CHAPTER 71

3.2K 192 19
                                    

"ISA, DALAWA, TATLO!!!" sabay-sabay naming sigaw at nagpapaunahang tumalon sa pool.

"Ang dayaaa ni kylee!! Kanina ka pa d'yan eh!"

"Hindi mo lang tanggap na nauna ako sayo."

"Kasi madaya ka! Ahh!! Wala!! Madaya si kyletot! Ulit! Walang dayaan kasi!" halos mapaos na ako kakasigaw. ang daya naman kasi eh!

Bahala kayo d'yan. Hinila ko si rox at lindsay, papunta sa dagat. Sa dagat nalang kami, mas masarap pa kaya sa swimming pool! Ang daya!

"Veb, okay ka lang ba?" bahagyang tanong ni lindsay. Agad naman akong tumango-tango bilang sagot. Nagpaunahan kaming tumakbo papuntang dagat at naglaro-laro sa tubig.

"Naalala ko dati, nung nag swimming kami kasama sina alora. Ang saya namin nun, dito rin kami." Lindsay. Kapag naalala ko si alora, naalala ko ‘yong nagdrama siya sa restaurant.

Simula nun, medyo hindi ko na siya pinapansin. Feel ko kasing naghahanap lang siya ng atensyon.

"how did you meet alora?"

"Uhmm.... Kakaklase ko sila dati, di ba rox? Kaklase ko rin si Roxanne eh"

"Oum, ibang iba na si alora ngayon kaysa noon"

"Paano mo nasabi?"

"Lumala na ang pagiging baliw niya."

"Grabe ka makabaliw kay alora" Lindsay, "pero truth, she is different now." dagdag pa niya. Nagkanya-kanya kami ng direksyon ng tingin.

Ewan ko ba, pero naging akward kami sa isa't-isa.

*Katahimikan*

kailan kaya namin bibisitahin ni tita sina mama at papa sementeryo?

Ahh–kailan ko kaya makikita si kuya?

Gusto kong mabuo na kami......

"VEBBBBB!!!"

"MARITESS!!!"

"ABBIII!!!"

"WAHHH!!! TALON!!"

pagbasag katahimikan ng mga tarantado. Nagpapaunahan silang lumapit sa amin. Agad na inilagay sa akin ni blue ang salbabida. 'ano naman gagawin ko dito?'

"Oh, bakit kayo andito? Mang-gugulo lang naman kayo, eh"

"Boring do'n. Mas masaya dito" jaycer

"Bumalik na nga kayo roon. Epal lang kayo dito! Chu!"

"Grabe makataboy, sa'yo ba 'tong beach?" Eraño

"Kung pag-uuntugin ko kaya kayo ng matauhan kayo?"

"We wett!!" Gian, *sumipol*

"Alam niyo–" hindi ko pa pinatapos ang sasabihin ni jaycer sumingit na ako.

"Hindi pa namin alam." Inirapan niya ako at kay Roxanne humarap.

"Alam niyo, magsaya nalang tayo. Iwanan natin ‘yong isa dito, bagay naman siya sa lugar na katulad nito. Mahangin ta's dagat,"

"Nasa'n ‘yong dagat, tas hangin do'n?"

"Lutang ft. loading"

"Anong konek?"

"Mahangin lutang, dagat loading."

The only girl in section 7 (S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon