CHAPTER 53

3.5K 206 15
                                    

"Thanks god! Nakauwi na rin ako!!!" tumalon ako sa kama ko at inopen ang cellphone.

Oh? May bagong gc?

Lorence created the group

Ahh gc naming section 7.

Nakatanggap ako ng message kaya inopen ko ito.

From: unknown number

Wife this is lorence, are you okay? P’wedeng pumunta ako d'yan?

Owwss si blue pala ito. Inadd to contact ko siya at pinalitan ng name.

Blue the Prinsepe with heart emoji

Agad akong nagreply sa text niya, tutal wala naman si tita dito kaya pwede siyang pumunta.

Reply;

Sigee!

From: tarantadong epal!

Hey yam!

Teka nga! Yam? ‘yong hari lang ang tumatawag sa akin ng ganun..... hindi kaya itong tarantado'ng epal na ‘to—ay siya??? gosh! So, siya ‘yong nagt-text sa akin nung kasama ko si jethro? Pero paano nila nakuha ang number ko?

Hindi kaya–si peter! Bwisit na bata iyon! Lagi siyang naglalaro sa cellphone ko! Kaya siya! Aytss!!

Nagmadali akong bumangon dahil may nagdoorbell, baka si blue na.

Agad akong tumakbo pababa at binuksan ang gate, pero nagulat nalang ako ng isang babaeng maputi at halos kasing edad lang ni tita dhei ang kaharap ko ngayon.

"Andito ba si addheian?" tanong nito kaya napataas ang kilay ko. Napatingin ako sa kotseng nakaparada sa tapat lang ng kinatatayuan niya.

How did she know tita dhei name? Kaibigan niya ba ito?

"Are you veb?" tanong niya, tumango-tango lang ako habang nakatingin pa rin sa kotse. May isa kasing lalaking palabas ng kotse at familiar siya sa akin.

"Anak!" tawag ng babaeng kaharap ko sa lalaking naka sun glasses at naka itim na damit.

Nakayuko lang ito habang papalapit sa amin.

"Oh?" gulat niyang turo sa akin na ikinataka ko. Mabilis niyang tinanggal ang sun glasses niya, doon kulang napagtanto na si jethro pala ito.

Teka–paano sila napadpad dito?

"Ma, siya ang sinasabi ko sa'yong babaeng nagpapatibok ng puso ko, ang babaeng ayaw sa akin dahil ang gwapo ko daw!" Tuwang-tuwa niyang sabi sa mama niya, pero nagulat nalang ako ng batukan siya nito

"Tanga! Pinsan mo ‘yan!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng mama niya.

Pinsan?!? Magsasabi pa sana ako ng savage per–owemjii! Pinsan ko ‘yan?!??

"The hell?!?" gulat na sigaw niya at humarap sa akin, "ma, nagbibiro ka lang di ba?" hindi siya pinansin ng mama niya at diretsyong pumasok sa loob.

"Bleehhhh, sabi sa'yo hindi tayo forever, eh!" Yes, actually nainlove ako sakanya no'ng kachat ko siya, dahil nawala ako sa mood noon. Nasagot ko siya, pero no'ng nagkita kami. Nawala ang feelings ko para sakanya, Hindi ko alam kung bakit pero siguro, sinadya ng tadhana.

Papasok na sana ako sa loob pero he grabbed me closer to him.

"even if you're a cousin, I'll still want marry you."

"Tanga!" sinikmuraan ko siya at pumasok na sa loob. Ganun na ba talaga ako kaganda, pati pinsan ko nainlove na sa akin. Hyss, tukmol!

"Nasa'an ang tita mo?"

"Nags-shopping po"

"By the way, ako ang kapatid ng tita at ng mama mo. Sonata Allegro Andes." pagpapakilala nito. Inaabot niya sa akin ang kamay niya kaya kinuha ko din.

"Pero wait po–kung Andres po kayo at Andres si tita–ibig sabihin pareho kayo ng asawa?!?" Gulat na tanong ko at napahawak sa bibig ko. Tumawa siya ng malakas, "no it's not. Sadyang nagkapareho lang ng apilyedo ang napangasawa namin. Sayang nga eh, at wu ang napangasawa ng mama mo."

"Wu? Di ba po Delos Reyes?" Bigla nalang siyang tumahimik at nagseryoso.

"Huwag mo nalang isipin." umupo ito sa sofa at nagtimpla ng kape. Lumabas naman ako para silipin si jethro, nakatayo lang ito sa may gate habang nag eemote.

"ANG SAMA MO SATANAS!" sigaw niya.

Ay jusko! Baliw na po siya!

"Sonita Addheian Allegro Andres, Sonata Allegro Andres and Abbiana Soneta wu" rinig kung banggit ni tita sonita. Magmakatunog ang pangalan nila, halatang magkakapatid.

Maya-maya pa ay pumasok si jethro habang hingal na hingal.

"Tanggap ko na!" Aniya at lumapit sa akin. "Ikaw!" turo niya, "Bakit ang ganda mo?" lumuhod siya at umiyak. Tanga, parang bata naman. Sarap nilang pagsama-samahin nina peter.

"Ang ganda at ang gwapo kasi ng nanay at tatay." singit ni tita kaya napangiti ako.

Maya maya pa ay dumating na rin si tita na maraming dala. Nagseryoso si jethro at tinulungan si tita magbuhat.

"Oi sis! Musta??" Nagyakapan silang dalawa.

"Maganda pa rin!" Sabi ni tita kaya napangiwi ako. Gusto ko sanang itanong kong san banda, kaso huwag na pala.

Bigla nalang pumasok sa isip ko si blue kaya dali-dali ko siyang tinext na huwag munang pupunta. Gusto ko muna makipagbonding kay tita at sa pinsan kung bulok.

Napansin ko ang babaeng nakatayo sa labas ng gate, nakasalamin ito at mahaba ang buhok.

"Elina!" tawag ni tita sakanya, naglakad siya papunta dito at tinanggal ang salamin at ang suot niyang sumbrero.

Ganda niya ah!

"This is Elina Magdelina my friend, doon ako laging natambay sa bahay niya." pagpapakilala ni tita dhei sakanya.

Ang ganda niya naman! Parang d’yosa!

Lumapit si jethro sakanya at nagbless. lumapit rin ako at magb-bless sana pero hinawakan niya ako sa balikat.

"Ganda mo pala in person, manang-mana sa nanay!" Saad niya at niyakap ako.

Kilala niya pala si mama.....

"Alam mo, hawig na hawig mo ang nanay mo. Masaya na siya ngayon kasama ng papa mo. Naalala ko dati, pasaway rin ‘yon katulad mo" nakangiting sambit niya sa akin.

Niyaya sila ni tita dhei na umupo sa dining table, agad akong pumunta ng kusina at ipinaghanda sila. bago hinila papuntang kwarto si jethro.

Humiga ako sa kama ko at inopen ang tv. Si jethro naman ay tumabi rin sa akin at kinuha ang kumot.

"Veb, pwede ko ‘bang papuntahin si zedrick dito?"

"What?!?" tumayo ako at pinatay ang ilaw, isinirado ko rin ang bintana at pinaandar ang electric fan. Manonood kami ng horror ngayon.

"Papunta na daw siya"

"Bahala ka, basta sabihin mo kay tita." bumaba ng kama si jethro at tumakbo pababa.

Hay naku, gusto ko pa naman makipagbonding sakanya pero dadalhin niya pala dito ‘yong punyetang zedrick na ‘yon! Hysss!!

Padabug na binuksan ni jethro ang pintuan at padabug ding sinara.

"Hindi daw matutuloy, may lakad sila ni ryker at Alexander hysss!!! Si tyr–" hindi ko pa pinatapos ang sasabihin niya, itinaas ko na ang kanang kamay ko at itinapat sakanya, "stop!" Sabi ko at nagfocus nalang sa pinapanood ko. Tumahimik rin siya at inagaw sa akin ang kumot. Hinayaan ko nalang siya dahil bigla akong nawala sa mood para makipaglaro.

The only girl in section 7 (S1)Where stories live. Discover now