Part 24

853 34 36
                                    

*3rd Person's P.O.V*

"Gusto kita minjeong." Amin ni jaemin na hindi manlang makatingin sa mata ni winter.

Natatakot siya sa kung ano man ang magiging reaction ng babae. Natahimik si winter at iniisip kung totoo ba ang sinasabi ni jaemin. Alam niya namang manhid siya pero hindi niya alam na ganito ka lala ang kamanhidan niya.

Napaisip din siya na all this time, kaya pala ganon ang trato ni jaemin sakanya ay gusto siya nito. Hindi naman ganon ka-clingy si jaemin kay ning at don palang dapat ay napansin niya na- pero pano? Baka nga naman kasi gusto lang siya makasama nung lalaki kesa kay ningning na bestfriend din nila.

Nauna kasi sila magkakilala. Isang maligalig na jaemin at tahimik na winter ang nasa loob ng nursery room, kasama din ang madaldal na ning na sa kung saan saan pumupunta para lang daldalin ang mga batang katulad niya.

Tahimik si winter, alam naman ng lahat yan. Hindi siya pala daldal, hindi din siya pala kaibigan, sadiyang kusang lumalapit ang mga tao sakanya. Approachable naman si winter, but her face says otherwise kaya mas pinipili ng iba na layuan nalang siya.

Tahimik na nag babasa ng abc book ang maliit na winter ng biglang may dalawang bata ang nag away sa harap niya, si ningning at jaemin na nag aagawan ng laruan. Out of places sa loob ng classroom ay sa harap niya pa talaga, kaya wala siyang nagawa kundi pagmasdan ang dalawa.

"Akwin na!" Sigaw ng maliit na ning at hinila papalapit sakanya ang maliit na stuffed toy. "Hindi!" Sigaw pabalik naman ni jaemin.

Tuloy lang sila sa pag aaway ng nabitawan ni ning ang stuffed toy, causing jaemin to stumble backwards and hit the bookshelf sa likod ni winter. Bumagsak ang ilang libro dito at saktong natamaan ang ulo niya.

Napakurap siya ng ilang beses pero hindi umiyak. Gulat naman yung dalawang bata at si ning ay tumakbo na nang umiiyak.

Napahawak si winter sa ulo niya, masakit pero alam niyang wala lang naman ito dahil nakaranas na siya ng mas masakit pa kesa dito. Ang akala niyang wala lang- dumugo na pala ang kaniyang ilong. 

"Bakit ka naiiyak yizhou?" Alalang tanong ng teacher nila ng lumapit sakanya si ning. Pinunasan nito ang luha ng ituro nung bata si winter na walang kaalam alam na dumudugo na ilong niya.

"Minjeong!" Nag papanic na sabi ng teacher nila. Lumapit si jaemin para pagmasdan si winter, nanlaki ang mata niya ng nakita niya ang pulang dugo na tumutulo.

"C-cher.. her nose.." Nanghihinang sabi ni jaemin.

Agad nilang dinala si winter sa clinic, pinatignan nila ito habang pinapagalitan ang dalawang bata. Lalong umiyak si ning habang si jaemin naman ay nag alalang tinitignan si winter na may nakasalpak na tissue sa ilong niya. Parang wala lang din ang nangyayari sakanya dahil ni isang luha ay wala siyang inilabas.

Jaemin's curiosity for winter grew after that happened. For a small kid like him ay lubha siyang naging curious kung bakit siya ganon. Nabagsakan siya ng libro at dumugo ang ilong pero, hindi ito umiyak o nagalit man lang sakanila.

Si ning naman ay parang nahiya at natakot kay winter that time. Hindi niya ito malapitan dahil akala niya ay may lihim na galit si winter sakanya dahil ni minsan ay hindi niya nakitang ngumiti ang bata.

May maliit na Christmas party na inihanda ng mga teacher nila para sakanila. Hindi naman required mag dala ng regalo pero bilang bida bida ang mga nanay nila ay pinadala pa din sila. Mga bata nalang daw ang bahala kung sino ang bibigyan nila.

Tahimik na nakain si winter ng Jollibee ng umupo si jaemin sa harap niya. Taka niya itong tinignan dahil nag lapag din ito ng maliit na regalo sa lamesa nila.

CEO YU | Winrina (Discontinued)Where stories live. Discover now