Andito lang ako sa pinakasulok ng room tahimik na nakaupo, dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari.
"Aking sinta....." napalingon ako kay flash na papalapit sa akin habang may dalang papel at ballpen.
Iniabot niya sa akin ang papel a ballpen habang nakangiti, "Pa-signature." saad niya, kinuha ko nalang at pinirmahan ng hindi binabasa. Wala ako sa mood ngayon. Hindi pa rin ako makamove on!
Agad kung binalik sakanya ang papel at ballpen at yumuko. Ramdam kung tumabi sa akin si flash at inakbayan ako, "anong lasa ng mga halik ni kie?" tanong niya kaya natauhan ako.
"Sira!" Agad akong tumayo at lumabas ng room. nakasalubong ko si ysabella habang nagmamadaling tumatakbo papalapit sa akin at hinila ako papuntang cr ng boys.
"Veb!!! Bukas na birthday ni alora, baka naman...... Please?" Pagmamakaawa nito sa akin.
Ngumiti lang ako sakanya at tumango-tango. Niyakap niya akong mahigpit bago umalis.
HAHAHAHAHAHA ganyan naman talaga sila pagdating sa akin, lalapit lang kapag may kailangan.
Umakyat ako ng rooftop at naabutan ko si blue na nakaupo habang naggui-guitara. Naglakad ako papalapit sakanya at umupo sa tabi niya.
He just smiled at me, habang nakatulala at nagui-guitara.
Nagsimula na siyang maguitara, habang ako ay nakisabay lang sa kalungkutan niya. Hindi ko alam, kung malungkot ba siya o ewan. Yong paguitara niya kasi ang lungkot.
San darating ang mga salita
Na nanggagaling sa aming dalawaNapatingin siya sa akin habang kumikinang ang mga mata.
Kung lumisan ka, wag naman sana
Ika'y kumapit na, nang di makawalaAking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling moHindi ko alam pero, parang pakiramdam ko ngayon ay broken ako. Masaya naman nangyari sa akin kanina—hindi pala!
Wag mag-alala kung nahihirapan ka
Halika na, sumama ka
Pagmasdan mga tala
OoohhKusa nalang gumalaw ang bibig ko para makisabay sakanya kahit hindi ko alam ang kanta.
Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling moHinayaan ko siyang kumanta. Tumayo ako at pumatong sa upuan para damdamin ang simo'y ng hangin.
Bawat pagkanta niya ay feeling ko lumalakas ako.
He is my happiness but not my medicines.
Limutin na ang mundo
Nang magkasama tayo
Sunod sa bawat galaw
Hindi na maliligaw
Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundoKung andito lang sana sina mama at papa ngayon, ano kaya ginagawa ko?
Kung kasama ko si kuya, naging kami kaya ni tyrone?
Kung walang nangyari aksidente, masaya kami ngayon?
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling moKusa nalang tumulo ang mga luha ko ng hindi ko namamalayan. Umupo nalang ulit ako sa tabi ni blue nakinig sakanyang pagkanta.
Limutin na ang mundo
Nang magkasama tayo
Sunod sa bawat galaw
Hindi na maliligaw
Mundo'y magiging ikaw
YOU ARE READING
The only girl in section 7 (S1)
Teen FictionVebbiana, Ang babaeng walang hinangad kundi ang malaman ang totoo at mamuhay ng maayos at payapa. The girl that hate people around her. Dahil sa sobrang pasaway at basagulera ay hindi siya tumatagal sa pinapasukan niyang Pa-aralan. Talentado siyang...