CHAPTER 77

3K 208 13
                                    

Katulad ng inaasahan ko, tinali nila ako sa upuan at nilagyan ng tape ang bibig ko. Nagluto si victor and gian, nag-order naman ng pagkain ang hari si flash. Sina peter, myko, gynner and Kyle ay nag mml. Si blue andito sa tabi ko, sabay kaming nakikinig sa music.

"Let me be your temporary happiness while you're waiting for your right person." napatitig ako sa mga mata ni blue. Ano ang ibig niyang sabihin? Kinuha niya ang pagkakatali sa akin at tinanggal ang tape sa bibig ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming dalawang tumango. Habang busy ang iba at dahan-dahan kaming tumakas sa room, pero sa hindi inaasahang panahon nausog ko ang lamesa at bOOM!

"Saan kayo pupunta?" nakangising sabi ni peter habang may hawak na stick at pinapalo-palo sa palad niya

"Uhmm...... Gagala lang sa labas, mamaya pa naman umpisa, eh" pagrarason ko, "Aratt!!" Aniya ni gynner at nauna ng lumabas sa amin. inlalayan akong tumayo ni blue. Ano ba 'yan! Sayang! My moment na sana kaming dalawa punyeta naman eh!

lumapit sa amin ang hari, nasa pagitan nila akong dalawa. Ewan ko ba sa dalawang 'to, akala ko galit sa isa't-isa. Ngingiti-ngiti lang naman pala. Hys....

Para silang guard ko. Pagkalabas palang namin ng room ay tinitignan na kami ng estudyante, syempre hindi mawawala ang mga chismosa.

Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?

Pagkarating namin sa guard house, ay agad kaming pinalabas ng guard hindi katulad sa dati kung school, ayaw ako palabasin cutting daw ako, tapos, pinaguidance pa! Ang kapal ni kuya! Hanggang ngayon 'di ko pa rin nakakalimutan ang face niya.

Napag-usap usapan namin na maglakad-lakad nalang. Mga babae na nadadaanan namin, panay ang tili feeling nakakita ng gwapo eh mga mukhang unggoy lang 'tong mga kasama ko, kung p'wede nga itapon ko sila palabas ng earth, ginawa ko na dati pa.

Andito kami sa kalye ngayon, naglalakad. Madaming mga bata na naglalaro at nakikipagharutan.

"Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan~" pagkanta ni peter.

talaga lang huh?

"G-guys......" napatingin ako sa asong kaharap namin ngayon. Unti-unting lumalabas ang ngipin niya at tumutulo na ang laway.

"Walang tatakbo" aniya ko at lumingon, pero pagtingin ko sa likod ko, wala na sila!! Nakita ko silang lahat na kanya-kanyang tumakbo!

Mga punyeta!! Sama-sama daw at walang mag-iiwanan. Tapos, what is this?

"AHHHHHH!!!!" malakas na sigaw ko at tumakbo papunta sa direksyon ng hari. Jusmeyo!!!!

"Stay away from me!" Pagtataboy sa akin ng hari. Grabe siya ah! Grabe siya makataboy! Mas lalo pa akong lumapit sakanya at pumunta sa likod niya. Pero bigla nalang itong pumunta rin sa likod ko at ginawa akong shield!

"Lalaki ka di ba?" tanong ko pero wala akong narinig na sagot mula sakanya. Nakafocus lang siya sa aso habang ginagawa akong shield.

naalala ko, ayaw niya nga mga pala sa aso.

Susugurin na ako ng aso! Kaya wala akong choice kundi ang yumakap at magpabuhat sa hari.

Nagulat ako ng bigla akong bitawan ng hari at tumakbo palayo!

Punyemas talaga huhuhuhu!!

Tinignan ko ng masama ang aso, "kagatin mo nga ako," sambit ko at nag rawr sakanya. Susugurin na sana niya ako when someone help me. Itinaboy niya ang aso palayo sa akin.

The only girl in section 7 (S1)Where stories live. Discover now