CHAPTER 113

2.5K 164 17
                                    

Pagkatapos naming tumambay ng ilang minuto sa tambayan nila ay pupunta raw kami kina blue. Sa isa nilang mansyon.

Piste!! Ang sakit ng puson ko!!! Bakit ngayon pa?

Hindi ko pinapahalata sakanila na sobrang sakit na ng puson ko. Nakakahiya shit! Sana huwag ngayon please. Hindi pa ako handa.......

Sana lang. Sana hindi ako magkaroon ngayon.

Ahhh!!! Gusto ko ng sumigaw sa dahil sa sakit, kumukulo kulo pa nga. Feel ko hindi ako magkakaroon, may lalabas lang. Plus hangin pa. Arghh!! Ugh! Masakit!!!

Sakto namang nakakita ako ng white flower, kinuha ko a binuksan bago naglagay sa t'yan ko. Grabeee ahh!! Halos gusto ko ng umiyak dahil sa sakit.

"Are you okay?"

"Oum....." Always naman akong okay eh.

"If need mo ng napkin, andito lang kami. Bibilhan ka namin." Flash

"Masama kulo ng t'yan ko. May malapit bang cr dito?" Huminto ang hari sa isang 'women and men' sato may cr tapos walang pila!

Agad akong bumaba at tumakbo papuntang loob ng ladies room. Ladies cr BWAHHAHAHAH sobrang sakit!!! Ayaw ko na!! Halos hindi na ako makatayo dahil sa sakit. Parang gusto ko nalang maging ibos. Para na akong uod dito. Hindi rin ako natatae. Feeling ko talaga magkakaroon ako now!! Ahh!! Huwag naman po please!!

Napahiga nalang dahil sa sobrang sakit, halos hindi na ako makatayo. First time ko lang naranasan 'yong gantong sakit. Halos nanayo na rin balahibo ko dahil sa sakit ng t'yan.

May nakain ba akong masama? Ramdam ko na lumalaki ang t'yan ko at halos hindi na ako makahinga.

"Abbiii!!!" hindi ko na makita kung sino ang sumigaw dahil everything went black.

*****

"Doc, what happened to her?"

"Ano mga naramdaman niya mga nakaraang araw?"

"Wala naman doc, bukod sa kain ng kain"

Sino ang kausap ng doctor? Nasa hospital ba ako? Hindi ko maimulat ang aking mga mata.

What's happening on me?

"We need to test her pregnancy test."

Nakarinig ako ng pagsarado ng pinto. Gusto kong imulat ang aking mga mata pero bakit ganun? Ayaw! Ang arte ah!

Mata kalang ako may-ari ng katawan na 'to, kaya huwag kang ano d'yan!

Pinilit kung imulat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang liwanag ng ilaw. Napatakip nalang ako gamit ang aking kamay, kinusot kusot ko ang mata ko.

"She's awake!" Flash.

"Marites, okay ka na ba?"

"Ate, musta?"

"Abbi!!"

"Hm..... she need a rest" singit ng hari.

Ano ba nangyari kanina?

T-teka.... Nasusuka ako!!!

"P-pahingi plas-urgh!"

"Ano?" gynner.

"Bakit ka nagduduwal?" Kyle.

"NASUSUKA AKO!!!" nataranta silang lahat. At nagkanya kanya hanap ng lagayan na pwede kung sukahan.

The only girl in section 7 (S1)Where stories live. Discover now