Part 20

1K 33 30
                                    

*Winter's P.O.V*

"Nasaan ba si manong bert at body guard mo?" Taka kong tanong habang ina-adjust ang seat para sa height ko.

Narinig ko ang pagsara ng pinto at na-satabi ko na si karina. Inaayos niya ang kaniyang seatbelt bago tumingin sakin.

"Manong is sick kasi and I told him to rest muna sa house while my bodyguards are going to trail behind us." Turo niya sa dalawang black fortuner na nasa likod ng puting benz ni karina.

"Bakit ako ang mag da-drive?" Tanong ko. May iba naman kasing driver na pwede pero ako pa talaga. Hindi naman sa wala akong tiwala sa sarili ko pero ganon na nga lalo na kotse 'to ni karina.

"Manong bert is the only one I can trust with when it comes to driving, and just this once winter, I'm tired kasi to drive pa." Pag explain ni karina.

"Sige," Simple ko siyang sinagot. Hindi ako pwede mag mukmok at baka pag nag reklamo ako ay mawalan ako ng reklamo.

Kaya tinanggap ko na ang kapalaran ko.

Maging kaladkarin ni karina.

Joke.

Hindi ko alam kung ano meron sa biglaang gala dahil hindi naman na nag sabi si karina at mas piniling manahimik sa pwesto niya. Sobrang dami kasi niyang inaasikaso lately.

Sa totoo lang ay handa na akong tanggihan siya kanina kung hindi lang siya nag makaawa, parang urgent din kasi 'to based sa kwento niya.

"Winter this is an urgent matter, please?"

"Day off ko Ms.Yu,"

"I'll pay you double just samahan mo ako."

"Ganon ba kaimportante yan?"

"Yes."

Kaya heto ako ngayon dahil hindi ako marunong makatanggi sakanya.

"What songs are you into these days?" Tanong ni karina na habang nag scroll sa cellphone niya.

Binuksan niya ang bluetooth at tumingin sakin.

Busy pa ako sa pag drive kaya hindi pa ako makasagot, at nang tumigil na muna yung kotse sa harap ay agad kong sinabi ano ang natitipuhan kong kanta ngayon.

Mahilig ako sa OPM ngayon, dahil kay ning na hindi matigil sa kakanta ng songs nila adie at arthur nery. Maganda naman kasi talaga ang kanta nila pero I'm more into bands sa totoo lang.

Nag hanap kaagad si Karina ng pwede ipatugtog habang nabyahe at hindi nagtagal ay nakarinig ako ng familiar tune being played.

Oh, kay gandang pagmasdan ang iyong mga mata
Kumikinang-kinang
'Di ko maintindihan

"Is Ikaw lang alright?" Karina asked.

"Ok na yan,"

"How's life treating you?" Bigla niyang tanong sakin. Napakibit balikat naman ako dahil hindi ko alam ang maisasagot.

How's my life nga ba?

Ok naman, normal pa din. Ang nag bago lang ay hindi na ako nahihirapan sa expenses ko at onti nalang ay mababayaran ko na ng buo yung utang ko.

Nakakakain na din ako ng maayos, at hindi na nabubuhay sa noodles at canned goods. Baka kasi pinagpatuloy ko yon ay tuluyan na akong katayin ni Ning.

Ang iyong mga tingin
Labis ang mga ning-ning
Langit ay bumaba
Bumababa pala ang tala

"Ok lang. Sayo ba?" Balik kong tanong. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago binaba sa dashboard ang cellphone.

"Stressful! Gosh I'm still mad sa nangyari last week." Pag alala niya.

CEO YU | Winrina (Discontinued)Where stories live. Discover now