Chapter 55

4.4K 95 6
                                    


Chapter 55: Virginity

Mabilis na lumipas ang isang buwan na iyon, parang pumikit lang ako at pagdilat ko ay nakasuot na ako ng Toga at kasalukuyang nagma-martsa para sa graduation. I'm so nervous and at the same time, happy. Happy kasi after four years ay sa wakas graduate na ako.

Tita Lina or Mom went home together with Dad and Xander. Same thing goes with Tita Beatrice and Tito Frank. Buti nga ay nakauwi sila, ang akala kasi namin ay hindi na sila makakauwi kasi kakabalik lang nila from their vacation here.

Karga karga ko ang kapatid ko na medyo matagal kong 'di nakita nang sinalubong ako ni Chuck. He's with Tita Olga and his Dad. Ngumiti si Tita sa'kin at agad akong benesohan. She then looked at my brother at pinanggigilan ito.

"Olga, why don't you come with us? Sa bahay, nagpahanda kami ng dinner doon para sa mga bata.", saad ni Tita Lina at ngimiti. Kinuha na niya mula sa braso ko si Xander

Agad naman na lumapit si Chuck sa'kin at agad akong niyakap. I don't mind though kahit nakatoga pa kami, naka-aircon naman dito.

Habang nag-uusap iyong mga parents namin ay nagpaalam kami para hanapin iyong mga kaibigan namin. Agad naming nakita sila Klarisse doon kasama sila Kevin at Vincent. Kasalukuyan silang nagpipicture-picture nang mapatingin sa'min. Mabilis silang tumakbo papunta sa pwesto namin ni Chuck at agad kaming pinaghihila. Mayroong pinagbigyan ng phone sila Klarisse na katulad namin ay bagong graduate din.

"Pakipicturan naman kami.", aniya. Tumango iyong babae. Nagtabi-tabi kami doon at masayang nagpost ng ilang beses para sa picture. Sa huling picture namin ay iyong wacky.

"1...2...3... Say cheez!", sabay-sabay kaming nagcheez doon at nagpost. Kasabay nang pagflash ng camera ay ang pagkaramdam ko ng pagdampi ng lips ni Chuck sa pisngi ko. Nanlaki ang mata ko at alam ko na kita iyon sa picture! Malandi talaga!

Nagkwentuhan kami doon ng kaunti at kitang-kita ko na sobrang saya ng mga kaibigan ko. Pero ganun pa man ay nakikita ko rin na medyo nalulungkot sila. Ako din naman ay nalulungkot, simula kasi ngayon ay magkakaroon na kami ng sari-sariling buhay.

"Guys ha, set na kayo ng out of town!", saad ni Klarisse. Nagtawanan kami at sumang-ayon. A little vacation is not that bad.

Nang maghiwa-hiwalay na kami ay hinanap ko naman ang mga pinsan ko. Sila Andrew at Lucas. Yup, Lucas also graduated. Iyong pinanggalingan niya kasi na University sa San Miguel ay ka-branch nitong University namin dito sa Manila. Kaya naayos ang grades niya at nakahabol siya kaagad.

Nauna kong nakita si Andrew na kasama iyong mga kaibigan niya at nagtatawanan. I immediately saw Neo na nandoon din. Kaagad kong nilingon si Chuck na nasa likod ko, asking if pwede kong lapitan sila Neo. He nodded tapos ay naramdaman ko na pinagsalikop niya ang daliri namin at siya pa ang nauna na pumunta sa pwesto nila.

Agad kaming sinalubong ng High five nila Troy. Nang mapatingin ako sa kay Neo ay ngumiti lanh siya sa'kin. Walang balak na makipag-high five ang gago! Kaya ako na ang nagtaas ng palad ko.

"Graduate na tayo, ano? High five naman dyan!", saad ko nang natatawa. Natawa din siya at nakipag-high five na din sa'kin. Sunod ay binalingan niya si Chuck at nakita ko na tinanguan niya ito. Nagulat ako ng makita ko tinaas ni Chuck iyong kanang kamay niya. Napatingin ako kay Neo at nakita na medyo nagulat pa siya sa ginawa ni Chuck, 'di siya agad agad nakagalaw doon kung hindi lang nagsalita si Chuck.

"You're unfair bro. What? Girlfriend ko lang ang aapiran mo?", kunwaring nagtatampo na saad ni Chuck. "You still like my girlfriend. Do you?", humagalpak ng tawa sila Andrew na nandoon. Nakita ko din na natawa si Neo bago tinanggap ang apir ni Chuck.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon