CHAPTER 111

2.6K 159 8
                                    

Pagkatapos namin kumain sa mang-inasal ay naghiwalay hiwalay kami. Ang mga tarantado ay pumunta kina blue, sa araw ng libing niya ako pupunta. O kaya naman mamayang gabi.

Dumiretso kaming tatlo nina tylia, eshang at ako sa street foods. Since, kakatapos lang namin kumain, kakain ulit kami. Cu'z why not? Masarap ang kumain. I love foods.

Habang naglalakad kami ay madami akong nakikitang nagtitinda ng balloons at mga ihaw ihaw. Naghanap kami ng fishbulan.

Hindi lang kalayuan sa amin ay napansin ko si Lindsay na may kasamang dalawang lalaki, tumakbo kaming tatlo papunta sakanya.

"Ohh veb!!" Nagyakapan kami ni Lindsay. Napatingin ako kay kuya na tinaasan ako ng kilay. Napayuko nalang ako at tumingin kay clev–?

"Hoy ikaw! Aba't nagpalit ka pa talaga ng damit ah?"

"Pinagsasabi mong pandak ka?"

"Nagmamaang-maangan ka pa d’yan. Nakita kita sa mall kanina nakasumbrero tapos nakaputi ng damit at short. Pati nga suot mong sapatos puti.

"Kulang nalang magpakulay ka ng puti, tapos palitan mo ‘yong sumbrero mo ng kulay puti. Mukha kanang anghel na demonyo."

Inilapat niya ang palad niya sa noo ko.

"Wala ka namang lagnat, baka tulog ka pa?"

"Kutusan kaya kita d’yan?"

"Hindi ako pumunta ng mall," pagsisinungaling niya.

Sige lang.

"Anong hindi?!"

"Hoy ‘yong 30 pesos mo!"

"Magbabayad na nga dapat ako kanina sa‘yo kaso bigla kang umalis!"

"Ngayon lang tayo nagkita uy!"

"Anong ngayon? Nagkita tayo sa tricycle tapos nakita kita sa mall tapos nagkita tayo ngayon, bulag ka ba?"

Napakamot ulo siya. "Ang kulit mo talagang pandak ka e noh?"

"Ikaw ‘yong makulit."

"Actually veb, it's true. Kasama namin siya, di ba babe?" tanong ni wan kay kuya. Tumango-tango naman ang unggoy.

"H-h-huh? S-so..... sino ‘yong nakita ko?"

"May gusto ka sa akin noh?" Natampal ko nalang ang sarili kong noo sa sinabi niya. "Never. Dzuh!" I rolled my eyes. Talagang hindi ako magkakagusto sakanya! Ano siya diamond?!

"Kung hindi ikaw ‘yon e sino?......."

"Kulang lang ‘yan sa tulog. Puyat kasi ng puyat wala namang kachat."

"Che! Shut up!"

Pero sino ‘yon? Akala ko siya ‘yon? Hindi kaya namamalikmata lang ako?

"30 pesos ko?" Iniabot niya sa akin ang kanyang palad habang nakataas ang kanang kilay. Akala mo naman hindi babayaran eh.

Kinuha ko ang isang daan sa bulsa ko, "oh ayan! Isang libo! Isaksak mo sa baga mo!" Kinuha niya sa akin ang isang daan at inilagay sa bulsa niya.

Tinaasan ko siya ng kilay, "saan sukli ko? Aba! hindi ako makakalimutan uy!"

"Saglit, huwag kang atat!"

"Bakit masama ba? Akin na seven hundred ko! One thousand binigay ko sa‘yo." tinarayan ko siya sabay abot ng kanang palad ko. "Ano na?"

"Oh ito isaksak mo sa baga mo!" Aba gaya gaya! binigay niya sa akin ang isang five hundred at dalawang isang daan. HSHHSHSHSHS nakaburaot ako do'n ah! Buti hindi niya napansin na isang daan lang binigay ko dapat 70 pesos lang ibibigay niya sa akin bilang sukli.

The only girl in section 7 (S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon