Part 14

788 29 16
                                    

*Continuation of Winter's Flashback*

Ngayon na ang araw ng pag luwas ko papunta sa Manila, naimpake ko na din ng palihim ang gamit ko mula sa bahay nung wala si papa at tumuloy muna kela Ning.

Excited ako sa bagong environment na mapupuntahan ko, May changes din na mangyayari at alam ko yon.

Alam ko din sa sarili ko na handa na akong umalis dito sa Baguio.

Kasalukuyan akong nasa bahay nila ning, nandito din si jaemin dahil kaming tatlo ang luluwas.

Nung sinabi ni Ning ang plano naming pag alis ay agad ding sumama si jaemin, nag tampo pa nga siya kung bakit hindi daw namin siya ininform ni Ning.

Nag luluto ako ngayon ng paborito nilang adobo, kasama ko din ang kasambahay nila ning sa pagluto. Nung una nga ay ayaw pa ako pag lutuin ni tita but this is the least thing I could do for them dahil pinatuloy nila ako.

"Saan pala tayo tutuloy?" Tanong ni jaemin. Nakapwesto siya sa kitchen island habang Naka halumbaba at tinitignan ako mag luto.

Nag kibit balikat ako, "Hindi ko nga din alam eh.." Sagot ko. "Doon tayo sa bahay namin sa Laguna," Pag singit ni Ning. Mukhang tapos na sila sa pag usap ni tita dahil ang lawak ng ngiti niya.

"Kasama ako?" Tanong ni jaemin at tinuro ang sarili. "Malamang kasama ka, kung hindi edi saan ka titira aber?" Rebat ni Ning.

Natawa ako sa kaitsurahan ni jaemin na parang iiyak na kaya pagtapos kong ilagay ang baboy para palambutin ay niyakap ko siya.

"Kinakawawa mo si jaemin Ning," Natatawa kong sabi. Humigpit ang yakap ni jaemin saakin at para bang ayaw na bumitaw.

"Promise ko na aalagaan kita min," Mahina niyang tugon. I broke our hug looking at him softly. "Kaya ko ang sarili ko nana," Sabi ko ng nakangiti.

Umiling si jaemin bago mag salita, "Aalagaan talaga kita min, hintayin mo na mas tumangkad ako kesa sayo!" Determinado niyang sabi.

Wala naman na akong nagawa kundi tumango at hinayaan na siya. Si Ning naman ay May sumpong kung bakit daw ako lang ang propeotektahan ni nana at ang tanging sagot ni nana ay "Malaki ka na Ning,"

Naluto na ang adobong ginawa ko at sinabihan sila tita na kakain na. Ang gusto din kasing adobo nila ning at nana ay yung matamis at maalat, dapat din ay napaka lambot nung karne para daw nabiling nguyain.

Masagana silang kumain habang ako naman ay masayang nakatingin. Ito ang pamilya ko, sila tito at tita, nana at ning.

Napaka swerte ko sa totoo lang, nakahanap ako ng kaibigan na walang ginawa kundi pagaanin ang nararamdaman ko at hindi ako pinapabayaan.

I'll return the favor once nakabangon na ako.

"Min bakit hindi ka nakain?" Tanong ni tita. Napatigil din ang dalawa sa pag lamon ng adobo at Takang tumingin sakin.

Pinunasan ko ang namumuong luha sa mata ko bago ngumiti.

"Salamat po, salamat sa inyong lahat." Masaya kong tugon. Binitawan ni Ning ang kutsara't tinidor niya at ngumawa ganon din si jaemin na Naka tago na sa tshirt niya.

"Ija.." Hinawakan ni tita ang kamay ko, giving me a soft look. "Parang anak ka na din namin ni Rodulfo, nakakasawa din kasi minsan si Ning- aray ko yizhou ha kung makapalo!" Tinignan ni tita si Ning dahil napalakas ang palo niya.

"Mama kasi.." Natawa ako.

"Pero minjeong, tandaan mo," Natigil si tita sa sasabihin niya. "Kami na ni Rodulfo ang tatayong mga magulang mo, anak." Tuluyan ng tumulo ang luha ko sa sinabi ni tita.

CEO YU | Winrina (Discontinued)On viuen les histories. Descobreix ara