CHAPTER 4

8.8K 415 15
                                    

No.... Ma, pa....... Nagising ako dahil sa panaginip ko. Si mama at papa. Kusa nalang tumulo ang mga luha ko. "saan na ba kayo? Gusto ko kayong makita. Gusto ko kayong mayakap." Bata palang ako hindi ko manlang naranasan alagaan ng Sarili kong mga magulang. Ni hindi ko nakita ang mga mukha nila. Ini-imagine ko nalang na kamukha ko ang nanay ko at half naman sa tatay ko.

Umiyak ako ng umiyak, pagod na ako. Napatigil ako sa pagdadrama ko nung may narinig akong nagsalita.

"Naospital daw si kill" sinilip ko kung sino ang nagsalita at doon ko nakita si blue hair kausap niya si flash ang walang hiyang snatcher. "No one needs yo know this, especially peter." Blue hair said.

Gagii!!! Aakyat sila dito!!!! Saan ako?!??? Saan ako pupunta?!? Halos natataranta na ako kong saan ako pupunta. Kinuha ko ang kawali at tumayo malapit sa hagdanan. 'subukan nilang umakyat dito papaluin ko sila ng kawali.

"Babee!!!" Hindi na naituloy nila ang pag-akyat dito dahil tinawag siya ni clown 1. Na'saan kaya ang reyna nila.

Yayakapin sana ng babae si blue hair, pero tinulak siya nito. "Why are you here? Didn't I tell you to stay away from me?" Pagsusungit ni blue sakanya. "Kong tungkol kay kael ‘to, sorry na." Parang galit na sambit niya. Tinalikuran lang siya ni blue hair. Pagka-alis nila ay dali-dali akong bumaba.

"Ikaw na naman?!? Sinusundan mo ba ako?" Nakangising sambit nito. "Hindi ako siraulo para sundan ka kaya tabi!" Tinulak ko siya at naglakad palayo.

Nakapamewang ako na umakyat sa hagdan. Kahit kailan talaga pahirap to ng hagdan. Pagkadating ko sa room bumungad sakin ang napaka-kalat na room. Bali-bali ang mga upuan, ang mga papel ay nakakalat na sa sahig.

Punyeta bumagyo ba dito?!?

"Ayy sakto and'yan kana!" Hinila ako ni peter at binigay sa'kin ang walis tambo. "Maglinis ka," he said.

"MGA PAREEE LABAS!!!" Sigaw ni eraño. Agad naman silang nagsilabasan at isinirado ang pinto.

"Hindi ka lalabas hangga't hindi ka tapos maglinis d'yan!" Pahabol ni flasher. "GO BABE!! KAYA MO YAN!!!" Sigaw ng isang tukmol. Bukas talaga hindi na ako papasok dito. Inilapag ko lang ang walis tambo at umupo para magmuni-muni.

"HOY BILISAN MO D'YAN SAYANG ANG ORAS!!" Peter shouted. Hindi ko nalang siya pinansin at sinunod nalang ang gusto nila. Nilinis ko ang buong room.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na ako sa paglilinis umupo mo na ako para magpahinga. Pumasok narin sila dito sa loob ng room. Kanya-kanya sila ng mga ginagawa. Habang tahimik akong nakaupo, nabigla ako ng may nagbuhos sa akin ng basura. Napatayo ako at sumigaw ng malakas.

"Bagay sayo ‘yan, mukha kang basurahan."

"Yikes! Ang baho. Umalis kana nga sa room namin"

"No girls allowed here!"

"Bawal mga babae dito! Kaya kong pwede umalis kana!"

Mga sinasabi nila sa'kin.

Kumulo ang dugo ko. Ayaw ko ngayon makipag-away. Tutal gusto ko na din umalis sa room na ‘to, kinuha ko ang bag ko at tumakbo palabas.

"Kakaasar sila!" Kakatakbo ko hindi ko napansin na may lalaking nakaharang sa hagdan.

*Nagkabangga*

"What the hell!!!" He shouted. Napatitig siya sa mga mata ko.

"V-veb?" Takang tanong nito. Agad akong tumayo at tumakbo papuntang library. "Veb, wait!' rinig kong sigaw niya pero hindi ko siya pinansin.

'bakit dito pa kasi?!?? Naghahabol hininga akong pumasok sa library. Papasok na sana ako sa library when I heard someone crying. Hinanap ko kong nasaan ang umiiyak at doon ko nakita ang isang babaeng nakayuko sa dulo ng library.

"Excuse me?" Napatahimik siya at dahan-dahan na tumingin sa'kin. "Why are you crying?" I asked her. Pero hindi niya ako sinagot. umiyak ulit siya at ngayon ay mas malakas na, umupo ako para yakapin siya.

"Kong sino man ‘yang iniiyakan mo, hayaan mo na ‘yon,"

"Pagod na ako eh–pagod na akong mabully, saktan at pagtulungan. People around me, hate me."

"Parehas lang naman tayo" I whispered. "Minsan nga napapaisip ko. Bakit pa ako nabuhay? Para masaktan? Para baliwalaen? HAHAHA nakakapagod na kasi–I want to cry pero ayaw ko, ayaw kong makita nila akong umiiyak at Sabihin nila na ang hina ko." Nakangiti kong sambit at tumingin sakanya. "Kaya kong ano man ‘yang pinagdadaanan mo ngayon, kayanin mo. Pagsubok lang ‘to sa buhay natin" dagdag ko pa.

"Swerte niya dahil wala si christopher ngayon, ginagawa niya gusto niya. Nagrereynahan a school na'to. Sama narin natin ang mga alagad niyang walang ginawa kundi ang sundin siya."

"sino ba tinutukoy mo?"

"Campus Queen, si alora Valerie Esmalde. Higad ‘yong babaeng ‘yon eh, may boyfriend na naghahanap pa ng iba. Ang mas malala hinahabol niya si kill kahit ayaw naman sakanya."

"sino si kill at Christopher?"

"Kill at Christopher iisa lang. Christopher killua"

Killua? Kill? Wait saan ko nga ba narinig ‘yon?

"Alam mo, wala pang nakipag-usap sa'kin maliban sayo." she said calmly. I just smiled at her.

"Anong section ka?" Tanong niya sakin.

"7." I said na ikinagulat niya. "Seryoso ka?!??" Gulat na sigaw niya. "Mukha ba akong nag bibiro?" Pagtatatay ko sakanya. "Hulaan ko, hindi ka tatagal don"

"Paano mo nasabi?"

"You are the only girl na nakapasok sa room nayon. Ang mas malala ay naging kaklase mo pa sila, mas mabuting lumayo-layo kana." Ako lang nakapasok doon? As in? Ako lang?

"Bakit ako ang lalayo? Sila ang lalayo sa‘kin"

"Kung ano man pangalan mo, mag-ingat ka sakanila. Lalo na kay kill. Mahigpit ang lalaking ‘yon"

"bakit ba kasi puro lalaki sila doon?"

"Private." she said.

"Wala na akong balak alamin ‘yon, gusto ko nga lumipat ng room pero bawal na."

"Isa pa pala, layuan mo sina alora at ang mga kasama niya,"

Ngumiti ako at tumingala. "Bulag ka ba?" I asked her. "Nope, malabo lang ang paningin ko." Bigla nalang tumunog ang doorbell kaya napatayo kami pareho. "Breaktime na" she said at tumakbo. "Saan ka pupunta???" I asked her. "Kita nalang tayo mamaya!!" She shouted at kumaway-kaway sa'kin. Realtak, magaan ang loob ko sakanya, I don't know why, hindi naman kasi ako ganto. Hindi ako nagtitiwala sa tao sa paligid ko.










The only girl in section 7 (S1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum