Part 11

997 45 9
                                    

 *Winter's P.O.V*

Nakarating na kami sa hotel na pag s-stayhan namin, agad naman nag labas ng mga bagahe ang mga kaibigan ko at ako naman inaalalayan si karina kasi mabato ang daan. Pano ba naman naka sandals pa at may heels, mahirap na baka mamaya sa maling apak nya ma-sprain pa ankle nya.

"I'm fine na here winter, thank you." Nginitian nya ako at ibinalik ko naman, nag paalam muna ako na tutulong kela ryu sa mga bagahe nila. 

"Ryu! Nasaan ang bagahe ni karina?" Tanong ko habang tinitignan ang mga bagahe na nasa bus compartment. 

"Pre, yung jowa mo 3 maleta dinala." Kumunot noo ko at hinampas si ryujin bago hilahin palabas ang maleta ni karina.

"Boss ko yon, ang issue nyo."

"Boss ko din si yeji." Nag tawanan nalang kami, sinuot ko ang bag ko na puno ng gamit habang hila hila naman ang dalawang maleta ni karina.

Inuna ko muna ang pinaka mabigat bago yung maliit, at nakita kong nanlaki mga mata nya habang tinitingnan ako. "Winter?! Sino nag sabing dalhin mo yan?" Pag saway sakin ni karina. "Ako. Matatagalan pa sila don, sa dami ba naman ng lagahe nung iba." 

"Still dummy, you should've let manong nalang. Give me my luggage na." Umiling ako, "Masyado mabigat."

"Then yung bag mo nalang." Binigay ko sakanya ang bag ko at bumalik para kunin ulit ang naiiwan nyang bagahe. 

Wala naman akong magagawa dahil mangungulit sya pag hindi ko sinunod.

Napansin ko ding tapos na ang mga kaibigan ko sa pag bubuhat kaya pumunta na kami sa lobby para mag check in. 

"Ok na po ang mga room's Ms.Yu, iguguide nalang po kayo ni sanha." Tumango naman si karina at sinundan na namin si sanha na staff ng hotel sa elevator. Kami palang pala ang nandito at sabi ni din ni karina na si Ms.Wendy nalang ang mag aasiikaso ng iba.

"What's your room winter?" Panimula ni karina, ang tahimik din namin sa elevator, halatang pagod na ang iba. "Room 4011" 

"That's beside my room, sabay na tayo." Tumango ako at sakto naman nag bukas na ang elevator. Dali dali ko namang hinila ang mga maleta ni karina at hinintay sya.

"Winter I told you na ako na right?" 

"Ok lang, strong ako. Mag pahinga ka na, pagod ka diba?" Naka ngiti kong sabi, napansin ko ding namumula na si karina kaya dali dali kong nilagay ang aking mga kamay sa noo nya.

"May sakit ka ba? Bili ako ng gamot." Pag papaalam ko, aalis na sana ako ng may naramdaman akong humihila sa flannel ko. "I'm not sick winter, I'm just grateful that you helped me." Sabi nya.

"Mas thankful ako dahil sa trabaho na binigay mo." Pinisil ko ang mga pisngi nya at napansin kong napaka lambot. 

And cute naman pala nya.

"Winter!" Sigaw nya kaya natawa ako, "Sorry na, pasok ka na at mag pahinga." 

"Ikaw din." I waved her goodbye before entering my room to rest. Ang bigat na ng pakiramdam ko, nag alinlangan din ako na sumama dito- hindi naman ako maka tanggi dahil kay Karina.

After 6 years bumalik ulit ako dito.

As usual, malamig at masarap ang simoy ng hangin. Mas dumami na din ang tao at mga turista, tumingin ako sa bintana ng kwarto ko.

Pero puro masasamang alala ang pinapaalala sa akin ng baguio.

"Ang lakas pa din ng tama mo sa akin baguio." Bulong ko, pinag masdan ko ang mga sasakyan na dumadaan sa main road. Mabibilis ang takbo nito, naalala ko tuloy.

CEO YU | Winrina (Discontinued)Where stories live. Discover now