CHAPTER 110

2.8K 155 4
                                    

Nasa mall kami ngayon nina eshang, mamimili daw sila. Kasama ko si tylia na nagce-cellphone habang naglalakad ng biglang may nakabangga siyang lalaki na nakasumbrero at nakafacemask.

Sandaling napatulala si tylia, yumuko naman ang lalaki at mabilis na umalis. Lumapit ako kay tylia at pinulot ang cp niya.

"Hoy!"

"S-si-ang gwapo niya talaga!" biglang tili niya. Nakalimutan niya bang nasa mall kami?

Sino na naman kaya iyon? Hyss... Tylia talaga madaming crush. Hindi naging loyal sa isa katulad ko.

"Impossible." She whispered kaya kumunot ang noo ko.

"Eshang, kita mo ba 'yon?" tanong ni tylia kay eshang. Tumango-tango naman si eshang na parang nabigla din.

Ano ba kasi? Anong meron?

"Let's go na nga!" Pangyaya ni tylia sabay hawak sa braso ako at sa braso ni eshang.

Akala ko ay mamimili kami pero dumiretso kami sa mang inasal. Naalala ko na naman tuloy nung kumaen ako dito kasama ang mga tarantado. Tss.

Si eshang na daw ang mag-oorder. Naghanap naman kami ng pwesto ni tylia, hindi naman kami natagalan sa paghahanap dahil may mga kalalakihang nag offer sa amin ng mau-upuan.

Uupo na sana ako ng tumayo ang isang lalaki sa harap ko.

"Ms-" magsasalita pa sana ang lalaki pero humarang si tylia sa gitna naming dalawa.

"She's taken." Agad na ani ni tylia sabay hawak sa kamay ko at inalalayan akong umupo.

"Can I have you-"

"Hindi pwede." biglang singit ni eshang sabay tingin simula ulo hanggang paa ng lalaki.

"Tss. She's taken." taas kilay na ani ni eshang sabay upo sa harap ko.

Hindi pa rin umaalis ang mga kalalakihan sa harapan ko,

Nambwibwisit lang ganun?

Napabuntong hininga nalang siya at tumingin sa akin ng marahan, "I just want to know your name." Sambit niya na parang nagmamakaawa.

Tumayo ako at ngumiti. "I'm Ve-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nung makita ko ang mga tarantado na nasa likod ng lalaking kausap ko ngayon. Ang kasamahan naman ng lalaki hawak hawak nang ibang mga tarantado. Nakatakip na ang mga bibig nito.

"Hm?"

"Ah-eh.... uhm.... I'm Vebbiana Abbiana Monique Delos-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sumingit ang hari, "Reyes SIERVO!" aniya sabay akbay sa akin.

Tss.

Laging epal.

Kulang sa pansin.

"I'm her boyfriend and you are?" Proud na proud na sambit nito kaya binatukan ko siya.

I was so shocked when he kissed my nose. Pati ang lalaki ay nagulat din.

"Oh-I'm so-sorry mister. I thought she's single."

"Sinabihan ka na namin kanina na taken siya, ang kulit mo rin eh noh?" Singit ni eshang.

"She is my girl and I'm her boy. *Ngumiti ng palihim* actually, *kumagat sa labi* kasal na namin bukas." Pinisil ko ang braso niya at pangiti-ngiti na tumingin sa lalaki.

"Right, babe?" Yuckk!! Kadiri!!

"A-ah-yeah!" Labag sa atay na sagot ko.

Yumuko ang lalaki, "I'm so-sorry again, and congratulations take care of her. I like her so please don't hurt her." Sambit niya at tumalikod.

He was shocked when he see his friends. "Pakawalan niyo na." Sambit ko at umupo.

Nagpaalam sila sa amin at muling humingi ng tawad ang lalaki bago umalis.

"Ano 'yon, love at first sight? Lakas ng appeal mo mars!" Ani ni eshang sabay hampas sa braso ko.

"Bakit pala kayo andito saan si bl-" napayuko nalang ako.

"Di ba marites, nagtext ako sa'yo sabi ko punta ka ng park! Bibisita tayo kay Lorence." Bulyaw ni peter.

"Ohh... I'm so sorry. I forgot." hindi ko naman talaga nakalimutan. Ayaw ko lang magpakita. Baka saksakin ang ng pamilya niya. Alam kong hate nila ako, kasi ako ang dahilan kung bakit nawala si blue.

"Dapat happy happy lang tayo mga pare!" Singit ni eshang.

"O-order nalang kayo ng meal niyo." Nakayukong sambit ni tylia.

Umalis si tylia sa tabi ko at lumipat sa tabi ni eshang. Katabi ko ang hari tapos sumingit si flash kaya tatlo kami. Katabi naman ni eshang si tylia tapos katabi ni tylia si peter. Ang iba ay nasa likuran namin, ang iba naman ay nasa gilid lang namin.

Dumating na 'yong inorder namin kasabay ng inorder nila.

Nagumpisa na akong kumaen ng tahimik.

Napansin ko si eshang na parang nawawala na ang kulit. Maybe mabait siya ngayon kasi andito crush niya.

"Saan pala si Ezekiel?" Pambasag katahimikan ko. "Busy daw." Sagot ni eshang.

"Tss. Kasama lang nun sina Alexander." Singit naman ni peter pero halatang halata sa mukha niya ang asar.

Magkaaway ba silang dalawa? Or di lang talaga silang close magkapatid?

Or ampon lang si peter? Charr!! Magkahawig kaya sila, magkaiba lang ng attitude. Para na nga silang kambal eh.

Napabaling ang tingin ko sa labas ng mang inasal. Kanina ko pa talaga napapansin, ang lalaking nakaitim na sumbrero habang nagc-cellphone. Kung kanina naka itim lahat ang suot ng lalaki, ngayon naman nakaputi. Sumbrero lang ang itim.

Parang kanina pa siya patingin-tingin sa akin. Medyo hawig nga niya 'yong driver ng tricycle eh. Si cle-sino ba 'yon? Hay naku veb!

Hinarang ng hari ang mukha niya sa harap ko. "What are you looking at?"

"Wala. Kumaen kana nga! Ang panget mo."

Sa bawat minuto at tumingin tingin ako sa lalaki. Impossible kayang siya 'yon? At bakit niya ako sinusundan? Oo nga pala! May utang akong 30 pesos! Kuripot naman nun! 30 pesos lang eh.

"Pssttt" tawag ko sa hari sabay akbay sakanya, "pahiram 30."

"For what?"

"Bilis na! 30 lang naman eh" kinuha niya ang wallet niya at binigyan ako ng 100 pesos. I just smiled at him at tumayo, hindi pa man ako nakakaalis hinawakan niya ang kamay ko. "Where are you going?"

"Basta. D'yan ka lang." Umalis na ako at pumunta sa direksyon ng lalaki. Nang malapit na ako sakanya bigla siyang tumayo at umalis.

Anong nangyari do'n? Babayaran ko na nga eh. Sus. Arte pa.

Itinago ko nalang ang one hundred pesos sa bulsa ko at bumalik sa loob ng mang inasal. Ibibili ko 'to mamaya ng fries, cheese stick at shake para tipid.

Lahat sila napatingin sa akin parang nag-aantay na may sabihin ako. "Oh? Tingin tingin niyo d'yan? Kumaen nalang kayo." Masaya akong umupo at inubos na ang nasa pinggan ko, magpapadagdag pa ako ng rice.

The only girl in section 7 (S1)Where stories live. Discover now