CHAPTER 96

2.8K 170 7
                                    

VEBBIANA'S P. O .V

We are here in the beach. Yes! Nasa beach kami!!!!! Kanina nasa hospital ngayon nasa Beach. Mag o-overnight daw kami dito para FRESH ang aming mga MIND.

Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi ni lola hilda na, 'ngayon na'

Anong meaning nun?

Umupo ako sa tabi ni jethro, sa may buhangin.

"Hoyy panget! Ang tahimik mo ‘ata?" Pambasag katahimikan ko sakanya. Kanina pa siya tulala. Ano Iniisip kaya nito?

"Veb, what if bigla akong nawala?"

"Saan ka pupunta? Mag a-abroad? Go!"

"No.... Hindi."

"Eh ano?"

"What if bigla akong mamatay?"

"What if lang naman"

"Alisin natin ‘yong what if–"

"Tungek ka ba? Umayos ka nga!"

Huminga siya ng malalim bago tumingin kina tyrone. "Sana.... Before akong mawala, magkaayos na kaming lahat"

"What do you mean?"

"Pupunta ako ng japan"

Binatukan ko siya.

"Japan lang pala eh!"

"Do'n na ako mag-aaral"

"Edi good! Baka mahawa ka pa sa mga kagaguhan nila"

"They are my bestfriends"

"Real friends?" tumango-tango siya bilang sagot. Mukhang malalim talaga ang iniisip niya.

"MARITESSS ARATT LIGOOO!!!" sigaw ni peter sabay tampisaw sa tubig. Nagpaalam muna ako kay jethro at pumunta kay peter.

"Tahimik ‘ata ni jethro?" Myko asked. "Ewan, ang lalim ng inisip eh. Mas malalim pa sa bangin"

"Ligo nalang tayo! Uwu!!" Naglaro kaming apat sa dagat. Si peter, myko, gynner at ako. Sayang lang at wala si kyletot. May sariling mundo.

Hindi talaga ako mapakali........ Mukha may ibang ibig sabihin ang sinabi ni jethro kanina.

"May sakit yata si jethro eh" peter. "Paano mo nasabi?"

"Dinala ko siya sa hospital nakaraan. Nung ando'n ka kina tyrone...... Sakanya ko din nalaman na andon ka"

"B-bakit? Bakit siya na-ospital?"

"Nagsuka siya ng dugo"

"ANO?!?" napatakip nalang ako ng bibig. May sakit ba siya? Alam ba ni tita ‘to? Ang tahimik niya kasi, ayaw niyang ishare ang problema niya sa iba. Tapos ngayon, tumawa tawa na siya mag isa. Baliw na siya.

Jethro......

Nagulat nalang ako ng pinagtutulungan na pala nila akong basain.

"Hoyyyy may isdaaa!!!! ISDAAA!!!" malakas na sigaw ni kyle. Agad kaming tumakbo palapit sakanya. "HULIHIN NIYO DALIII!!!!! LUTUIN NATIN!!!" Tuwang tuwa na sigaw ko.

"SHHHHH huwag kayong maingay para mahuli natin" gynner.

"MERON PA!" sigaw ni peter sabay turo sa isa pang isda. Binatukan namin siya. "Sabing huwag maingay! Nakaalis tuloy!"

The only girl in section 7 (S1)Where stories live. Discover now