CHAPTER 1

17.7K 564 119
                                    

VEBBIANA'S P. O. V

"Ka'y aga-agang kay ganda ko." Bumangon ako sa pagkahiga ko at nag-inat-inat. Papasok na naman ako ngayon sa bago kong school, balita ko ay private daw doon. bawat taon-taon nililipat ako ng school ni tita. minsan pa nga hindi na umaabot ng taon week nalang o kaya days, Mahirap kasing maging maganda.

"VEBBIANAAAA!!!" tawag sakin tita.

"AND'YAN NAA!!!" Malakas na sigaw ko pabalik sakanya. kaasar wala pa naman ako sa mood ngayon para pumasok, aish!. bumaba na ako at dumiretso sa dining table.

"Tita, Saan po sina mama at papa?" Bigla nalang napatahimik si tita.

"Hindi ko alam." agad na sagot nito. Alam kong alam niya ayaw niya lang sabihin sakin. Gusto ko lang naman malaman kong buhay pa ba sila o namatay na dahil sa kagandahan ko.

"Umayos-ayos ka sa bago mong papasukan siguraduhin mong magtitino kana." seryosong sambit ni tita.

"Hindi ko po masisigurado iyan" I whispered. Kumaen nalang ako ng tahimik at bumalik sa kwarto ko.

Napatingin ako sa uniform na binigay sa'akin ni tita. "Totoo ba to? I don't like this kind of uniform" pagrereklamo ko. Sobrang ikli niya, ' wala bang mas mahaba dito?' Hindi ko yan susuotin bahala kayo!

Binuksan ko ang aparador ko at naghanap ng bet kong suotin. "I like this one." Kinuha ko ang black t-shirts at pantalon. Bahala na kong magmukha akong ewan, basta ang mahalaga gusto ko ito at maginhawa sa pakiramdam.

Hindi na ako maliligo wala namang aamo'y sa akiin tsaka subukan nilang magreklamo dadalhin ko sila sa impyerno. Padabug ko nakinuha ang bag ko at bumaba.

"VEBBIANA!! Ano ‘yan?!" Galit na sigaw sa ‘kin ni tita at tinuro ang suot ko.

"Malamang damit" May tinig na pang-aasar na sambit ko.

"Ang aga-aga huwag mo painitin ulo ko!" Dagdag niya pa. hindi ko nalang siya pinansin at lumayas na. Dzuh! sinagot niya ba tanong ko kanina? di ba hindi? so bakit ako makikinig sa kanya? hindi ko siya nanay!.

Kinuha ko ang wallet ko na may laman na bente pesos. "Ano mabibili ko dito? kahit Kailan talaga ang kuripot ni tita." Hawak-hawak ko ang wallet ko habang naglalakad at iniisip kong ano ang pwede kong bilhin dito maliban sa candy.

Habang tumatagal pakiramdam ko ay may nakasunod sa'akin. Napalingon ako sa likod ko, Nagulat ako ng may biglang humablot sa wallet ko.

"Nyetaaa ka!!!! humanda ka sa aking tarantado ka!! arghhh!!!" hinabol ko siya ng hinabol. Nakakapunyeta talaga ang araw ko ngayon. Naabutan ko siyang binubuksan wallet ko.

"bente lang?" rinig kong pagrereklamo niya. "Ang kapal din ng mukha mo, eh no? magnanakaw ka pa talaga sa maling tao pa," Gulat na gulat siyang tumingin sa akin. "Oh? nabigla ka ba dahil sa kagandan ko?" Pagtataray ko. tatakbo pa sana siya ng hablotin ko ang kamay niya. "Saan ka pupunta? tatakas ka pa sakin ah!" Mas lalo ko pang diniinan ang pagkahawak sa kanya.

"ERAÑOOOO!!! TULONG NEED NATIN TULONG NINA PETER!!" Sigaw niya kaya tinampal ko ang bibig niya.

"Nagtawag ka pa talaga ng kasama mong mahiyain!" Sinikmuraan ko siya at sinipa.

"Sa susunod, Know it first kong sino nanakawan mo. Sasusunod na magkita pa tayo, hindi lang ‘yan ang gagawin ko sayo, marks my words." Tinalikuran ko nalang siya at kinuha ang wallet ko. Hindi ko pa man nakukuha ang wallet ko may sumipa na sakin.

"Ako matatakot sa'yo? sino ka ba?!" Galit na sigaw niya sakin.

"Sino ako? ako lang naman ang pinakamaganda sa balat ng lupa." Taas noo kong sagot sa kanya. Tumayo ako pinagpagan ang damit ko. Ngumisi ako at tumakbo para sipain siya sa mukha.

Bumgsak siya sa may puno. "Huwag ako, bro!" Saad ko at pumalakpak. Napatingin ako kay eraño na tulala at parang galit din sa'kin. Gusto ‘ata akong kainin eh. "Tingin-tingin mo d’yan?" Taas kilay kong tanong sa kanya. Nakakumo lang ang mga kamao niya at nakatingin sa'kin. Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa lalaking snatcher.

Tumayo siya at sumigaw ng, "Takbooo naaa!!" Nag evil smile lang ako sa kanila at kinuha ang wallet ko at naglakad papalayo. 'Bakit ba ang malas ng day ko now? Saan ba ‘yong bagong school ko? hindi ko manlang natanong kay tita umalis ako ng walang kaalam-alam.

Habang naglalakad ako may nakita akong lalaking pinagtutulungan ng limang lalaki kaya dali-dali akong tumakdo doon. "HOYY!!" Tawag ko sa mga lalaking mukhang unggoy. Agad naman silang napatingin sa'kin."ano kailangan mo?" Tanong ng isa. Lumapit ako sakanila at pinagsusuntok ko sila.

"Aba, tarantado 'to, ah!" Susuntukin niya sana ako ng bigla akong hilain ng lalaki palayo do:n. "Hoy ano ba? I'm not done yet! hindi ko pa sila napapalipad!" Hindi siya nagsalita at kinaladkad lang ako.

"Salamat sa tulong, miss" Sambit nito at iniwan ako. Grabe ah! ‘yon lang ‘yon?!? Naglakad na rin ako para hanapin kong saan ba school ko. ang tanga ko talaga kahit Kailan!

Pumasok ang lalaki sa isang school. "D’yan kaya siya nag-aaral?" Tanong ko sa isip ko. Bigla nalang nag pop-up yong uniform ko kanina. Yes! this it! my new school! Naglakad ako papunta doon. Papasok na sana ako ng bigla akong harangin ng guard.

"Taga saan ka?" Tanong ni kuyang guard.

"Common sense manong! Taga bahay ako! alangan namang taga ibang planeta ako? mukha ba akong alien?" Pamimilosopo ko.

"Bawal ka dito, no uniform no enter." Sambit nito nakaikinagalit ko. Napatingin ako sa gate ng School. Wow ang laki!!

"International university of phoenix" Ang ganda ng pangalan ng School pero mas maganda ako. Napatingin ulit ako kay manong na nakatingin din sa'kin.

"Kuya, dito po ako nag-aaral" paglalambing ko. "actually po, transferee po ako at walang alam po," dagdag ko pa. Magsasalita pa sana ako ng biglang napayuko siya.

"Good morning, maam!" Bati niya sa'kin. "Good morning-" Napatigil ako sa pagsasalita ng may nagsalita sa likod ko. Unt-unti akong napalingon.

It's a beautiful girl! wow!!

"Ms. Delos Reyes?" tanong nito sa'kin.

"Ah–yes po!" Sagot ko agad. Napakaganda niyang dilag. Ilang taon na kaya to? sarap jowain.

"Sumunod ka sa'kin." Nakangiting sambit nito at naglakad. Sumunod naman ako sa kanya.

Habang naglalakad kami mga estudyanteng nagbubulong-bulungan.

Sarap nilang katayin lahat. Pero kailangan ko ng maging mabait ngayon. "Magbabago na ako! magbabagong buhay!" hindi na ako maghahamon ng away kahit Kailan.

"I'II Promise."





The only girl in section 7 (S1)Where stories live. Discover now