingin rin doon. Pinagkrus ang dalawang kamay habang nanliit ang mga mata.

HIDDEN FILES 3Where stories live. Discover now