Part 3

1K 57 22
                                    

"So ano?" Tanong ni Ning, nasa labas kami ngayon for lunch. I need air din kasi because f what happened kanina.

"Anong ano" tanong ko, Ning gave me the 'wtf' look before repeating her question.

"Anong nangyari sa interview?" I saw her hopeful eyes, ang hirap naman nito. Hindi ko masabi.

"Kasi ano."

"Kasi ano?" Ulit nya. "Yung nag iinterview kasi-"

"Don't tell me.." I sighed knowing her reaction already. "Winter inaway mo ba si Ms.Yu? Gaga ka black belter yon.." sagot nya at chineck kung May pasa ako or sugat.

"Tanga hindi! Hindi sya, yung isang matandang lalaki na panot. Akala mo kung sino sya para tapakan ako." I mumbled the last words hoping na hindi marinig ni Ning.

Binaba nya ang fork na hawak nya ngayon at tinignan ako. "Walang ginawa si Ms.Yu para pigilan si Mr.Son?" Tanong nya at tumango nalang ako.

"Ganon talaga yon si Mr.Son, isa sya sa mga iniiwasan ko. Pero alam mo mabait kaya si Ms.Yu." tinaas ko kilay ko habang humigop ng mainit na sabaw.

"Pano mo nasabi?"

"Feeling ko lang." I scoffed, she didn't even bother stopping that Mr.Son guy, bakit ako maniniwala.

"Let's not talk about it nalang. Mag aapply nalang ako sa iba bukas." To be honest, wala hindi ko alam kung saan pwede mag apply, mukhang kailangan ko muna mag hanap.

"Hindi ba kasya yung sahod mo ngayon sa 7/11?" Tanong nya, "Hindi eh, 20k yung utang ko kay aling Marta. Kaya mag dodouble nalang ako ng trabaho." Paliwanag ko.

Inubos ko na ang chicken at sinigang soup na in-order ko at nag bye na din kay ning, kailangan ko kasi pumasok sa trabaho ko sa 7/11.

Malapit lang naman yon dito, actually sa kabilang kanto lang. Nag lakad ako ng May napansin akong pamilyar na mukha.

"Si Ryu yon ah." Binilisan ko ang pag lalakad para mahabol sya. "Ryujin!"

"Oh? Ay hoy win!" Bati nya, hinila ko na din ako para yakapin ng mahigpit. Matagal tagal na din kasi kaming hindi nag kita dahil sa sched nya.

"Aray! Papatayin mo ba ako?" Kinurot nya ang tagiliran ko kaya napabitaw nalang ako.

"Oo"

"Wag muna di pa ako sinasagot ni yeji." Teka..

Ano?

"Ano?" Tanong ko, hindi pa sya sinasagot ni yeji?.. teka..

"NILILIGAWAN MO SI YEJI?" Sigaw ko. Hinampas hampas ko naman ang braso nya, kasi ba naman, ang tagal na nyang gusto si yeji pero ayaw naman mag first move. Paka torpe diba?

"Oo pre!!! Last month lang naman. Tsaka ikaw ano ginagawa mo dito?" Tanong nya, kinuha ko naman ang id ko sa bulsa at pinakita sakanya.

"Duty ko na." Simple kong sagot. Binigyan nya nalang ako ng maliit na oh bago mag paalam.

"Sige una na ako, text ka naman minsan tol!" Sigaw nya. "Oo na! Late ka na sungit pa naman ng boss nyo!"

Nag tratrabaho din pala si Ryu asa ae corps, well most of my friends don nag tratrabaho. Besides sa malaking sweldo, pare parehas din sila ng gustong gawin sa buhay.

Sana ol May pangarap.

Nawala na si ryujin sa paningin ko, pumasok na din ako sa 7/11 at binati si sanha na mag o-out na.

"Ikaw na bahala dyan ha."

"Oo sige, alis ka na." Kumaway ako sakanya at kumaway din sya. Nag ikot ikot din ako sa loob para tignan kung May kailangan ba akong irestock.

"Hmm, nag restock na ata si sanha bago umalis. Wala na akong kailangan asikasuhin." Bumalik ako sa counter at umupo.

Ang daming pangyayari ngayong araw na ito. Una nag tae ako pangalawa yung panot na balak tapakan pag katao ko.

Nakakapagod.

Nilapag ko ang ulo ko at sakto may isang magazine na naakit ang aking mga mata.

Kinuha ko ito at tinignan ang cover.

Young CEO
Karina Yu

I'm grateful to be this successful at a young age

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

I'm grateful to be this successful at a young age. As a young CEO there's a lot of disadvantages. But nothing can stop you for being successful, strive higher and let your name be known.

Want to know more about the CEO of ae corps karina Yu? Go to our website at Xxxxxx.com

Binasa ko ang nasa cover, speech nya ata ito. "Alam mo ang ganda ganda mo pero minus points ka. Akala ko pa naman pipigilan mo yung panot kanina."

"Crush na sana kita, kaso Ch-"

"Excuse me?" Tinignan ko yung babaeng sumulpot sa moment ko at tinaasan ito ng kilay bago tumayo.

"Sorry." Sabi ko. "Ano po maitutulong ko sainyo?" Dagdag ko, tinuro nya ang mga pagkain na nasa counter, napakamot naman ako nang ulo dahil di ko nakita.


"Nakakahiya naman." Bulong ko. Isa isa kong nilagay ang mga pagkain nya sa isang paper bag at tinignan ang total.

"367php po ang total." Nilabas nya ang wallet nya pero bago yon tinanggal nya ang kanyang mask.

Ano ba yan!

Si Ms.Yu..

"Here." Abot nya ng bayad. Dahan dahan kong kinuha ito at palihim na tinatakpan ang mukha ko.

"Narinig ko lahat kanina Ms. Kim." Nanigas katawan ko nung binanggit nya pangalan ko. Her voice, mas malalim kesa sa kanina.


Lumunok ako at inabot na ang sukli nya. "Eto po ang sukli."

"Winter right?" Ano ba gusto nito?! Bakit ayaw nya pa umalis. "Ah opo."

"I'll offer you something. Since you said I'm pretty, I wanna offer you to be my secretary." Teka ano?

Tama ba narinig ko?

"Ano po?" Tanong ko, kumunot naman noo nya at sa tingin ko naiinis na sya.

"I don't like people who ask me to repeat what I just said. Pero para sayo sige." Naiinis nyang sabi.

She leaned in leaving a small space between our faces.

"Be my secretary." She offered.

CEO YU | Winrina (Discontinued)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora