CHAPTER 74: BENEATH THE FACADE

36 6 0
                                    

CHAPTER 74: BENEATH THE FACADE

THIRD PERSON'S POV

“Good bye cherié” ngiting sabi ni Bryce.

Ngumiti pabalik sa kanya si Jade at nagpaalam rin bago tuluyan na pumasok sa bagong apartment na pinapasukan. Tiningnan muna ni Bryce 'yung bintana ng kaibigan, napansin niyang umilaw ito ay doon na siya nagsimulang magmaneho paalis.

Kakatapos lamang nila kumain doon sa reasturant at nag-aliw din silang magkaibigan ng pumunta sa mall tapos ay pumunta kahit saan sa syudad. Malapit ng dumilim ang paligid ng napagdesisyon nilang umuwi na.

Pupunta sana siya sa direksyon ng apartment ng biglang tumunog ang cellphone niya. Bumuntong-hininga siya ng marinig na ibang ringtone iyon sabay tiningnan ang caller ID. Hindi niya mapigilan na paikutin ang mata sa nakita.

Sinagot nalang niya ang tawag habang ang mata ay nasa harapan ng kalsada tapos ay pumunta sa kabilang direksyon ng kanyang apartment. Medyo maingay sa kabilang linya kaya't naghintay nalang muna si Bryce na siya ang unang magsalita.

“Bryce” tawag ni Adelle sa kanya. Kumunot ang noo niya ng marinig na parang nababahala sa boses ang kapatid. “Where are you right now?”

“Papauwi na ako sa apartment. Bakit? Ano ang gusto mung pagusapan?” tanong niya.

“Nevermind. Take care Bryce” hindi makapagsalita si Bryce ng agad lamang nito binaba ang tawag na kanyang pinagtaka dahil hindi ganito ang kapatid.

Ilang oras lamang ang lumipas ay nakita niya na ang sarili sa harapan ng isang malaking eskwelahan. Sa ibabaw ng mataas na iron steel gate ay nakaukit ang pangalan nito. Nakita din niya maraming medical outfits na estudyante ang lumalabas at pumapasok doon.

“Redwood Medical Institute” pagbasa niya.

Bumaba na siya sa sasakyan 'tsaka nagtungo sa gate. May dalawang lalaking guard ang nagbantay doon. Pagkakita nila ay agad siyang nakilala ng dalawa dahilan na pareho silang ngumiti.

“Bryce, bibisitahin mo ba ang kapatid mo?” tanong ng guard at tumango siya. “Nakita ko kanina si Adelle na pumunta doon sa cafeteria kasama ang kaibigan niya. Baka nandoon pero tawagan mo muna. Hintay ka lang dito”

“Sige po” pinapasok nila ako dalawa sa gate tapos ay umupo sa isa sa mga bakanteng upuan doon habang tinatawagan si Adelle.

Even we're not that close nor blood related as siblings. She's still my older sister and something feels off about her. Agad ko nang ini-dial ang numero niya na himalang sinagot naman niya.

“Bakit?” mabilis niyang tanong sa akin.

“Nandito ako sa gate. Magusap naman tayo Ate. Halatang may problema ka at gusto kung maging marites para malaman kung ano 'yun” pagdadahilan ko sa kanya.

“Sige” matamlay niyang sagot na parang wala sa kanyang sarili. Akala ko ay sisigawan o mumurahin niya ako katulad ng dati pero wala. “Pupuntahan mo lang ako dito sa cafeteria. Sa second floor...”

Agad akong nagtungo roon sa sinasabi niyang cafeteria. I've already been in this school for a few times and its not quite easy to memorize everything around here since its a huge school. Sa pagkakalala ko ay may tatlong cafeteria dito sa kanilang school. Isa doon ay malapit lamang sa gate para mabilis mahanap.

Pagpasok ko doon ay sumalubong na sa akin ang lamig at ingay mula sa mga med students na karamihan ay stress at tinatawanan ang mga kwento ng isa't isa. I walked towards to upstairs and quickly find my 'older sister'.

She was sitting near the wall while busy reviewing infront of laptop and notes. At the same time eating some sweets along with her favorite iced coffee. Naglakad ako papalapit sa kanya tapos ay umupo sa bakanteng upuan sa tapat niya.

HIDDEN FILES 3Where stories live. Discover now