CHAPTER 8

7.9K 375 32
                                    

"PETERRR PA'NO TOO!! TARANTADO KA INIWAN MO KO HUHUHUU!!." Halos mapapaos na ako kakasigaw. Naglalaro kami ng Minecraft ngayon, this is my first time na maglaro nito kaya hindi ako marunong. Hinahabol ako ng zombie tapos wala pa akong gamit. Nakakapunyeta, iniwan ako ni peter mag-isa sa cave huhuhuhu.

"PETERRR BALIKAN MOKOOO!!!" Sigaw sa loob ng room. Wala namang nagtuturo sa'min kaya lahat ng gusto kong gawin magagawa ko. Nagulat ako ng biglang tumabi sakin si kie at lorence. Pinapanood nila akong maglaro. Gagi nakakahiya hindi ako marunong. "Peter...." Tinulak-tulak ko si peter pero wala pa rin siyang pakealam at focus sa ginagawa niya.

"Ayaw ko na!!" Tumayo ako at inilapag ang cellphone ko. Lumapit ako kina flasher na ngayon ay naglalaro ng bingo. "Sa letrang B!!! BETLOG!!" Sigaw ni myko sabay tawanan sila. Napatingin ako kay victor at jaycer na may inaayos na gamit kaya lumapit ako doon para makisali. "Ano ‘yan?" Tanong ko sakanila.

"Kailangan natin mag-ayos dito, hindi na tayo pupunta ng cafeteria para walang away sabi ni kie. Kaya naman magluluto tayo ng sarili nating pagkain." Sabi ni victor habang kinukuha ang rice cooker.
"Ano maitutulong ko?" Tanong ko sakanila. "Umupo ka nalang don, pagulo kalang dito." Jaycer said. "Masakit ah!" Padabog ako na lumapit kay kyle na madaming kinokopyang papel. "Ano ‘yan?" I asked at umupo sa tabi niya. "Mga assignment natin." Sabi niya na ikinataka ko. "Akala ko wala tayo g teachers? Sabi kasi ni peter wala daw nagtuturo dito."

"Yes that's true, pero binibigyan tayo ng assignment dapat mapasa natin mamaya bago mag-uwian" pagpapaliwanag niya habang nakaconcentrate sa pagsusulat. "Eh, bakit ang dami niyan?"

"Ako nagsasagot lahat ng assignment sa section na'to, kasama narin yong sayo"

"Tulungan na kita"

"Buti pa nga" ipinaliwanag niya kong anong gagawin ko. Kinuha ko ang isang notebook na nakapatong sa lamesa at sinimulang kopyahin ang ibinigay na notes akin ni kyle. Halos isang oras na kaming nagsusulat dito wala manlang tumulong sa'min kahit isa. Buti kinaya ni kyle ‘to kahit siya lang mag-isa sa dami-dami nila.

Huminto mo na ako sa pagsusulat at nag-unat-unat. "Tired?" Tanong sa'kin  ni blue hair habang nakapamulsa. 'ikaw kaya magsulat ng isang oras tignan natin kong hindi ka mapagod." Pagmamaldita ko sakanya pero ngumiti lang siya at tumabi sa'kin. Tinulak naman ni kie si kyle at kinuha ang notebook at ballpen sabay nagsulat. Ganun din ang ginawa ni blue hair. Napanganga nalang si kyle sakanila.

"Kie, bibili lang kami ng kailangan natin!" Sigaw ni jaycer. "Ingat kayo" ang tanging sinabi ni kie at nagsulat ulit. "Flash, ken, mat samahan niyo sila." Pahabol ni kie. "Huwag na kaya na namin!" Sambit ni victor. "Huwag na kayong makulit, alam niyo naman...." Sabi naman ni blue hair.

Kinuha ko ang cellphone ko dahil may naramdaman akong tumatawag.

Si tita....

Ta?

V-veb....

Anong nangyari sayo? May masama bang nangyari d’yan?

Wala, umuwi ka nalang ng umaga. I have something to tell you, okay ba?

The only girl in section 7 (S1)Where stories live. Discover now