Chapter 46

3.3K 76 5
                                    

Chapter 46: Braid

Nang dumating kami sa San Miguel ay sinalubong agad kami nila Lola at Lolo na medyo nagulat pa ng dahil sa kasama ko si Chuck at ng dahil siya ang may buhat sa kapatid ko.

"Sinasabi ko na nga ba.", ngumiti si Lolo ng nakakaloko bago tinapik ang balikat ni Chuck. I know that look. Para siyang isang teenager na may na-figure out pagkatapos ng matagal na pag-iimbistiga.

Tulad noong unang punta nila Chuck dito ay marami na namang pagkain na pinahanda sila Lola. I always saw her and Tita Lina talking with Tita Beatrice. Habang nagkakasiyahan sila doon ay naramdaman ko ang hawak ni Chuck sa may bewang ko. Nilingon ko siya at agad na nginitian.

"Saan si Xander?", tanong ko dahil kanina ay siya ang may dala dito.

"Kinuha nila Tito.", ngiti niya at inakay ako palabas ng mansyon. Dumiretso kami at naglakad-lakad papunta sa malilim na bakuran nila Lola na puro puno ng mangga.

"Did you like what I gave you?"

Tinutukoy niya ay iyong keychain na binigay niya sa sasakyan kanina. Pagkatapos ko kasi na mabuksan iyon ay nilagay ko na iyon sa loob ng bag ko. Napagdesisyunan ko na sa same bag na niregalo niya ko iyon gagawing palawit.

"Oo. I loved it.", tango ko at nginitian siya. Nagtaka ako when he took out his iPhone from his pocket at saglit na may kinalikot doon. Maya-maya ay hinigit niya ako palapit sa kanya at tinapat sa'min ang phone niya, na ngayon ay bukas na ang front-cam.

"Instagram, babe.", he said at tumingin na doon sa camera. Nangiti ako bago tumingin din doon. Bago ma-capture ang picture ay nagulat ako ng biglang humarap si Chuck sa'kin at halikan ang pisngi ko. Naging dahilan 'yun para mag-init ang buong mukha ko.

"Gustong-gusto ko kapag nagba-blush ka.", aniya at kinindatan ako.

Nang gabing iyon ay nagpahanda si Lola ng barbecue party sa may garden para sa'ming lahat. Sa mismong Christmas eve kasi ay dadating dito iyong mga pinsan nila Daddy at iyong mga anak nila para dito mag-celebrate ng Noche Buena.

Kasalukuyan akong nagsusuklay ng buhok ko habang naka-indian sit sa itaas ng kama ko nang makarinig ako ng katok at kasunod noon ay ang pagbukas ng pinto. Agad noong iniluwa si Chuck na naka-shirt na ngayon at khaki shorts. 

"Tara na?", saad niya at naupo din sa ibabaw ng kama ko, sa tabi ko.

"Saglit lang.", saad ko at inayos ang pagsusuklay ng buhok ko. Nagulat ako ng kuhanin niya iyong brush ko at siya ang nagtuloy ng pagsuklay noon.

Maingat niyang sinuklay ang buhok ko, nang nakita ko na binaba na niya ang brush ko ay akala ko tapos na siya pero mas nagulat ako ng naramdaman ko na bine-braid niya iyon. I gasped at halos malaglag ang panga ko. 

How can Chuck know kung paano mag-braid? Samantalang ako ay hindi ko iyon kaya!

"I'm not gay, babe. If that's what you're thinking.", saad niya ng natatawa at nagulat ako ng hilahin niya ako palapit sa kanya and the next thing I know is nakasandal na 'yung likod ko sa dibdib niya at yakap-yakap na niya ako while his chin is resting on my shoulder. We are in that position ng saktong bumukas naman ang pinto. Agad akong napahiwalay kay Chuck pero mas hinigpitan niya ang yakap sa'kin.

"Oh shit, my eyes.", napatingin ako kaagad kay Andrew na kulang nalang ay takpan ang buong mukha ng dahil sa nakita niya. He was covering his eyes with both of his hands pero halata naman na nakasilip siya between the spaces of his fingers.

