Part 28

987 22 3
                                    

*Winter's P.O.V*

Ngayon na ang birthday ni yuhan kaya naman nag leave muna ako sa work para lang maka attend. Nakabili na din ako ng regalo para sakanya kahapon. Sakto nung nag out ako at pauwi na sa bahay ay may nakita akong maliit na tindahan ng mga teddy bear, kaya ayon nalang ang bili ko for him.

Malaki yung teddy bear na kulay Dark brown,  may stripes  din ito na bow tie kaya super cute kung tignan.

Susunduin pala ako ngayon ni ning dito kasa si Giselle. Hindi ako masusundo ni karina dahil umuwi siya kagabi sakanila para tulungan sila ate Irene mag set up for his birthday. May theme din pala ito at iyon ay super hero themed.

Ni Request ni Yuhan nung nakaraan na mag Spiderman costume daw ako. Hindi ko alam kung ano trip nung bata pero since ang cute cute niya sige pagbigyan.

May pumaradang sasakyan sa harapan ng gate nung apartment ko. Dito na din ako nag hintay kahit na tirik ang araw para diretso na kami kela karina. Miss ko na din kasi siya. Hindi kami gaano nagkausap kagabi dahil sa sobrang pagod niya.

"Hoy Spiderman na hilaw tara na,"

Si giselle pala ang nag drive ng kotse ni ning. May pagkatamad din kasi ang kaibigan ko pag kasama si giselle, at dahil dakilang gentlewoman itong driver namin ay siya na palagi ang nag d-drive pag kasama si ning.

"Malayo layo ba?" Tanong ko ng makaupo sa backseat. Nilagay ko ang teddy bear sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Sa Greenhills sila nakatira. Swertehan nalang kung hindi traffic," Saad ni Giselle at umarangkada na kami.

Tahimik si ning na nakaupo sa shotgun seat. Ano kaya problema niya?

"Ning, okay ka lang?" Tanong ko.

"Hindi."

Luh.. Meron ata si ning.

"Ignore her winter. We got into a little argument lang kanina and she seems like she still isn't over it." Sabi ni Giselle.

Ah kaya. Grabe kasi talaga mag tampo si ning! Ayaw na ayaw ko yung version niya na 'yon kaya goodluck nalang kay giselle.

"Ang lapit lapit kasi sayo nung salesman! Naiinis ako. Lagyan ko kaya kayo ng gorilya tape ha? At ikaw kasi Giselle halata namang nilalandi ka pero kinakausap mo pa din!" Usok ilong na sabi ni ning.

Hayst.. Bakit ba ako sakanila sumabay? tsaka teka teka, bakit naman big deal kay ning 'yon?

Selos as friends ganon?

"Look we talked about this? Sorry winter ha." Tumango lang ako.

"The faster I talk to him regarding sa toy na bibilhin ko, the faster we can go. He was the only salesman available there ning, puno yung mall kanina. Plus, I'm not flirting back, you know that. I was being civil, yizhou."

Ay patay, tinawag na sa first name si loka.

Pero lost pa din ako. Normal ba magkaroon ng argument na ganito kung magkaibigan lang kayo? unless..

HUH?!

"Teka teka••• Hoy Yizhou, bakit ka nag seselos kung magkaibigan lang kayo?" Diretso kong tanong, straight to the point!

Saglit na natahimik ang dalawa. Feels ko talaga na may samting! Kasi hindi naman ganiyan si ning sakin eh, hindi naman nagagalit kung may lumalandi sakin. Ipinagtutulakan niya pa nga.

"For the 100th time, I'm sorry winter dahil sa ganitong paraan mo pa talaga malalaman." Pag uumanhin ni Giselle. "Me and ning are now dating."

TAMA AKO! MAY SAMTING NGA!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CEO YU | Winrina (Discontinued)Where stories live. Discover now