CHAPTER 32

4.5K 279 16
                                    

"veb....." Jethro called my name. Agad naman akong napalingon habang nakapamulsa.

"Plano mo ba 'to?" I asked him seriously.

"Sorry..."

"okay lang"

"Galit ka ba?"

"No..."

He hugged me while crying. "Mahal na mahal kita, gusto ko lang magkabati kayo ni tyrone." He said.

"Hinding-hindi na kami magkakabati kahit kailan, he broke me, he broke my heart."

"Veb...."

"Uhm?"

"Huwag kanang maghanap ng iba, ah?" Inialis ko ang pagkayakap niya sa'kin.

"Jethro, realtalk, hindi kita gusto, okay? so please stop chasing me. Rpw iyon, walang katotohanan"

"It's not rpw, it's real."

"Kahit na, ayaw ko nang magmahal pa muli." ayaw kong masaktan ulit ng dahil lang sa lalaking hindi ako pinahalagahan.

"Hindi ako gaya ni tyrone."

"Kahit anong pangungulit mo d'yan, hindi na magbabago isip ko."

"Veb naman! kinuha mo na ‘yong puso ko tapos babawiin mo?"

"Hoy, for your information, kung kinuha ko ‘yang puso mo pa'no ka pa nakakahinga ngayon? tss!"

"No, I mean ninakaw mo ang puso ko."

"Siraulo ka talaga, I'm not magnanakaw"

"Ang slow mo!"

"Ako pa ngayon ‘yong slow? ulol ka ba? bahala ka nga sa buhay mo!" I said and back off.

"Veb!"

"Chat mo nalang ako mamaya, I need to go in school."

"Gabi na, ah?"

"Ano naman? peter waiting for me, kaya I need to go....."

"Hatid na kita."

"Huwag na, ‘yong kaibigan mong hakdog nalang ang samahan mo, baka madisgrasya pa ‘yon, wala ng lalandiin si alora kapag nawala ‘yong hakdog na iyon" I smiled and walk away.

Wala akong masasandala. ngayong araw, lahat sila busy.

"Ingat ka, mamahalin pa kita!" Jethro shouted.

Wala siyang maasahan sa'kin dahil nangako na ako sa sarili ko na 'hindi na ako magmamahal muli'

Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa kalsada, tumayo ako at nag-abang ng masasakyan.

"Daming lamok!" Pagrereklamo at pinag-papatay ang mga lamok.

Gabi na pala, baka wala na akong masakyan paano na'to??

as I stood and was bitten by mosquitoes there was a car parked in front of me.

Unti-unting bumukas ang bintana at bumungad sa'kin ang hari ng mga tarantado na nakalollipop. "Get in" he said, pero inibang direksyon ko ang tingin ko.

"Sakay!" Pang-uulit niya pero hindi ko pa rin siya pinansin.

"Umalis kana di kita kailangan, mag-aantay nalang ako ng jeep dito."

The only girl in section 7 (S1)Where stories live. Discover now