Narinig ko ang malakas na halakhak ni Chuck bago tuluyang lumuwag ang yakap niya. Tumayo na siya at inayos ang damit niya. Binalingan niya ako at inalalayan na tumayo.

"That's gross, couz.", maarteng saad ni Andrew. "Bumaba na nga kayo! Malalanding nilalang!", aniya at nagmartsa na palabas. 

Sabay kaming natawa ni Chuck ng dahil sa inakto ng pinsan ko. No wonder ay inggit lang ito palibhasa kasi ay hanggang ngayon wala pang girlfriend.

Nang makababa kami ni Chuck ay nandoon na sila sa garden at nag-se-set up kasalukuyan ng dining table. Tumulong naman kami ni Chuck. Siya ay tinulungan sila Dad at Tito na ilagay iyong chairs at ako naman ay tumulong kila Tita Lina para ilagay iyong mga plates ang glass. Nang matapos na kami sa pag-ayos ng lamesa ay naupo na din ako, tumabi naman sa'kin agad si Chuck.

"Woah. Wait. Wait.", narinig ko na saad na naman ni Andrew. Tumingin ako sa kanya at nakita na nakatingin siya doon sa malayo, sinundan ko ang tingin niya at nakita agad si Lucas.. Holding hands while walking, with a girl.

Napangisi ako nang nakumpirma na he brought his girl at home at finally ay nagkaroon na din siya ng lakas ng loob para ipakilala 'yun sa'min.

Nang dumating sila dito sa pwesto namin ay mas nakita ko iyong itsura nung girl. She's pretty kahit na medyo chubby. She's wearing eyeglasses at mas maliit siya kay Lucas. I think Lucas' height is 5'11 at iyong girlfriend niya ay hanggang sa dibdib lang niya. The girl also looks young. I wonder kung baby face lang ba talaga ito, o talagang bata pa.

"Ma, Pa. This is Iea, girlfriend ko.", nahihiya pero nakangiti na sabi ni Lucas. Tita Beatice at Tita Frank both gave a smile ang hugged the girl. Matapos silang daluhan at batiin nila Lola ay dinala niya sa pwesto namin nila Andrew iyong girlfriend niya.

"Iea, cousins ko and my brother.", Lucas introduced. "This is Aiza, and that's her boyfriend.", turo niya sa'min ni Chuck. I smiled at her, and she smiled back. Tinuro din ni Lucas si Andrew at pinakilala na younger brother niya.

Naupo na sila Lucas sa side namin. I almost laughed nang mapansin ko na nasa gitna namin si Andrew. Me, Chuck, Andrew, Lucas, and then his girl. I can almost see the pressure sa mata ni Andrew because of that.

Nagkwentuhan kami at doon ko nalaman na his girlfriend is quite young. She's two years younger than Lucas. She's a nursing student at second year pa lang siya. Now I know why she looks so innocent. I wonder kung lumalabas ba ang pagkaloko-loko ni Lucas when he's with her.

"Babe.", nilingon ko si Chuck ng tawagin niya ako. He handed me a bottle of San Mig, na tinanggap ko naman. We are both drinking nang marinig ko na naman si Andrew.

"What the hell! I'm single and I'm happy. Pero 'di niyo naman kailangan ipamukha sa'kin na ako lang ang walang partner! Damn, sweet shit. Langgamin sana kayo!", napatingin ako kay Andrew at nakitang tumayo na siya sa upuan niya at maingay na hinila iyon papunta sa pwesto kung saan malayo sa'min. Then I looked at Lucas and Iea's side. No wonder na-bitter si Andrew. The two are so sweet at mahihiya ang langgam ng dahil doon.

"Bitter!", asar ni Chuck kay Andrew na agad naman na nag-make face at palihim na itinaas ang middle finger niya.

"Couz, yan ba ang epekto ng pagiging single? Laging bitter?", tawa ako ng tawa ng dahil sa inakto ng pinsan ko. Asar na asar naman siya at mukang buryong-buryo ng dahil sa pagtawa namin ng dahil sa ka-bitteran niya.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon