Part 1

3K 69 15
                                    

"Hoy winter!" Ano ba yan aga aga may nang iinis sakin. 

Idinilat ko ang aking mga mata at nagulat sa nakatayong ning sa harap ko.

"ANO BA YAN AKALA KO BINABANGUNGOT AKO." Pasigaw kong sabi. Nakaramdam naman ako ng malakas na suntok sa balikat na bigay ni ning.

"Ano na win? habang buhay ka na lang bang walang trabaho? Naiinis na yung nag papaupa dito. Ilang buwan ka na daw hindi nakakabayad." Nakikita ko ang naiinis at nag aalalang mga mata nya.

Yan ang pinaka ayaw kong makita, umupo ako sa kama kong sira sira na at hinarap sya. "Look, nag try na ako. And dami ko ng pinasukan pero.."

Napahinto ako sa sinabi ko, kahit ilang taon na hindi ko pa din kayang sabihin. 

Napatingin ako kay ning na parang alam na kung ano yung tinutukoy ko. "They always do a background research and tinatanggihan ka because of your dad" Tumango nalang ako.

"Maya nalang natin pag usapan yan min, tara kain muna tayo. Nag order ako ng jajangmyeon mo pa naman yon." Alok nya at dali daling napawi ang lungkot ko. 

Ilang araw na din kasi akong di nakakakain ng maayos, buti nalang tong si ning di ako iniwan.

Sabi ko sakanya na susunod nalang ako at nauna na sya. Naupo ulit ako sa kama ko at tinignan ang alkansya kong baboy.

"Mukhang kailangan na kitang katayin." Kinuha ko ito at tinignan kung gaano ka bigat.

Mabigat bigat din naman, pero hanggang 1 linggo lang pede ito. 

Bumaba na ako at nakita kong may kausap si ning sa telepono. Mukhang seryoso ito kaya hindi ko na sya inabala.

Hinintay ko sya matapos at tahimik na tinitignan ang pagkain na nasa harap ko. Hindi naman ganon katagal ang pag uusap nila and finally, tapos na. 

"Tara kain na tayo." Nag thank you ako para sa pag kain at kumain na. Ang sarap talaga! Hulog ng langit si ning.

"Ano pinag usapan nyo?" Tanong ko, hindi ko na kasi napigilan ang pagiging curious ko. 

"So win, yung kausap ko kanina si gi 'yon." Ahhh yung katrabaho nya sa Ae corps. "Are you free tomorrow?" Tanong nya, tumango naman ako at dali dali nyang nilabas ang cellphone nya.

"Ganito, bukas susunduin kita. Pupunta tayo sa trabaho ko. Nabanggit kasi ni gi na hiring kami, ang tanong. Hindi nya sinabi ko anong trabaho yon." Ako? Mag tratrabaho kela Ning? No.

"Ayoko." Sagot ko, ayoko sa companya nila Ning. Hindi ako picky excuse me.

Nabalitaan ko kasing mataray ang CEO nila, pero maganda. Hindi naman sa naniniwala ako sa sabi sabi pero ganon na nga.

Don't get me wrong, masaya katrabaho si ning. I even tried applying there once, pero di ako natanggap kasi May height requirement daw.

Pft matangkad naman ako..

Oo matangkad ako. Walang aangal.

"Bakit naman? Look, kung yung height requirement yon, matagal ng tinanggal yon." Pag rarason nya.

"Pano ka nga pala nakapasok don eh mas bansot ka kesa sakin?" Napakunot noo ko habang nag tatanong.

Inirapan nalang ako ni ning at 'di sinagot tanong ko. Oh diba truth hurts.

"Win, pasmado bibig mo ha. Ikaw na nga tinutulungan." Nag peace sign ako sakanya, baka kasi mainis toh saakin mas lalo akong mababaon sa utang.

"Pag isipan mo nalang, hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo pero." Huminto sya sa pag kakasalita at tumingin sakin.

"Para kaya mo na buhayin sarili mo. Onti lang sahod sa 7/11 hindi ka kaya buhayin non." Nakikita ko ang pag aalala sa kanyang mga mata. Ang swerte ko lang kasi hanggang ngayon andito pa din sya, sa tabi ko.

"Wag mo munang katayin yung baboy mo. Nakita ko nakatingin ka sakanya kanina." Natawa ako. Kahit seryoso ang usapan nagagawa pa din nyang mag patawa.

"Sige na nga, pero bago tayo pumunta don pwedeng dumaan muna ako sa ano ngayon?" Alam na ni Ning kung ano tinutukoy ko.

Tumango nalang sya nag ubusin ang kinakain nya.

Nilagay namin ito sa lababo ko at umalis na din si ning kasi May trabaho pa sya.

Ako naman nag bihis na para makauwi din ako ng maaga mamaya.

Lumabas ako at ni-lock ang pinto.
Wala naman masyadong tao ngayon kaya pumara na ako ng tricycle para makaalis na.

Hindi maaraw ngayon, mukhang uulan pa nga buti nalang May payong ako.

Matagal na din simula nung huling bisita ko sakanya. Sigurado ako namiss na din ako non pati yung mga kwento ko, ang kyut naman kasing isipin na May random stranger na napunta sa puntod mo tapos nag kwekwento.

Dumating na din kami, malapit lang naman ito sa inuupahan ko. Mas ginusto ko na malapit ako sakaniya para madalas ko sya makausap.

"Manong ito po." Inabot ko ang bayad at nag pasalamat kay manong. Dahan dahan ko namang inapakan ang mga damo at hinahanap kung saan ang puntod niya.

"Ma." Finally nahanap ko na.

"Ang dumi na hahaha." Inalis ko ang mga damo na Naka kalat sa puntod nya.

"Ilang buwan na din noh. Ang mahalaga andito ako ngayon." Sabi ko, mukha akong tanga dito nakikipag usap sa puntod pero hayaan nyo na.

Umupo muna ako, saglit lang naman ako dito. Madalas akong pumunta dito pero patago lang.

Tanong nyo kung bakit.

Jk kwento ko nalang. Bata ako non kakalabas palang sa tiyan ng nanay ko nung tinaboy nya ako.

So in short lumaki ako ng walang ina, pero andito ako. Buwan buwan syang binibisita kahit alam kong hindi nya ako kilala.

Hindi sila kasal ng tatay ko, dahilan din kung bakit ayaw nya sakin. Kasi accidente ako.

The unwanted child.

"Ma, ala lang. Bukas May job interview ako, sana sabihin mo kay papa G na ipasa ako." Pag bibiro ko.

What am I even thinking?

Pinag pagan ko ang jeans ko at lumingon uli sa puntod nya. "Wala akong makwekweto ngayon ha, sa susunod na lang po." Nag paalam na din ako at nag lakad papaalis.

Naramdaman kong pumapatak patak na ang ulan, at Dali daling Pumara ng tricycle para umuwi, as usual ang bigat na naman ng nararamdaman ko kada bisita ko sakanya.

If she only kept me.

"Tama na win, kailangan mo maging maganda bukas. Wag iiyak kasi mamamaga ang mata." Sabi ko sa sarili ko.

"Ma'am sino po kausap nyo?" Tanong ni manong driver, "ay wala po kuya, baliw Ho kasi ako." Pag bibiro ko.

Narinig ko namang tumawa si kuya pero sana wag nya seryosohin baka ideretso ako sa mental. Andito na ako sa apartment ko, binayaran ko na din sya at nag sabi ng sorry.

"Sana naman ok lahat bukas." Binuksan ko na ang pinto at nakakita ako ng Jollibee sa lamesa.

To: Winter bakla Kim

Kumain ka, kung hindi malilintikan ka sakin. Eat a lot, susunduin kita bukas Naka kotse naman ako. Goodluck para sayo!!

From:
Magandang Ning

Tarantado talaga itong si ning, pero ang laki ng utang na loob ko sakanya.

"Salamat."

CEO YU | Winrina (Discontinued)Where stories live. Discover now