Chapter 16

4K 105 4
                                    

Chapter 16: Grocery

Nang makalabas ako ng banyo ay naabutan ko siya na nakaupo pa rin sa may couch sa living room tapos ay wala pa rin na shirt. Sige ibalandra mo ang katawan mong hayop ka!

“Mag-shower ka na!”, sigaw ko sa kanya ng madaan ako sa may pwesto niya. Kasalukuyan ko na kinukuskos ng towel iyong buhok ko.

Napatingin siya sa sa’kin at ngumisi. “Okay, kero.”, saad niya tapos ay tumayo at nagulat ako ng bigla niya inagaw iyong towel na pinapamunas ko sa buhok ko tapos ay isinampay niya sa balikat niya.

“Wala ka bang dalang twalya?!”, sigaw ko sa kanya. Umiling siya at nagulat ako ng bigla niya ako hilahin at itapat ang mukha niya sa may leeg ko.

“Chuck!”, tinulak ko siya at tinignan ng masama.

Tumawa lang siya. “Bango mo.”, saad niya tapos ay kinindatan ako at tumalikod na at tumungo sa banyo.

Nakakagigil ang isang ‘to! Ang sarap tadtarin ng mura! Tangines.

Pumasok muna ako sa kwarto ko para magsuklay tapos ay kinuha ko lang iyong phone ko tapos ay kumuha ng pera tapos ay lumabas na. Habang hindi pa tapos maligo si Chuck ay nanood muna ako ng TV.

Maya-maya lang ay narinig ko na bumukas na iyong pinto. Tumingin ako doon, pero HOLY SHIT! Agad na nabalik ang tingin ko sa TV ng makita ko siya na hindi pa bihis, tanging yung towel ko lang ang nakapalupot sa lower part ng katawan niya.

Naramdaman ko ang presenya niya na nakatayo sa gilid ko. “Aiz, pakikuha nga ‘yung bag sa tabi mo.”, saad niya na tinutukoy iyong bag na dala niya kanina.

Walang imik na kinuha ko iyon at iniabot sa kanya, ng hindi manlang siya tinitignan. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya matapos noon. Tapos ay narinig ko ang muling pagsara ng pinto ng banyo, at doon ako nakahinga ng maluwag.

Right now, talagang naiilang ako sa kanya. Can you believe it?! To-topless topless siya ng ganyan dito?! Yung tanging twalya lang ang nakatakip sa katawan niya! Shit lang ha!

“Tara na?”, narinig ko ang boses ni Chuck sa likod ko. Tumayo na ako at pinatay iyong TV. Nakabihis na siya ngayon, naka-khaki shorts siya ng kulay maroon tapos ay t-shirt na puti at janoski na sapatos.

“May dala ka ba na bag?”, tanong ko sa kanya. “Tinatamad ako magdala ng bag ngayon, pakilagay ‘to.”, iniabot ko sa kanya iyong cellphone ko tapos iyong pera na dala ko.

“Wala. Pero may bulsa naman ako.”, saad niya at kinuha iyong phone ko at pera na iniaabot ko sa kanya. “Iiwan ko muna ‘to dito.”, he said referring doon sa gym bag niya na dala niya kanina. Tumango ako sa kanya at kinuha na iyong susi ko ng condo ni Andrew sa may ibabaw ng lamesa.

“Ano yan!”, gulat ko na tanong at humarap kay Chuck dahil bigla ko naramdaman na may ini-spray siya sa likod ko.

Ngumisi siya. “Pabango.”, sagot niya at itinaas iyong bote ng pabango niya tapos ay inispray-an iyong sarili niya. Kaya ngayon magkaamoy na kami! Tss.

Hindi ko na lang siya pinansin at lumabas na ako ng condo, maya-maya ay kasunod ko na siya. Nang sumakay kami sa elevator ay may sakay iyon na dalawang babae, sexy-ng babae to be exact. Parehas silang dalawa na nakahapit na dress. Tapos naka-make up pa na akala mo ay pupunta sa kung saang club. And knowing Chuck, aariba na naman ang kalandian niyan.

“What floor kayo?”, tanong noong babaeng nakapulang dress sa’min. Natural sa first floor kami! Tss.

Nakita ko na ngumiti si Chuck sa kanila. “Ground floor.”, sagot niya. Nakita ko na nagkatinginan iyong dalawang babae at nagkangitian pa at nanginig na parang inaatake ng epilepsy. The hell?

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon