CHAPTER 69

3.2K 207 48
                                    

tahimik akong nakahiga sa buhangin habang pinapanood ang paglubog ng araw. Grabe ang ganda niya tignan, pero mas maganda ako.

Sinuot ko ang sunglasses ko at hinawakan ang tubig, nagf-feeling mayaman.

this is what I want Peace of min–

"Maritesssss!!" nakangising lumapit sa akin si peter at humarang sa pinapanood ko.

"There you are! Leave!"

"Wow, napapa english ka na ngayon? That's Amazing!!" Inirapan ko nalang siya, at akmang tatayo ng hinila niya paa ko papunta sa dagat.

No–ayaw ko pang mabasa!

Sinipa-sipa ko siya pero huli na ang lahat. Hinagis niya ako papunta sa tubig at humalakhak.

Ahh ganun?

Habang tawa siya ng tawa, hinila ko rin ang paa niya papunta sa tubig. "Ayaw ko pang mabasa!"

"Ba't ako? Dapat lang sayo ‘yan"

Ngumisi kami sa isa't-isa at naglaro ng tubig.

"Marunong ka ba magswimming?"

"Hindi"

"Ay ang laki–este hindi ka pala lumaki"

"Inaasar mo ba ako?"

"Medyo–hindi"

"How dear you!"

"Ano ulit?"

"How dear you!"

Tumawa siya ng tumawa sa walang dahilan, "how dare you, kasi...... Ano ‘yon, Hi dear!"

"Punyeta ka talaga e, noh? Wala ka nang magawa sa buhay mo, kundi ang inisin ako!"

"Happy pill."

"Lumayas ka sa harap ko"

"Tampo yarn?"

"Bakla ka ba?"

"Hindi, sa gwapo kong ‘to magiging bakla lang ako?"

tinakilid ko ang ulo ko at tinignan siya sa kanan at kaliwa, simula ulo hanggang paa. "Saan banda?" taas kilay kung tanong sakanya.

Naglakad ako papunta sa pinakailalim. "Malunod ka d'yan!"

"Okay lang malunod sa tubig, huwag lang sa pagmamahal niyang made in china!" Balik sigaw ko.

Huminga ako ng malalim bago lumubog sa tubig. binuksan ko ang mga mata ko at tinignan ang buong paligid. Pumunta pa ako sa pinakailalim para happy.

Wala akong makita kundi ang asul na tubig, "nasa'n kaya ang mga isda?" natakot siguro sila sa kagandahan ko kaya di nagpapakita.

I need oxygen!!!

nagulat ako ng biglang may humawak sa paa ko, kaya agad akong napalingon ako at sinipa sa mukha si peter. nakita ko siyang nakangisi sa akin habang may dalang ITAK! Nyawa, a-anong gagawin niya? Papatayin niya ba ako?!?

Lumayo-layo ako sakanya. Tila, nagtataka ito. halos hindi na ako makahinga. Hanggang sa....... "MARITES!! TEMANG KA BA? Nagfe-feeling sirena yarn?" doon ko lang nalaman na ang babaw lang pala ng tubig. Halos hanggang tuhod ko lang.

Gagi ka veb, kakahiya ka!

Umayy!!

Yikes!

Akala ko need ko na ng kiss ni blue, ‘di pala.

The only girl in section 7 (S1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora