CHAPTER 50

3.6K 226 14
                                    

PETER P.O.V

"Luhhhhhhhhh!!!" Malakas na sigaw ko ng agawin ni myko ang cupcake ko na dapat ibibigay ko kay marites.

Agad ko siyang sinuntok at sinikmuraan.

"Akin ‘yan, eh!!!"

"Damot mo naman!"

"Ibibigay ko kasi ‘yan kay marites, ano ba! Myko!"

"Para namang bata 'to"

"Pake mo ba?"

"Nagmana kana kay veb, ah"

"Tapos?"

"Ma-attitude kana"

"Tapos?"

"Hindi ko ito ibibigay" itinakbo niya ang cupcake kaya kinuha ko ang cellphone niya at ipinakita sakanya.

"Di ba mahal 'to?" Ngisi kung tanong sakanya, at pinaglalaruan ang cellphone.

"Hoy, ibalik mo 'yan!!"

"At bakit ko ibabalik?"

"Peter...."

"Ibalik mo muna ‘yong cupcake"

"Ibigay mo muna sa akin ang cellphone"

"Akin na ‘yong cupcake!"

"Cellphone muna!"

"Ayaw mo talaga?" Nagulat ako ng bigla niyang sinubo ang cupcake at ngumisi sa akin. Walang pag-aalinlangan, tinapon ko sa kung saan ang cellphone niya at tumawa.

"PETERRRRR!!!!" agad akong tumakbo palapit kay Roxanne, hindi ko kasi makita si marites. Gala ng gala, baka mamaya nabuntis na iyon ng encanto dito.

"Ano ba iyan peter, huwag niyo akong idadamay sa kalokohan niyo. Tulungan niyo nalang kaming hanapin si veb." napahinto si myko at bigla nalang nagseryoso ang mukha.

"W-what?"

"Nawawala si veb"

"Baka, kasama lang ni kie or blue" bigla nalanh dumating si blue at kie na pawis na pawis.

"Saan si veb?" Myko asked them.

Wala silang maisagot, ibig sabihin hindi rin nila alam.

Parang ang lungkot ni marites kanina, ngayon ko nalang siya ulit nakita na malungkot. Naghiwalay-hiwalay kami para hanapin siya.

Mahilig umakyat ng puno si marites, baka tumambay lang at hindi makita. Pandak kasi.

Naglakad-lakad ko hanggang sa makarating ako sa puno ng manga, umupo muna ako saglit at nagpahinga.

"Saan na kaya siya?" Halos natataranta na ang lahat, malawak pa naman ‘yong bundok. Mahirap maghanap.

titingala na sana ako ng tinawag ako ni eraño, "do'n daw tayo," aniya at hinila ako.

Ang gwapo nga naman nitong si eraño oh, may pagka shy nga lang. Ang tangkad, maputi at ang ganda ng shape ng ilong. Yong buhok niyang malambot hinahangin. Napapanood ko ito sa Chinese drama. Siguro nanonood rin ito, ginaya ‘yong style ng buhok.

Teka, bakit ko ba iniisip si eraño? Hindi ako bakla!

"Pssstttt" napahinto kaming dalawa sa paglalakad at tumingin sa paligid.

The only girl in section 7 (S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon