Part 25

1.1K 31 21
                                    

*knock knock!*

Umagang umaga pa lang at pasikat palang ang araw pero may kumakatok na sa pintuan ko. Wala naman akong order sa shopee o lazada at kung meron man ay bayad na dahil shopee pay ang ginagamit ko.

Umikot ikot ako sa aking higaan habang kumakatok pa din kung sino man yung nasa labas ng aking pintuan. Tinignan ko din ang orasan ko, tama nga at alas sais palang.

"Winter??"

Wala sa loob akong bumangon dahil baka mag reklamo na yung mga katabing apartment ko sa ingay. Maliit lang talaga yung apartment complex na tinitirhan ko kaya paniguradong may nakarinig na.

"Teka lang naman.."

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko kaagad si karina na may hawak hawak na isang malaking bouquet of flowers habang yung isang kamay naman ay may hawak na paper bag.

Mama mary.. ang aga aga pero ang ganda na ng bungad ng aking umaga!

"Goodmorning my beautiful girlfriend," Karina softly said, handing me the bouquet of flowers before giving me a tight hug.

Nakangiti akong niyayakap si karina. Ang aga palang pero buo na ang araw ko dahil nakita ko na siya. Corney ba? Yan wala kasi kayong jowa.

"Goodmorning Karina," Bati ko pabalik and hugged her tightly.

Ang bango bango!

Nang maghiwalay kami ng yakap at binigyan ko ng pansin ang bouquet na binigay niya. It's pink tulips, at freshly picked siguro dahil ang perfect niya at fresh niyang tignan.

Hindi ko natiis at niyakap ulit si karina ng pagkahigpit higpit. Hindi man siguro ito yung unang beses na nakatanggap ako ng bulaklak pero dahil mula ito kay karina ay tuwang tuwa ang puso kong ubod ng landi.

She never fails to make me smile and make my heart happy.

"Salamat sa flowers," I sincerely said. My heart felt full at parang kaya ko na gawin lahat ng papagawa sakin ni karina!

Karina I'll be your alipin!

"Anything for you." She smiled patting my head.

Pinapasok ko na siya sa unit ko at nilapag muna yung flowers sa center table. Inaayos ko din yung paper bag na dala niya at sabi niyang breakfast daw naming dalawa iyon. She prepared it daw with the help of her manang.

Shh lang pero based sa kwento ni karina ay parang onti lang ang ambag niya dahil siya lang daw yung nag bati ng itlog- but nonetheless, I love the effort!

100000 ka sakin karina yu!

Inihanda ko na ang table namin pati na din yung pinggan at baso ay inihanda ko na din habang busy si karina na tinititigan yung mga pictures na naka patong sa tv stand ko.

Sa totoo lang first time ko dito papasukin si karina kahit minsan ay siya mismo ang nag hahatid sakin pauwi. Di hamak na mas malaki ang condo niya kaya hindi ko talaga naiiwasan na mahiya sa liit ng apartment ko. But looking at her right now puts a smile on my face.

Feel na feel at home lang si karina, hindi ko na nga kinailangan na sabihin that she's free to look around kasi as soon as she steps in sa apartment ko ay gumala na siya. Pwera lang sa room ko kasi magulo pa! Hindi ko pa naayos yung bedsheets ko.

"You look cute when you were younger." Sabi ni Karina. Pinakita niya din sakin yung picture ko na mala robin Padilla yung pormahan.

Napatingin ako kay karina na masayang pinag mamasdan ang picture ko. Pogi talaga ako don at isa din yon sa paborito kong litrato nung bata pa ako. Hindi naman mahilig si papa picturan ako at ang sabi niya pa ay yung ate niya daw talaga kumuha non.

CEO YU | Winrina (Discontinued)Where stories live. Discover now