Part 17

850 40 15
                                    

Winter's P.O.V

Mabilis kaming nakabyahe papunta sa bagong tayo na cafe ng mga magulang ni nana, dito nalang daw kami mag kita at saktong opening day ngayon kaya libre lahat.

Ng makarating kami dito ay sobrang dami ng tao, hindi ko nga din mahanap si jaemin sa dami ng pumunta sa opening. Dagdag niyo pa kami na 9 na pumunta.

Sinama na din namin si Karina at Giselle dahil wala din naman daw silang gagawin kundi manood ng Netflix kung hindi namin sila sinama. Ang Boring naman non nasa Baguio ka tapos manonood lang ng Netflix sa hotel room diba?

Bumaba kami sa kotse at nakatayo lang sa May parking area, tinatanaw kasi muna namin kung nasan si nana para i-guide kami pero hindi talaga namin alam kung saan nag susulpot yung lalakeng iyon.

"Text mo nga win," Pag utos ni Ning. Agad ko naman ng kinuha yung cellphone at hinanap sa contacts ko si nana.

Nana

Nana?
(Seen)

Nandito na kami nasaan ka?
(Seen)

Sige ka aalis na kami -,-
(Seen)


Sa di kalayuan ay May nakita kaming matangkad na lalaki na May kulay ang buhok. Nakaway siya samin at nag paalam muna sa kinakausap niya bago tumakbo papunta dito.

Tumangkad ng sobra si nana, nag bago din ang structure ng face niya pati yung build ng katawan. Kaya pala hindi ko siya namukhaan kanina.

Ng makalapit na ay agad niya akong binuhat at niyakap. Nabigla naman ako at napakapit sakanya. Nag cheer din yung mga kaibigan ko at natatawa. Ang cute daw kasi, para akong bata nung binuhat ni nana.

"I missed you min," Mahina niyang bulong. Nakabaon din yung mukha niya sa leeg ko at nakikiliti ako sa buhok niya.

"Nana ibaba mo ako!" Utos ko. Nahimasmasan din naman na si jaemin at agad akong binaba, namumula din siya dahil sa makahulugang tingin ni Ning.

Agad na sinapok ni Ning si jaemin, nagreklamo pa si bruha kung bakit ako lang daw yung yinakap at hindi siya.

Jaemin greeted all of them, pati na din si Giselle at si Karina. Giselle greeted nana excitedly at nakipag chikahan pa tungkol sa new business nila which is yung cafe na maya maya lang ay bubuksan na.

Si Karina naman ay tahimik lang na nag mamasid. Habang kinakamay niya kanina si jaemin parang nakakatakot lang nung tingin niya, straight face niya kasing introduce yung sarili niya plus hindi siya ngumiti.

"Buti naman at nakarating kayo," Masayang sabi ni jaemin. Napakamot siya sa ulo at parang nahihiya dahil sa tingin sakaniya ng mga kaibigan ko.

"Tol nag Cherifer ka ba? Gagi kasi parang mas matangkad ako kesa sayo dati ah!" Sabi ni Yuna. Napailing naman si jaemin bago tumabi sakin.

"Sadyang pinagpala lang ako sa height." Nakangiti niyang sagot. Inimbita na kami ni jaemin papunta sa entrance ng cafe at nandon din si tito at tita.

Sakto naman ay nung nakita nila kami ni Ning ay pinabayaan din nila yung kausap at niyakap kaming mahigpit.

"Namiss ko kayong dalawa," Masayang tugon ni tita. Si tito naman ay nanggigil sa pisngi ni Ning at nagrereklamo kung bakit hindi na daw ito kasing taba nung dati.

CEO YU | Winrina (Discontinued)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora