CHAPTER 79: REMINISCE THE PAST TO PRESENT

39 7 0
                                    

CHAPTER 79: REMINISCE THE PAST TO PRESENT

JADE

Alas dose ng tanghali at dismissal na namin. Nagpaalam ako sa kanila Bryce at Simon na maglunch kasama 'yung ama ko doon sa malapit na reasturant sa school. Dumiretso na ako doon paglabas ng eskwelahan.

Pagdating ko doon ay marami ng tao ngunit mabilis ko siyang nakita. May hawak na wine sa kanyang kanang kamay habang ang kabila ay abala sa harapan ng tablet. Dumiretso na ako papunta sa kanyang direksyon at umupo sa bakanteng upuan sa harapan. Nakuha ko kaagad ang atensyon niya dahil inangat niya ang tingin sa akin.

“Magandang hapon po” sabi ko.

Binaba niya ang hawak na wine at pinatay muna sandali 'yung tablet. Malalim na boses siyang nagtanong. “Ano ang kailangan mo mula sa akin Aria?”

Kahapon ay tinawagan ko si Dad na pumunta muna dito sandali sa Marelibane. May importante akong paguusapan sa kanya at kailangan na makausap ng personal. Bakante ngayon ang schedule niya tapos ay babalik rin siya sa ibang syudad mamayang alas dos ng hapon. Sinabihan din ako ni Kuya Verdelle na ang lahat niyang sinabi sa akin kahapon ay alam na ni Dad o Uncle ba ang tawag ko sa kanya.

“How should I address you?” I questioned.

Walang bahid na emosyon sa mukha ni Asano sa harapan ko. Ngayon ko lang napansin na malalim ang itim sa mga mata niya, marami ng hibla ng puti na buhok at halatang wala rin siyang gana. Matagal na pala na muli ko siyang nakita. Huli namin na pagkikita ay nun umuwi rin siya dito para kausapin ako bago umalis ulit.

“Galit ka ba sa akin?” tanong niya sa akin. “Pero sana malaman mo ginawa ko na magsinungaling para sa security mo. Ayaw ko na maranasan mo ang pinagdaanan ng pinsan ko”

“Hindi po ako galit sa inyo” sagot ko at ngumiti sa kanya. Parang nagiba ang ekspresyon sa mukha niya ng marinig iyon mula sa akin. “Maraming Salamat po na sa loob ng mahabang panahon ay inalagaan at pinoprotektahan ninyo ako. Naintindihan ko naman na kailangan ninyo iyon gawin. Mabuti na rin na malaman ko ang katotohanan”

Lumaki ang ngiti sa labi ni Uncle Asano. Sandali niyang kinagat ang ibabang labi para pigilan ang sarili na umiyak. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

“Gusto mo ba malaman kung bakit ako ang kumuha sa'yo?” biglaan niyang sabi na tinaasan rin ako ng kilay tapos ay tumango ako bilang tugon.

He warmly smiled. “I'm the only one with a clean intention to take care of you. Most of our relatives wants you for money and I know living with them won't result any good for you that's why I went ahead of them to take you in. I think its a far better choice to live with me since I've treated you like Ali would do for you”

“Bakit po kayo iba sa kanila?” nagtataka kung tanong. “Nagtrabaho ka sa gobyerno habang sa nalaman ko ay nagtatrabaho sila na kalaban mo”

“Hindi ako naging katulad nila na magiging kriminal. Huwag nalang natin pinagusapan kung paano ko pinaglaban ang aking kalayaan na ako lamang ang nakagagawa sa aming pamilya. Pero sa totoo lang ay gusto ko magserbisyo sa publiko at magkaroon ng marangal na trabaho kaya't lumayo ako sa kanila. Pinili ko ang magtrabaho sa gobyerno. Matagal din na panahon para makuha ko ang posisyon na'to habang inaalagan kita” paliwanag ni Asano tapos ininum ang kanyang wine.

“Kung hindi niyo pinaglaban ang kalayaan ninyo ay wala sana po ako ngayon dito” komento ko at sumang-ayon siya roon bago binaba ulit ang wine glass. “Salamat po ulit na niligtas ninyo ako mula sa kanila”

“Death wish rin kasi ni Ali iyon” sambit niya.

“Po?”

“Parang alam na din niya na hindi sila magtatagal dahil sa maraming masamang nangyari sa panahon iyon. Sa mga oras na iyon ay agad akong umuwi mula Singapore ng matanggap iyon kasi sigurado ako kung ano ang kasunod na iyon at di ako nagkamali. Nalaman ko na namatay sila Ali at Mervin tapos nakita ka ng mga dating tauhan ng Stygian. Sinugod ka nila sa ospital kaya doon nakuha kita” dagdag niyang kwento ni Uncle Asano sa akin na agad lumungkot ang eskpresyon sa mukha dahil naalala siguro ang nangyari noon.

HIDDEN FILES 3Where stories live. Discover now